Habang nagsasalita sa mga miyembro ng Simbahan sa panahon ng pandaigdigang pandemya, sinabi ni Pangulong Russell M. Nelson, “Alam ng ating Ama na kapag napalilibutan tayo ng kawalang-katiyakan at takot, ang lubos na makatutulong sa atin ay pakingggan ang Kanyang Anak” (“Pakinggan Siya,” Liahona, Mayo 2020, 89). Upang matulungang mapawi ang takot at kawalang-katiyakan ng mga Banal noong unang bahagi ng 1831, inanyayahan sila ng Panginoon na pakinggan ang Kanyang tinig at maniwala sa Kanyang pangalan. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mas maunawaan ang misyon at katangian ni Jesucristo habang nauunawaan nila ang ilan sa Kanyang mga pangalan at titulo.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Ang kahalagahan ng mga pangalan
Basahin ang sumusunod na pahayag ni Elder Jonathan S. Schmitt ng Pitumpu:
Ang isang simpleng paraan para makilala ang isang tao ay alamin ang kanyang pangalan. …
Kilala at tinatawag ni Jesus ang mga tao sa kanilang pangalan. Sa sinaunang Israel, sinabi ng Panginoon, “Huwag kang matakot, sapagkat ikaw ay tinubos ko, tinawag kita sa pangalan mo; ikaw ay akin” [Isaias 43:1; idinagdag ang pagbibigay-diin]. …
Gaya ng kilala ni Jesus ang bawat isa sa atin sa pangalan, ang isang paraan para mas makilala natin si Jesus ay sa pamamagitan ng pag-alam ng maraming pangalan Niya. … Marami sa mga pangalan ni Jesus ay mga titulo na tumutulong sa atin na maunawaan ang Kanyang misyon, layunin, katauhan, at mga katangian. Kapag nalaman natin ang maraming pangalan ni Jesus, mas mauunawaan natin ang Kanyang banal na misyon at ang Kanyang di-makasariling pag-uugali. Ang pag-alam sa maraming pangalan Niya ay naghihikayat din sa atin na maging mas katulad Niya. (Jonathan S. Schmitt, “Na Ikaw ay Makilala Nila,” Liahona, Nob. 2022, 104–5)
Ano ang ilang pangalan o titulo ni Jesucristo na nagtuturo sa inyo ng higit pa tungkol sa Kanyang pagkatao, misyon, at mga katangian?
Paano madaragdagan ng pag-unawa pa tungkol sa Kanyang mga pangalan at titulo ang inyong hangaring sundin Siya?
Gamitin ang sumusunod na assessment para masuri ang iyong hangarin at mga pagsisikap na mas maunawaan pa ang tungkol sa Tagapagligtas.
1 = bihira; 2 = paminsan-minsan; 3 = madalas
Nais kong mas maunawaan ang banal na misyon ni Jesucristo.
Habang pinag-aaralan ko ang mga banal na kasulatan, kusa kong hinahanap ang mga pangalan at titulo ni Jesus.
Mahalaga sa akin na malaman ang katangian ni Jesus para mas masunod ko Siya.
Habang natututo ka pa tungkol sa kung sino ang Tagapagligtas sa pamamagitan ng pag-aaral ng Kanyang mga pangalan at titulo, mapanalanging hilingin sa Ama sa Langit na tulungan kang maragdagan ang iyong hangaring sundin ang Kanyang Anak.
Ayon sa mga talatang ito, paano tinutupad ni Jesucristo ang Kanyang tungkulin bilang ating Tagapamagitan sa Ama?
Ano ang matututuhan natin tungkol sa katangian ng Tagapagligtas mula sa mga talatang ito?
Si Jesus ang ating Tagapamagitan sa Ama (tingnan sa 1 Juan 2:1; D&T 29:5; 32:3; 45:3; 110:4). Ang salitang tagapamagitan ay mula sa salitang-ugat sa Latin na ang ibig ay “tinig para sa,” o “isang taong nagsusumamo para sa iba.” Ang iba pang nauugnay na mga salita ay ginagamit sa banal na kasulatan, tulad ng tagapagtanggol (tingnan din sa 1 Timoteo 2:5; 2 Nephi 2:28; DD&T 76:69). …
… Kapag naunawaan natin na siya ang tagapamagitan, at tagapagtanggol natin sa Ama, nagbibigay ito sa atin ng katiyakan ng kanyang di-napapantayang pag-unawa, katarungan, at awa (tingnan sa Alma 7:12). (Russell M. Nelson, “Jesus the Christ—Our Master and More” [Brigham Young University devotional, Peb. 2, 1992], 4, speeches.byu.edu)
Ano ang nadarama mo habang sinusubukan mong ilarawan ang pagsusumamo at pamamagitan ng Tagapagligtas para sa iyo?
Paano mapapalakas ng kaalamang namamagitan para sa iyo si Jesucristo ang iyong desisyon na manatili sa landas ng tipan?
Pumili ng isang pangalan o titulo mula sa iyong pag-aaral na gusto mong malaman pa. Gamitin ang resources sa pag-aaral na magagamit mo, tulad ng Gospel Library app at mga tulong sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan, para malaman kung ano ang itinuturo ng pangalan o titulo tungkol kay Jesucristo. Maaari mo ring pag-aralan ang mga salita ng mga propeta sa mga huling araw para matuto pa. Kapag tapos ka nang mag-aral, sagutin ang mga sumusunod na tanong:
Ano ang isang bagay na natutuhan o nadama mo ngayon na nagpapaibayo sa iyong pagmamahal sa Tagapagligtas at sa hangarin mong sundin Siya?
Paano mapagpapala ang iyong buhay ng patuloy na pag-aaral at pagkatuto pa tungkol sa mga pangalan ni Jesucristo?