Seminary
Doktrina at mga Tipan 76: Buod


“Doktrina at mga Tipan 76: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 76,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 76

Doktrina at mga Tipan 76

Buod

Habang ginagawa ang inspiradong pagsasalin ng Biblia at pinagninilayan ang mga banal na kasulatan, naranasan nina Propetang Joseph Smith at Sidney Rigdon ang isang kamangha-manghang pangitain. Ipinakita sa kanila ng Tagapagligtas ang sunod-sunod na maliliit na pangitain na nakatulong na ituro ang tungkol sa Kanyang tungkulin bilang Tagapagligtas ng buong sangkatauhan, ang pagbagsak ni Satanas, at ang mga paglalarawan sa bawat isa sa mga kaharian ng kaluwalhatian.

icon ng training Magtanong ng mga bagay na nag-aanyaya ng introspeksyon: Ang personal na introspeksyon at pagsusuri sa sarili ay maaaring makapag-anyaya sa Espiritu Santo na tulungan ang bawat estudyante na makita ang mga bagay sa “kung ano talaga ang mga ito, at … kung ano talaga ang kahahantungan nito” (Jacob 4:13). Ang epektibong pagsusuri sa sarili ay makatutulong sa mga estudyante na pag-isipan ang kasalukuyan nilang pagkaunawa sa mga katotohanan ng ebanghelyo, kung bakit nauugnay ang mga katotohanan, at kung paano ipamuhay ang mga ito. Para sa karagdagang impormasyon sa kung paano ito ginawa ng Tagapagligtas, tingnan ang bahaging “Ang Tagapagligtas ay Nagbigay ng mga Pagkakataon sa mga Tao na Maturuan ng Espiritu Santo” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Maaari ka ring makakita ng halimbawa ng kung paano ito gawin sa lesson sa linggong ito na may pamagat na “Doktrina at mga Tipan 76:71–112.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Doktrina at mga Tipan 76:1–19

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na matuto sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo habang nag-uukol sila ng oras na pagnilayan ang mga salita ng Tagapagligtas.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga kalagayan o sitwasyon na kinakaharap nila sa kasalukuyan o maaari nilang kaharapin kung saan kailangan o gusto nilang makatanggap ng patnubay mula sa Panginoon sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

  • Video:When Thou Art Converted” (11:21; panoorin mula sa time code na 3:16 hanggang 4:19)

Doktrina at mga Tipan 76:19–24

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makadama ng ibayong pagmamahal kay Jesucristo at sa Kanyang tungkulin sa plano ng Ama sa Langit.

  • Paghahanda ng estudyante: Hikayatin ang mga estudyante na magsulat ng isang pangungusap na nais nilang malaman ng lahat ng tao tungkol kay Jesucristo at maging handang ibahagi ang isinulat nila.

  • Mga materyal na dadalhin: Malalaking piraso ng papel kung pipiliin mong ipasulat at ipa-display sa mga estudyante ang kanilang mga ideya; mga naka-print na kopya ng “Buhay ang Aking Manunubos” (Mga Himno, blg. 78) kung walang access ang mga estudyante sa mga himnaryo

  • Nilalamang ipapakita: Mga tagubilin para sa aktibidad A at B kung gagawin ng mga estudyante ang mga ito nang mag-isa o kasama ang isang grupo

Doktrina at mga Tipan 76:50–70

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makadama ng pag-asa na makatatanggap sila ng kadakilaan sa pamamagitan ni Jesucristo.

Doktrina at mga Tipan 76:71–112

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maging mas matatag sa kanilang pagpapatotoo kay Jesucristo.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pag-isipan kung ano ang ibig sabihin ng pagiging matatag sa kanilang pagpapatotoo kay Jesucristo. Maaari nilang suriin ang antas ng kanilang katatagan at pag-isipan ang magagawa nila para mapag-ibayo pa ito.

  • Video:Matatag sa Pagpapatotoo kay Jesus” (15:28; panoorin mula sa time code na 13:19 hanggang 14:03)