“Lesson 83—Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 5: Pagsasaulo at Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 5,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Lesson 83: Doktrina at mga Tipan 71–75
Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 5
Pagsasaulo at Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman
Ang doctrinal mastery ay makatutulong sa mga estudyante na itayo ang kanilang pundasyon kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng mga pagkakataong isaulo ang mga doctrinal mastery reference at ang mahahalagang parirala ng mga ito at isabuhay ang mga banal na alituntunin para sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Pagrerebyu ng doctrinal mastery: isaulo
Isipin ang mga pagkakataon sa iyong buhay na nakatulong ang pagsasaulo ng impormasyon sa paggawa ng isang gawain.
-
Paano napagpala ng pagsasaulo ng impormasyon ang iyong buhay?
-
Sa anong mga sitwasyon ka makikinabang sa pagsaulo ng ilang scripture reference?
Doctrinal mastery scripture reference |
Mahalagang parirala ng banal na kasulatan |
---|---|
Doctrinal mastery scripture reference | Mahalagang parirala ng banal na kasulatan “Nakakita [si Joseph Smith] ng dalawang Katauhan, na ang liwanag at kaluwalhatian ay hindi kayang maisalarawan.” |
Doctrinal mastery scripture reference | Mahalagang parirala ng banal na kasulatan “Ang tanging tunay at buhay na simbahan.” |
Doctrinal mastery scripture reference | Mahalagang parirala ng banal na kasulatan “Maging sa pamamagitan ng sarili kong tinig o sa tinig man ng aking mga tagapaglingkod, ito ay iisa.” |
Doctrinal mastery scripture reference | Mahalagang parirala ng banal na kasulatan “Isaalang-alang ako sa bawat pag-iisip; huwag mag-alinlangan, huwag matakot.” |
Doctrinal mastery scripture reference | Mahalagang parirala ng banal na kasulatan “Sasabihin ko sa iyo sa iyong isipan at sa iyong puso, sa pamamagitan ng Espiritu Santo.” |
Doctrinal mastery scripture reference | Mahalagang parirala ng banal na kasulatan Ang Aaronic Priesthood ang “may hawak ng mga susi ng paglilingkod ng mga anghel, at ng ebanghelyo ng pagsisisi, at ng pagbibinyag.” |
Doctrinal mastery scripture reference | Mahalagang parirala ng banal na kasulatan “Ang kahalagahan ng mga kaluluwa ay dakila sa paningin ng Diyos.” |
Doctrinal mastery scripture reference | Mahalagang parirala ng banal na kasulatan “Anong laki ng inyong kagalakan kung makapagdadala kayo ng maraming kaluluwa sa akin!” |
Doctrinal mastery scripture reference | Mahalagang parirala ng banal na kasulatan “Ako, [si Jesucristo], ay pinagdusahan ang mga bagay na ito para sa lahat.” |
Doctrinal mastery scripture reference | Mahalagang parirala ng banal na kasulatan Ang “salita [ng propeta] ay inyong tatanggapin, na parang mula sa sarili kong bibig.” |
Doctrinal mastery scripture reference | Mahalagang parirala ng banal na kasulatan “Aking ipakikita ang aking sarili mula sa langit sa kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian … at mananahanan sa kabutihan kasama ng mga tao sa mundo ng isanlibong taon.” |
Doctrinal mastery scripture reference | Mahalagang parirala ng banal na kasulatan “Ang kasal ay inorden ng Diyos.” |
Doctrinal mastery scripture reference | Mahalagang parirala ng banal na kasulatan “Siya na nagsisi ng kanyang mga kasalanan, ay siya ring patatawarin.” |
Doctrinal mastery scripture reference | Mahalagang parirala ng banal na kasulatan “Kayo ay kinakailangang magpatawad sa lahat ng tao.” |
Pagpapamuhay ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman
Ibinahagi ni Sister Kristin M. Yee, Pangalawang Tagapayo sa Relief Society General Presidency, ang sumusunod na personal na karanasan.
