Seminary
Lesson 69—Doktrina at mga Tipan 57: Paano Itinatayo ng Panginoon ang Sion


“Lesson 69—Doktrina at mga Tipan 57: Paano Itinatayo ng Panginoon ang Sion,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 57,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Lesson 69: Doktrina at mga Tipan 51–57

Doktrina at mga Tipan 57

Paano Itinatayo ng Panginoon ang Sion

mga dalagitang nag-uusap

Nang naghayag ang Panginoon ng higit pa tungkol sa Sion kay Propetang Joseph Smith, nasabik at natuwa ang mga Banal na maging bahagi ng gayong komunidad. Nang ihayag kung saan itatayo ang Sion, iniutos ng Panginoon sa ilang tao na simulan ang pagtatatag ng komunidad. Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na makadama ng mas matinding hangaring maging mga tao ng Panginoon sa pamamagitan ng pagtatayo ng Sion.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Sion

Maaari kang magpakita ng larawan ng Tagapagligtas.

Ipagpalagay na nagkaroon ka ng pagkakataong manirahan malapit kay Jesucristo.

  • Ano ang mga katangian Niya na ikatutuwa mo ang manirahan malapit sa Kanya?

Isipin ngayon kung ano ang pakiramdam ng manirahan sa isang komunidad na puno ng mga taong nagsisikap na sundin ang mga turo at halimbawa ni Jesucristo. Isang halimbawa ng gayong komunidad ang naitatag noong panahon ng Lumang Tipan sa mga tao ni Enoc.

Maaari kang magpakita ng larawan ni Enoc at ng kanyang mga tao at itanong sa mga estudyante kung ano ang nalalaman nila tungkol sa salaysay na ito sa mga banal na kasulatan.

mga tao ni Enoc

Basahin ang Moises 7:18, at alamin ang mga katangian ng mga taong ito.

  • Anong mga problema ang kinakaharap natin ngayon na malulutas o mababawasan sa gayong komunidad?

  • Ano sa palagay mo ang ginawa ng mga taong ito para marating ang kalagayang ito?

Pag-isipan sandali kung paano mapagpapala ng pamumuhay sa paraang katulad ng kay Cristo ang iyong buhay tulad ng mga tao ng Sion. Sa pag-aaral mo ngayon, maghanap ng mga turo na makatutulong sa iyo na mas maunawaan kung ano ang magagawa mo para makatulong sa pagtatatag ng Sion sa paligid mo.

Ang lunsod ng Sion

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto ng mga talatang pag-aaralan nila ngayon, basahin o ibuod ang sumusunod na impormasyon. Maaari mo ring basahin ang Mga Banal, 1:134–36.

Hindi nagtagal matapos maorganisa ang Simbahan, marami sa mga Banal ang nasabik sa pagtatatag ng isang komunidad ng Sion tulad ng mga tao ni Enoc. Nangako ang Panginoon na magkakaroon ng isang lunsod ng Sion na itatayo sa mga huling araw (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 45:65–71; Moises 7:62).

Noong Hunyo 1831, iniutos ng Panginoon kay Joseph Smith at sa isang grupo ng mga elder na maglakbay nang mga 800 milya (1,287 km) mula Ohio patungong Missouri, kung saan sila magdaraos ng kumperensya at para malaman ang tungkol sa lupaing kanilang mana (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 52:1–2, 5). Ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 57 ay natanggap nang dumating si Joseph Smith at ang mga elder sa Missouri noong Hulyo 1831.

Basahin ang Doktrina at mga Tipan 57:1–3 para malaman ang natutuhan ng mga Banal.

  • Saan ipinahayag ng Panginoon na itatayo ang lunsod ng Sion?

  • Ano ang ipinauunawa sa iyo ng talata 3 tungkol sa kahalagahan ng templo sa Panginoon?

Maaaring may mga tanong ang mga estudyante tungkol sa mga turo ng Tagapagligtas sa mga talata 1–3. Makatutulong na ipaliwanag na ang mga pagsisikap ng mga Banal noong 1830s na magtatag ng isang lunsod ng Sion sa Independence, Missouri, ay hindi nagtagumpay dahil sa pag-uusig. Pagsapit ng 1838, ang mga Banal ay itinaboy palabas ng Missouri ng kanilang mga kaaway.

Bagama’t nangako ang Panginoon na magkakaroon ng lunsod ng Sion sa hinaharap na itatayo sa lupalop ng Amerika (tingnan sa Mga Saligan ng Pananampalataya 1:10), pinayuhan tayo ngayon na itayo ang Sion saanman tayo naninirahan sa pamamagitan ng pagsisikap na mamuhay nang matwid at pagtatatag ng Simbahan sa buong mundo (tingnan sa “Sion,” Mga Paksa ng Ebanghelyo, topics.ChurchofJesusChrist.org).

Pagtatatag ng lunsod ng Sion

Sa paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 57, nagbigay ang Panginoon ng mga tagubilin sa ilang tao na simulan ang pagtatayo ng Sion.

