Lesson 70—Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 4: Ipamuhay ang mga Alituntunin ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman
“Lesson 70—Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 4: Ipamuhay ang mga Alituntunin ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 4,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Lesson 70: Doktrina at mga Tipan 51–57
Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 4
Ipamuhay ang mga Alituntunin ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman
Ang doctrinal mastery ay makatutulong sa mga estudyante na maitayo ang pundasyon ng kanilang buhay kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng mga pagkakataong maunawaan at maisaulo ang mga passage at ang doktrinang itinuturo ng mga passage na ito. Matututuhan at maipamumuhay rin ng mga estudyante ang mga banal na alituntunin para sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Pagrerebyu ng doctrinal mastery: Ipamuhay
Kung mabuti akong tao, mahalaga ba kung anong simbahan ang sasapian ko?
Paano ko malalaman kung tumatanggap na ako ng personal na paghahayag?
Bakit ko dapat ibahagi ang ebanghelyo sa aking mga kaibigan at pamilya?
Bakit ako dapat makibahagi sa pangkalahatang kumperensya?
Paano ko mapapatibay ang aking ugnayan kay Jesucristo?
Isa sa mga kasanayang matututuhan natin ay kung paano gamitin ang mga scripture passage sa mga sitwasyon sa tunay na buhay. Para sa bawat tanong sa itaas, pumili ng isang doctrinal mastery passage na maaaring makatulong sa isang tao sa kanyang alalahanin. Para sa listahan ng mga doctrinal mastery passage at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan, tingnan sa Doctrinal Mastery Core Document (2023).
Sa palagay mo, anong mga doctrinal mastery passage ang naaangkop sa sitwasyong pinagtuunan mo?
Paano makatutulong ang mga doctrinal mastery passage na ito sa sitwasyong iyon?
Matutuhan at ipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman
Nagdiborsyo ang mga magulang ni Troy noong bata pa siya. Maganda ang ugnayan niya sa kanyang dalawang magulang, pero tila nadarama niya na pinagsisisihan ng mga magulang niya na nagpakasal sila. Nasaksihan din niya ang maraming pagtatalo at labis na stress. Iniisip niya kung sulit bang magpakasal. Hindi siya sigurado kung gusto niyang magpakasal.
Istasyon 1
Ang mga hamon: Anong mga pananaw ang maaaring makaimpluwensya sa damdamin ng taong ito tungkol sa kasal at pamilya? Sa iyong palagay, bakit maaaring mahirap na makakita ng walang-hanggang pananaw sa sitwasyong ito?
Mga posibleng paraan para makatulong: Ano ang nais mong maunawaan ng taong ito tungkol sa plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit? Paano matutugunan ng walang-hanggang pananaw ang mga hamong natukoy mo?
Rebyuhin ang mga talata 8–10 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document, at tukuyin ang mga karagdagang pahayag ng katotohanan na makatutulong.
Istasyon 2
Ang mga hamon: Saan maaaring narinig ng taong ito ang mga ideyang ito? Bakit kaya nakahihikayat ang mga pilosopiyang ito?
Mga posibleng paraan para makatulong: Bakit mahalagang umasa sa sources na itinalaga ng Diyos kapag naghahanap ng impormasyon tungkol sa kasal at pamilya? Maghanap ng isa o dalawang banal na kasulatan o mga pahayag ng mga propeta na maaaring makatulong sa sitwasyong ito.
Rebyuhin ang mga talata 11–12 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document, at tukuyin ang mga karagdagang pahayag ng katotohanan na makatutulong.
Istasyon 3
Ang mga hamon: Ano ang maaaring magpahirap sa taong ito na kumilos nang may pananampalataya?
Mga posibleng paraan para makatulong: Ano ang ipagagawa mo sa taong ito para kumilos nang may pananampalataya? Paano madaragdagan ng mga pagkilos na ito ang tiwala ng taong ito kay Jesucristo habang pinagsisikapan niyang malampasan ang mga hamong ito?
Rebyuhin ang mga talata 5–7 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document, at tukuyin ang mga karagdagang pahayag ng katotohanan na makatutulong.
Ang natutuhan mo
Mula sa natutuhan mo ngayon, ano ang ibabahagi mo sa isang taong may mga tanong tungkol sa doktrina ng Ama sa Langit tungkol sa kasal at pamilya?
Ano ang natutuhan mo tungkol sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman na makatutulong sa isang tao na masagot ang isang tanong na may kaugnayan sa ebanghelyo?