Seminary
Doktrina at mga Tipan 71–75: Buod


“Doktrina at mga Tipan 71–75: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 71–75,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 71–75

Doktrina at mga Tipan 71–75

Buod

Noong taglamig ng 1831, ipinamahagi sa Kirtland, Ohio, ang mga liham na may maling impormasyon tungkol kay Joseph Smith at sa Simbahan. Iniutos ng Tagapagligtas kina Joseph Smith at Sidney Rigdon na maglakbay sa buong rehiyon upang itama ang mga kasinungalingan.

icon ng training Bigyang-diin ang halimbawa ni Jesucristo: Ang isang paraan para maisentro kay Jesucristo ang pagtuturo at pag-aaral ay bigyang-diin kung paano Siya naging perpektong halimbawa ng lahat ng alituntunin ng ebanghelyo. Kahit hindi tuwirang tinutukoy ang halimbawa ng Tagapagligtas sa isang scripture passage, matutulungan natin ang ating mga mag-aaral na iugnay ang natututuhan natin sa salaysay sa banal na kasulatan sa halimbawa ng Tagapagligtas. Para sa karagdagang impormasyon kung paano ito ginawa ng Tagapagligtas, tingnan ang bahaging “Bigyang-diin ang Halimbawa ni Jesucristo” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Maaari ka ring makakita ng halimbawa kung paano ito gawin sa lesson sa linggong ito na may pamagat na “Doktrina at mga Tipan 71.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya kung ano ang maaaring kailangang ihanda mo nang maaga para sa bawat lesson.

Doktrina at mga Tipan 71

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano tayo nais ng Tagapagligtas na tumugon kapag binatikos ng mga tao ang ating mga paniniwala.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang pagkakataon kung saan narinig nilang binabatikos o kinukutya ng isang tao ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw o ang mga paniniwala nila, at pag-isipan ang mga tanong na ito: Ano ang sinabi o nagawa ko nang mahusay? Ano ang nagawa ko sana nang mas mahusay?

Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 5

Layunin ng lesson: Bigyan ang mga estudyante ng mga pagkakataong isaulo ang mga doctrinal mastery reference at ang mahahalagang parirala ng mga ito at isabuhay ang mga banal na alituntunin para sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng impormasyong naisaulo nila na nakatulong sa kanila sa paaralan, sa trabaho, o sa mga aktibidad na ikinatutuwa nilang gawin. Maaaring pag-isipan ng mga estudyante kung bakit sila nagpapasalamat na isinaulo nila ang impormasyong iyon.

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Mga kopya ng chart na naglalaman ng mga doctrinal mastery reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan; gunting

  • Handout:Putong na Bulaklak sa Halip na mga Abo: Ang Nagpapagaling na Landas ng Pagpapatawad

I-assess ang Iyong Pagkatuto 5

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maalala at masuri kung paano nakatulong sa kanila ang kanilang mga karanasan sa pag-aaral ng Doktrina at mga Tipan na umunlad sa espirituwal.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isang aktibidad na ikinatutuwa nilang gawin at pag-isipan ang mga sumusunod na tanong: Paano mo malalaman kung nagiging mas mahusay ka? Paano mo masusukat ang iyong pag-unlad sa aktibidad na ito?

  • Mga Materyal: Isang kagamitan, tulad ng isang medida o stopwatch, na tumutulong sa iyo na sukatin ang progreso mo sa isang aktibidad na sinalihan mo

  • Larawan: Isang puso at isipan

  • Nilalamang ipapakita: Isang listahan ng mga tanong na pagpipilian at sasagutin ng mga estudyante