Seminary
Doktrina at mga Tipan 58–59: Buod


“Doktrina at mga Tipan 58–59: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 58–59,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 58–59

Doktrina at mga Tipan 58–59

Buod

Noong Agosto 1831, isang grupo ng mga Banal ang nakarating kamakailan sa Jackson County, Missouri. Marami ang nagnais na tulungan ang Tagapagligtas na itayo ang Sion ngunit hindi sila sigurado kung ano ang gagawin. Ipinaliwanag ng Panginoon na inaasahan Niya na gagamitin nila ang kanilang kalayaang pumili upang humanap ng mga paraan para makapaglingkod. Inanyayahan din Niya sila na pagsisihan ang kanilang mga kasalanan at iniutos Niya sa kanila na panatilihing banal ang araw ng Sabbath.

icon ng training Gamitin ang karanasan sa pagkatuto: Kapag inaanyayahan mo ang mga tinuturuan mo na kumilos ayon sa tunay na doktrina, inaanyayahan mo silang gamitin ang karanasan sa pagkatuto hanggang sa kanilang tahanan at buhay sa araw-araw. Tulungan ang iyong mga estudyante na makita ang espirituwal na pagkatuto bilang pang-araw-araw na karanasan sa halip na isang bagay na nangyayari lamang sa klase. Makatutulong ito sa mga estudyante na mas mahikayat na matutuhan at maipamuhay ang mga turo ng ebanghelyo. Para sa karagdagang kaalaman kung paano ito ginawa ng Tagapagligtas, tingnan ang bahaging “Inanyayahan ng Tagapagligtas ang Iba na Ipamuhay ang Kanyang Itinuro” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Maaari ka ring makakita ng halimbawa kung paano ito gawin sa lesson sa linggong ito na may pamagat na “Doktrina at mga Tipan 58:26–29.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya kung ano ang maaaring kailangang ihanda mo nang maaga para sa bawat lesson.

Doktrina at mga Tipan 58:26–29

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano susundin ang halimbawa ng Tagapagligtas sa paggawa ng mabuti.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang taong kilala nila na naghahanap ng mga paraan para makapaglingkod sa mga paraang katulad ng kay Cristo. Sabihin sa kanila na isipin kung ano ang matututuhan nila tungkol sa pagkatao ng Tagapagligtas mula sa halimbawa ng taong ito.

  • Nilalamang ipapakita: Chart na tutulong sa mga estudyante na pag-aralan ang Doktrina at mga Tipan 58:26–29

  • Mga Video:Nahabag si Jesucristo at Pinagaling ang mga Tao” (6:32); “Widow of Nain” (2:22)

Doktrina at mga Tipan 58:38–60

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makadama ng pag-asa na pinatatawad ng Tagapagligtas ang mga nagsisisi sa kanilang mga kasalanan.

Doktrina at mga Tipan 59

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na igalang ang Panginoon sa pamamagitan ng pagpiling panatilihing banal ang araw ng Sabbath.