Ang isang paraan na matutulungan mo ang mga estudyante na matuto mula sa mga sumusunod na talata ay igrupu-grupo sila na may tig-aapat na miyembro at hatiin ang mga talata sa mga miyembro ng grupo (mga talata 6–7, 8–10, 11–12, 13–14). Maaaring tukuyin ng bawat miyembro ng grupo ang tao o mga taong kinakausap at kung ano ang ipinagagawa sa kanila. Pagkatapos ay maaaring ibahagi ng mga estudyante sa mga miyembro ng kanilang grupo ang natuklasan nila.

Basahin ang Doktrina at mga Tipan 57:6–14, at alamin kung ano ang sinabi ng Panginoon na gawin ng bawat isa sa kanila.

  • Sa iyong palagay, bakit iniutos ng Panginoon sa iba’t ibang tao na gumawa ng iba’t ibang gawain?

  • Ano ang itinuturo nito sa atin tungkol sa paraan ng pagtatayo ng Panginoon ng Sion, ng Kanyang kaharian, sa lupa?

    Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang alituntuning ito: Itinatayo ng Tagapagligtas ang Sion sa pamamagitan ng paggamit ng mga kakayahan ng bawat isa sa atin.

    Ipaliwanag na ang mga taong ito ay nagtrabaho at ginawa ang iniutos sa kanila ng Panginoon. Habang nagsasakripisyo nang malaki, sila ay “[n]anirahan” (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 57:8, 11, 14, 15) sa Missouri, isang lugar na walang maraming kaginhawahan na noon ay dating kanlurang hangganan ng Estados Unidos ng Amerika.

  • Paano makatutulong sa atin na maunawaan na itinatayo ng Tagapagligtas ang Kanyang kaharian sa ganitong paraan?

Malamang na hindi ka bibigyan ng Panginoon ng gayong tungkulin na itayo ang Sion tulad ng mga taong binanggit sa mga talatang ito. Gayunpaman, iniuutos Niya sa atin na itatag ang Sion ngayon. Sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta, hinikayat Niya tayong itatag ang Sion saanman tayo nakatira (tingnan sa D. Todd Christofferson, “Sa Sion ay Magsitungo,” Liahona, Nob. 2008, 38).

  • Ano ang ilang paraan na maitatatag mo ang Sion sa paligid mo ngayon?

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na mag-isip ng mga partikular na aspeto ng kanilang buhay kung saan maaari nilang itatag ang Sion, tulad sa tahanan, sa kanilang ward o branch, sa paaralan, o sa iba pa nilang mga pakikipag-ugnayan.

Bilang bahagi ng talakayang ito, maaari mong gamitin ang isa o lahat ng sumusunod na halimbawa. Sabihin sa mga estudyante na isipin kung paano nakatutulong ang mga halimbawang ito para mas maunawaan nila kung paano nila maitatatag ang Sion sa paligid nila.

Panoorin ang “Mga Matang Makakakita” mula sa time code na 4:54 hanggang 6:54 at “Ang mga Pangangailangan na Nasa Ating Harapan” mula sa time code na 6:03 hanggang 8:10. Matatagpuan ang dalawang video na ito sa ChurchofJesusChrist.org.

9:44

Mga Matang Makakakita

Itinuro ni Sister Craig na sa tulong ng Espiritu Santo matututuhan nating makita ang iba at ang ating sarili at ang iba na gaya ng pagkakita ng Tagapagligtas sa atin.

12:6

Ang mga Pangangailangan na Nasa Ating Harapan

Itinuro ni Sister Oscarson na paglingkuran natin ang mga taong pinakamalapit sa atin: ang ating mga pamilya, mga kaibigan, ward at komunidad. Ang diwa ng pagsasabuhay ng ebanghelyo ay paglilingkod.

Pagtatatag ng Sion sa paligid mo

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na magbahagi ng mga naging karanasan nila o nalalaman nila kung saan nakatulong sila o ang iba pa sa pagtatatag ng Sion. Anyayahan silang ibahagi ang mga pagpapalang naranasan nila dahil sa mga pagsisikap na ito.

icon ng trainingTulungan ang mga mag-aaral na sadyang sikaping maging higit na katulad ni Jesucristo: Habang ibinabahagi ng mga estudyante ang mga karanasang ito, maaari nilang matukoy ang mga paraan na sila o ang iba ay nagiging higit na katulad ni Cristo. Para sa karagdagang pagsasanay kung paano mo matutukoy ang mga paraan na sila ay nagiging higit na katulad ni Cristo, tingnan ang training na “Obserbahan ang mga katangiang tulad ng kay Cristo sa mga estudyante at ibahagi ang napansin mo sa mga paraan na naghihikayat sa kanila na patuloy na maging katulad Niya,” na matatagpuan sa training na Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Magtuon kay Jesucristo.

Pagkatapos ay anyayahan ang mga estudyante na sagutin ang isa o lahat ng sumusunod na tanong sa kanilang study journal.

  • Ano ang natutuhan o nadama mo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa pag-aaral mo ngayon?

  • Ano ang nadama mo na kailangan mong gawin dahil sa napag-aralan mo ngayon?

Kung hindi masyadong personal, sabihin sa ilang estudyante na ibahagi ang kanilang mga naisip. Patotohanan ang mga katotohanang tinalakay mo, at anyayahan ang mga estudyante na kumilos ayon sa anumang pahiwatig na maaaring natanggap nila sa pamamagitan ng Espiritu Santo upang itatag ang Sion.