Seminary
Doktrina at mga Tipan 51–57: Buod


“Doktrina at mga Tipan 51–57: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 51–57,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 51–57

Doktrina at mga Tipan 51–57

Buod

Isang grupo ng mga Banal ang dumating sa Thompson, Ohio, at sinikap nilang ipamuhay ang batas ng paglalaan. Gayunpaman, hindi tinupad ni Leman Copley ang kanyang tipan na ilaan ang kanyang lupain sa Simbahan, kaya walang natuluyang lugar ang maraming Banal. Sinunod ng mga Banal na ito ang isang paghahayag mula sa Panginoon at lumipat sila sa Missouri. Sa patnubay ng Panginoon, naglakbay si Joseph Smith at ang iba pang mga elder patungong Missouri para sa isang kumperensya. Doon, inihayag ng Panginoon na dapat nilang itayo ang Sion sa Missouri.

icon ng training Tulungan ang mga mag-aaral na sadyang sikaping maging katulad ni Jesucristo: Maraming estudyante ang may mga pag-uugali at katangiang tulad ng kay Cristo. Kapag inoobserbahan at kinikilala natin ang pag-uugaling tulad ng kay Cristo, mahihikayat ang mga estudyante na magpatuloy sa ganoong pag-uugali. Para sa karagdagang impormasyon kung paano ito ginawa ng Tagapagligtas, tingnan ang bahaging “Tulungan ang mga Mag-aaral na Magsikap nang Mabuti na Maging Higit na Katulad ni Jesucristo” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Maaari ka ring makakita ng halimbawa kung paano ito gawin sa lesson ngayong linggo na may pamagat na “Doktrina at mga Tipan 57.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya kung ano ang maaaring kailangang ihanda mo nang maaga para sa bawat lesson.

Doktrina at mga Tipan 51

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano nila masusunod ang payo ng Panginoon na maging matapat, makatarungan, at matalinong mga katiwala.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang ilan sa mga responsibilidad nila sa pagiging miyembro ng Simbahan ng Tagapagligtas. Sabihin sa kanila na isipin ang mga pagpapalang natanggap nila sa pamamagitan ng mga responsibilidad na ito.

Doktrina at mga Tipan 57

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makadama ng mas matinding hangaring maging mga tao ng Panginoon sa pamamagitan ng pagtatayo ng Sion.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na basahin ang Moises 7:18 at isipin ang mga kapakinabangan ng pamumuhay sa isang lipunan tulad ng yaong inilarawan sa talatang iyon.

  • Mga materyal na ipapakita: Isang larawan ng Tagapagligtas at larawan ni Enoc at ng kanyang mga tao

  • Mga Video:Mga Matang Makakakita” (9:35) mula sa time code na 4:54 hanggang 6:54; “Ang mga Pangangailangan na Nasa Ating Harapan” (11:57) mula sa time code na 6:03 hanggang 8:10

Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 4

Layunin ng lesson: Mabigyan ang mga estudyante ng mga pagkakataong maunawaan at isaulo ang mga doctrinal mastery passage at ang doktrinang itinuturo ng mga passage na ito, gayundin ang pag-aaral at pagsasabuhay ng mga banal na alituntunin para sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na rebyuhin ang ilan sa mga doctrinal mastery passage na napag-aralan nila sa taong ito. Matatagpuan ang isang listahan ng mga passage sa Doctrinal Mastery Core Document (2023).

  • Mga Materyal para sa mga estudyante: Doctrinal Mastery Core Document