Personal kong nasaksihan ang pagpapagaling ni Cristo sa aking puso na puno ng pagkapoot. Nang may pahintulot ng aking ama, ikukuwento ko na lumaki ako sa isang tahanan kung saan nadama ko na hindi ako laging ligtas dahil sa pang-aabusong emosyonal at masasakit na pananalita. Noong kabataan ko hanggang magdalaga ako, kinamuhian ko ang aking ama at nagkaroon ng galit sa puso ko. (Kristin M. Yee, “Putong na Bulaklak sa Halip na mga Abo: Ang Nagpapagaling na Landas ng Pagpapatawad,” Liahona, Nob. 2022, 37)
Pag-isipan sandali kung ano kaya ang pakiramdam kung naranasan mo ang sitwasyon ni Sister Yee. Isipin kung ano kaya ang nagawa mo kung naranasan mo ang gayon ding sitwasyon.
Habang pinag-aaralan natin ang ginawa ni Sister Yee, isipin kung anong mga aral ang matututuhan mo mula sa kanyang karanasan. Higit na bigyang-pansin kung paano niya ipinamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at kung paano siya tinulungan ng Tagapagligtas.
-
Ano ang ginawa ni Sister Yee para kumilos nang may pananampalataya? Paano siya tinulungan ng Panginoon?
-
Ano ang ginawa ni Sister Yee para makita ang kanyang sitwasyon sa konteksto ng plano ng kaligtasan at ng mga turo ng Tagapagligtas?
-
Anong sources na itinalaga ng Diyos ang pinagkatiwalaan ni Sister Yee? Paano nakatulong ang sources na ito para magkaroon siya ng pang-unawa o pananaw tungkol sa kanyang sitwasyon?
Putong na Bulaklak sa Halip na mga Abo: Ang Nagpapagaling na Landas ng Pagpapatawad
Sa paglipas ng mga taon at sa pagsisikap na makahanap ng kapayapaan at paggaling sa landas ng pagpapatawad, natanto ko na ang Anak ng Diyos na nagbayad-sala para sa aking mga kasalanan ay ang siya ring Manunubos na magliligtas sa mga taong labis na nakasakit sa akin. Kung talagang naniniwala ako na nagbayad-sala ang Tagapagligtas para sa akin, kailangan ko ring maniwala na nagbayad-sala Siya para sa mga taong nakasakit sa akin.
Habang nag-iibayo ang pagmamamahal ko sa Tagapagligtas, gayon din ang hangarin ko na mapagaling ng Kanyang balsamo ang sakit at poot na nadarama ko. Mahabang proseso iyon, at nangailangan ng tapang, katapatan, pagtitiyaga, at pagkatutong magtiwala sa banal na kapangyarihan ng Tagapagligtas na magligtas at magpagaling. May mga kailangan pa akong gawin, ngunit wala na ang poot at paghihiganti sa puso ko. Pinagkalooban ako ng “bagong puso” [Ezekiel 36:26]—pusong nakadarama ng matindi at walang hanggang pagmamahal ng Tagapagligtas, na laging nariyan, na mahinahon at matiyagang umakay sa akin patungo sa mas mainam na lugar, na nanangis kasama ko, at alam ang kalungkutang nadarama ko. …
Sinabi ni Elder Richard G. Scott: “Hindi ninyo mababago ang nangyari, ngunit maaari kayong magpatawad. Ang pagpapatawad ay nagpapahilom ng napakasakit at malalalim na sugat, dahil nagbibigay-daan ito upang mapawi ng pagmamahal ng Diyos ang nakalalasong galit sa inyong puso at isipan. Inaalis nito sa inyong isipan ang hangaring maghiganti. Nagbibigay-puwang ito sa nagdadalisay, nagpapagaling, at nagpapanumbalik na pagmamahal ng Panginoon” [“Healing the Tragic Scars of Abuse,” Ensign, Mayo 1992, 33].
