Ang pagninilay at pag-assess sa espirituwal na pagkatuto ay makatutulong sa atin na mas mapalapit sa Tagapagligtas. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maalala at masuri kung paano nakatulong sa kanila ang kanilang mga karanasan sa pag-aaral ng Doktrina at mga Tipan na umunlad sa espirituwal.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
I-assess ang iyong pag-unlad
Ano ang isang aktibidad na nasisiyahan kang lahukan?
Paano mo malalaman kung humuhusay ka? Mayroon ka bang partikular na mga kasangkapan na ginagamit para masukat ang iyong progreso?
Tulad ng pagsukat sa ating pisikal na pag-unlad upang matulungan tayong makita ang ating paghusay, kailangan nating maglaan ng oras na suriin ang ating espirituwal na pag-unlad. Ang Espiritu Santo ay kasangkapan sa pagtulong sa atin na sukatin ang ating espirituwal na pag-unlad. Ang isang paraan na maaanyayahan natin ang Espiritu Santo na tulungan tayong makita ang ating pag-unlad ay sa pamamagitan ng mapanalanging pagninilay tungkol sa mga espirituwal na aral na natutuhan natin at pag-iisip kung paano tayo umuunlad sa espirituwal habang ipinamumuhay natin ang mga aral na iyon.
Ano ang ilan sa mga bagay na nagawa mo para maipamuhay ang mga espirituwal na katotohanang natutuhan mo sa seminary? Paano nakatutulong ang pagpapamuhay ng mga katotohanang ito sa pag-unlad mo sa espirituwal?
Paano mo napansin na tinutulungan ka ng Ama sa Langit at ng Tagapagligtas habang ipinamumuhay mo ang natututuhan mo sa iyong mga pagsisikap na maging higit na katulad Nila?
Ipaliwanag ang layunin ng mga kautusan
Dahil walang katapusan at sakdal ang pagmamahal sa atin ng Ama at ng Anak at dahil alam Nila na hindi natin nakikita ang lahat ng nakikita Nila, binigyan Nila tayo ng mga batas na gagabay at poprotekta sa atin. May matibay na kaugnayan sa pagitan ng pagmamahal ng Diyos at ng Kanyang mga batas. (Russell M. Nelson, “The Love and Laws of God” [Brigham Young University devotional, Set. 17, 2019], 2, speeches.byu.edu)
Ano ang isang kautusan na nakatulong sa iyo na madama na pinoprotektahan at minamahal ka ng Diyos?
Ano ang ilan sa mga batas ng Diyos na napag-aralan natin kamakailan sa Doktrina at mga Tipan?
Isipin kunwari na ibinahagi sa iyo ng isa sa mga kaibigan mo ang kanyang pagkainis sa isang kautusan. Iniisip niya kung bakit nag-abala pa ang Diyos na bigyan tayo ng mga kautusan.
Pumili ng isang kautusan na napag-aralan mo sa Doktrina at mga Tipan sa taon na ito at ibahagi:
Paano naging proteksyon at gabay mula sa ating Ama sa Langit ang kautusang iyan.
Paano naging katibayan ng pagmamahal ng Diyos ang kautusang iyan.
Pagbibigay ng iyong puso at may pagkukusang isipan sa Panginoon
Ano ang ginawa o magagawa mo para maragdagan ang iyong hangaring ibigay sa Tagapagligtas ang iyong puso at isipan?
Anong mga pagbabago ang napansin mo sa hangarin mong ibigay ang iyong puso at isipan sa Tagapagligtas?
Paano nakaimpluwensya ang iyong mga iniisip at ikinikilos sa pakikipag-ugnayan mo sa iba at kay Jesucristo?
Pagpapanatiling banal ng araw ng Sabbath
Sinisikap mo bang panatilihing banal ang araw ng Sabbath, kapwa sa tahanan at sa simbahan…
Mag-isip ng isang bagay na ginawa mo para mapanatiling banal ang araw ng Sabbath. Paano mas gumanda ang karanasan mo sa araw ng Sabbath dahil dito?
Paano ka napalapit sa Ama sa Langit at sa Tagapagligtas ng iyong mga pagsisikap na panatilihing banal ang araw ng Sabbath?
Ano ang ilang hamon na nararanasan mo sa pagpapanatiling banal ng araw ng Sabbath?
Ano ang isang bagay na gusto mong simulang gawin para mapanatiling banal ang araw ng Sabbath?
Bakit mahalaga na panatilihing banal ang araw ng Sabbath?
Ano ang isang bagay sa listahan mo na hindi mo pa nagagawa na maaari mong simulang gawin sa Linggong ito para mapanatiling banal ang araw ng Sabbath?
Paano mo mas naigalang ang Ama sa Langit at si Jesucristo nang magsimula o tumigil ka sa paggawa ng ilang bagay sa araw ng Sabbath?