Seminary
Lesson 61—Doktrina at mga Tipan 46:1–6: “Huwag Ninyong Paalisin ang Sinuman”


“Lesson 61—Doktrina at mga Tipan 46:1–6: ‘Huwag Ninyong Paalisin ang Sinuman,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 46:1–6,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Lesson 61: Doktrina at mga Tipan 46–48

Doktrina at mga Tipan 46:1–6

“Huwag Ninyong Paalisin ang Sinuman”

malugod na tumatanggap ng mga bisita

Noong 1831, dahil sa mga pag-uusig at kaguluhan, sinimulan ng ilang Banal ang gawing mga miyembro lamang ng Simbahan ang dadalo sa mga pulong para sa pagsamba. Nag-aalala tungkol dito at sa iba pang mga bagay, nanalangin si Joseph Smith para humingi ng patnubay at natanggap niya ang paghahayag na nakasulat sa Doktrina at mga Tipan 46. Sa paghahayag na ito, iniutos ng Tagapagligtas sa mga miyembro ng Simbahan na tanggapin ang lahat ng tao na “masigasig na naghahanap ng kaharian” (Doktrina at mga Tipan 46:5) para makadalo sa mga pagsamba. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mapagbuti ang kanilang mga pagsisikap na maipadama ang kabaitan at malugod na pagtanggap sa mga miting ng Simbahan.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Malugod na tinatanggap ang lahat

Maaari kang mag-display ng larawan ng isang lokal na gusali ng simbahan na may karatula na nagsasaad ng “Visitors Welcome.” Maaari mo ring i-display ang mga salitang ito sa pisara. Ang video na “Welcome” (1:05) ay maaaring makatulong at makapaghanda sa mga estudyante para sa talakayan sa araw na ito.

1:17

Welcome ComeUntoChrist.org

Maligayang pagdating sa isang komunidad kung saan lahat ay nagsisikap na mamuhay ayon sa itinuro ni Jesus. Halikayo at tingnan ang aming pinaniniwalaan sa ComeUntoChrist.org.

Isipin kung bakit sa palagay mo ay madalas na nakikita ang karatulang ito sa mga meetinghouse na pagmamay-ari ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.

  • Kapag nadama ng isang tao na malugod siyang tinatanggap sa simbahan, paano ito makakaambag sa kanyang karanasan sa pagsamba?

    Maaari mong i-display ang mga sumusunod na tanong at sabihin sa mga estudyante na tahimik na i-rate ang kanilang sarili sa scale na 1 (Hindi kailanman) hanggang 5 (Palagi). Maaari nilang isulat ang kanilang mga sagot sa kanilang study journal.

  • Gaano mo nararamdamang malugod kang tinatanggap sa iyong ward, branch, o klase sa seminary?

  • Gaano kadalas kang nagsisikap na mas makilala ang ibang tao sa mga sitwasyon sa simbahan?

  • Sa palagay mo, madarama ba ng iyong mga kaibigan at iba pang mga tao sa iyong lugar na malugod silang tinatanggap sa mga pagsamba sa Simbahan?

Sa pag-aaral mo ngayon, alamin ang mga turo ng Tagapagligtas na magagamit mo para matulungan ka at ang iba na madama na malugod kayong tinatanggap sa simbahan.

Ang mga tagubilin ng Panginoon tungkol sa malugod na pagtanggap sa iba

Ibahagi ang sumusunod na buod upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto ng mga talatang pag-aaralan nila sa Doktrina at mga Tipan 46.

Noong 1831, nagkaroon ng alalahanin na may ilang miyembro ng Simbahan na tumatangging payagan ang mga taong hindi miyembro na dumalo sa mga pulong para sa pagsamba ng Simbahan. Ang gawaing ito ay bunga ng panggagambala ng mga kaaway ng Simbahan sa mga pulong para sa pagsamba. Matapos manalangin ni Joseph Smith para humingi ng patnubay, inihayag ng Panginoon ang mahahalagang turo tungkol sa kung paano dapat pangasiwaan ng mga Banal ang kanilang mga miting.

Basahin ang Doktrina at mga Tipan 46:1–6, at alamin ang tagubilin ng Tagapagligtas hinggil sa mga taong gustong dumalo sa mga miting ng simbahan.

  • Ano ang natutuhan mo mula sa mga talatang ito tungkol sa nais ng Panginoon na paraan ng pakikitungo natin sa iba sa ating mga miting ng Simbahan?

    Maaaring matukoy ng mga estudyante ang katotohanang tulad ng sumusunod: Iniutos sa atin ng Panginoon na malugod na tanggapin ang lahat sa mga miting natin sa simbahan.