Ang aking ama ay nagkaroon din ng mahimalang pagbabago ng puso nitong mga nakaraang taon at bumaling sa Panginoon—isang bagay na hindi ko inasahan sa buhay na ito. Ito ay isa pang patotoo sa akin tungkol sa nagpapagaling at nagpapabagong kapangyarihan ni Jesucristo.
Alam ko na mapapagaling Niya ang mga nagkasala at ang mga nagawan ng pagkakasala. Siya ang Tagapagligtas at ang Manunubos ng sanlibutan, na inialay ang Kanyang buhay upang tayo ay mabuhay na muli. Sinabi Niya, “Ang Espiritu ng Panginoon ay nasa akin, sapagkat ako’y hinirang niya upang ipangaral ang magandang balita sa mga dukha; ako’y sinugo niya upang [pagalingin ang mga namimighati], upang ipahayag ang paglaya sa mga bihag, at ang muling pagkakaroon ng paningin sa mga bulag, upang palayain ang mga naaapi” [Lucas 4:18; idinagdag ang pagbibigay-diin].
Sa lahat ng namimighati, bihag, naapi, at marahil nabulag ng pasakit o kasalanan, Siya ay nagbibigay ng pagpapagaling, at kaligtasan. Pinatototohanan ko na ang paggaling na ibinibigay Niya ay totoo. Ang panahon ng paggaling ay magkakaiba sa mga indibiduwal, at hindi natin maaaring husgahan ang panahon ng paggaling ng iba. Mahalagang bigyan ng pagkakataon ang ating sarili na maghilom at maging mabait sa ating sarili. Ang Tagapagligtas ay laging maawain at mapagmalasakit at handang magbigay ng tulong na kailangan natin.
Sa landas ng pagpapatawad at pagpapagaling, naroon ang pagpapasiyang iwaksi ang di-mabubuting huwaran o ugnayan sa ating pamilya o saanman. Sa lahat ng ginagawa natin, maaari tayong tumugon ng kabutihan sa kalupitan, pagmamahal sa pagkamuhi, kahinahunan sa kabagsikan, kaligtasan sa kapighatian, at kapayapaan sa pagtatalo.
Ang ibigay ang ipinagkait sa inyo ay mabuting bahagi ng banal na paggaling na posible sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo. Ang mamuhay sa paraang ibinibigay ninyo, tulad ng sinabi ni Isaias, ang putong na bulaklak sa halip na mga abo ng inyong buhay [tingnan sa Isaias 61:3] ay pagpapakita ng pananampalataya na tinutularan ninyo ang pinakadakilang halimbawa ng isang Tagapagligtas na nagdusa sa lahat upang Kanyang matulungan ang lahat. …
Pinatototohanan ko na ang pinakadakilang halimbawa ng pagmamahal at pagpapatawad ay yaong ipinakita ng ating Tagapagligtas na si Jesucristo, na sa matinding pagdurusa ay nagsabing, “Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa” [Lucas 23:34]. (Kristin M. Yee, “Putong na Bulaklak sa Halip na mga Abo: Ang Nagpapagaling na Landas ng Pagpapatawad,” Liahona, Nob. 2022, 37–38)
Matapos ibahagi ng mga estudyante ang nalaman nila, sabihin sa kanila na tukuyin ang mga kaugnay na doctrinal mastery passage at ipaliwanag kung paano makatutulong ang mga passage na ito sa isang tao sa ganitong uri ng sitwasyon. Kabilang sa ilang halimbawa ang Doktrina at mga Tipan 6:36 at Doktrina at mga Tipan 64:9–11.
-
Paano nakatulong sa iyo na pag-aralan ang halimbawa ng isang tao na ginamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa isang karanasang pinagdaanan niya?
-
Paano makatutulong sa iyo ang paggamit ng mga alituntuning ito sa mga sitwasyong kinakaharap mo?