    Para mabigyang-diin ang kahalagahan ng katotohanang ito, maaaring makatulong na ipabasa sa mga estudyante ang 3 Nephi 18:22–25. Maaari mo ring ipabasa sa mga estudyante ang talata sa ilalim ng heading na “Tratuhin ang lahat bilang anak ng Diyos” sa bahaging “Mahalin ang Diyos, mahalin ang inyong kapwa” ng Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Paggawa ng mga Pagpili ([2022], 12).

  • Sa iyong palagay, bakit napakahalaga sa Tagapagligtas na malugod na tanggapin ang iba sa Kanyang Simbahan?

  • Ano ang ilang hamon sa ating panahon na maaaring maging dahilan para mahirapan ang isang tao na madama na malugod siyang tinatanggap sa mga miting ng simbahan?

  • Ano ang ilang partikular na bagay na magagawa natin para matulungan ang iba na madama na malugod silang tinatanggap sa mga miting natin sa simbahan?

Bilang bahagi ng talakayan tungkol sa naunang tanong, maaari mong ipanood ang video na “Inviting Others to ‘Come and Stay’” (1:39), na matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org.

1:45

Inviting Others to "Come and Stay"

When people feel welcome at church, they'll naturally want to stay. This video for the Church of Jesus Christ of Latter-day Saints shows normal and natural ways to help visitors feel at home when they come to church for the first time.

Si Jesucristo ay isang huwaran ng malugod na pagtanggap sa lahat ng tao

lahat ay malugod na tinatanggap

Ang Tagapagligtas ang perpektong huwaran ng pag-anyaya at malugod na pagtanggap sa lahat ng tao. Maghanap ng isa o mahigit pang halimbawa mula sa mga banal na kasulatan tungkol sa malugod na pagtanggap at pagiging mapagmahal ni Jesus sa lahat ng tao.

Kung kailangan ng mga estudyante ng karagdagang tagubilin, maaari mong patingnan sa kanila ang mga talata sa mga banal na kasulatan tulad ng Mateo 9:9–13; 19:13–15; Lucas 19:1–10; o 3 Nephi 11:12–15. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila at talakayin ang kanilang mga sagot sa mga sumusunod na tanong. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na magsulat sa kanilang study journal ng mga ideya kung paano nila matutularan ang halimbawa ng Tagapagligtas.

icon ng training Bigyang-diin ang halimbawa ni Jesucristo: Para sa karagdagang tulong sa pag-anyaya sa mga estudyante na makita kung paano ipinapakita ng Tagapagligtas ang natututuhan nila, tingnan ang training na may pamagat na “Bigyang-diin ang halimbawa ni Jesucristo,” na matatagpuan sa Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Magtuon kay Jesucristo.

Ang mga sumusunod na tanong ay magagamit upang matulungan ang mga estudyante na maibahagi ang natutuhan at nadama nila.

  • Sa pag-aaral mo ng halimbawa ng Tagapagligtas, paano nakagawa ng kaibhan ang Kanyang pagmamahal sa mga taong nakaugnayan Niya?

  • Ano ang isang bagay na natutuhan mo tungkol sa Tagapagligtas mula sa napag-aralan mo na maaari mong subukang tularan sa sarili mong buhay?

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pag-isipan at ibahagi ang mga karanasan nila kung saan nila nakita ang kabutihan na maaaring magmula sa pagtulong sa iba na madama na malugod silang tinatanggap sa ating mga miting ng simbahan. Maaari ka ring magbahagi ng isang karanasan mula sa sarili mong buhay.

Pagsasabuhay ng mga turo ng Tagapagligtas

Gumawa ng plano na sundin ang utos ng Tagapagligtas na tulungan ang lahat na madama na malugod silang tinatanggap sa mga miting ng simbahan. Isulat ang plano mo sa iyong study journal. Pag-isipan ang sumusunod na mga tanong para tulungan ka sa iyong plano:

  • Ano ang ilang partikular na paraan na masusunod mo ang payo ng Tagapagligtas na pinag-aralan mo ngayon?

  • Ano ang magagawa mo para mas madama mo na malugod kang tinatanggap sa mga miting ng simbahan?

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ibigay ang lahat ng kanilang makakaya para magawa ang mga pahiwatig na maaaring natanggap nila at ang planong ginawa nila ngayon. Hikayatin ang mga estudyante na sikaping maging sensitibo sa mga pangangailangan ng mga nakapaligid sa kanila. Maaaring angkop na anyayahan ang mga estudyante na ibahagi sa klase ang kanilang karanasan sa malugod na pagtanggap sa iba sa susunod na lesson.