Lesson 86—Doktrina at mga Tipan 76:19–24: “Ito ang Patotoo … Na Aming Ibibigay tungkol sa Kanya”
“Lesson 86—Doktrina at mga Tipan 76:19–24: ‘Ito ang Patotoo … Na Aming Ibibigay tungkol sa Kanya,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Doktrina at mga Tipan 76:19–24,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
“Ito ang Patotoo … Na Aming Ibibigay tungkol sa Kanya”
Sa mga pangitaing nakasulat sa Doktrina at mga Tipan 76, nakita nina Joseph Smith at Sidney Rigdon si Jesucristo mismo. Nalaman nila kung paano naging pinakamahalaga ang Tagapagligtas sa ating kaligtasan at pagkatapos ay nagpatotoo sila tungkol sa Kanya. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na makadama ng ibayong pagmamahal kay Jesucristo at sa Kanyang tungkulin sa plano ng Ama sa Langit.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Si Jesucristo ay mahalaga sa akin
Magkasama sina Abbey at Sarika sa ilang klase sa paaralan. Isang araw, nang tanghalian, tumingin si Sarika kay Abbey at sinabing, “Sa buong buhay ko, naririnig kong pinag-uusapan ng mga tao si Jesus. Narinig pa nga kita na sinasabi mong naniniwala ka sa Kanya. Wala talaga akong alam tungkol kay Jesus, at gusto kong malaman ang tungkol sa Kanya. Ano ang masasabi mo sa akin tungkol sa Kanya, o kung bakit siya mahalaga sa iyo?”
Kung ikaw si Abbey, ano ang sasabihin mo kay Sarika?
Isipin kung ano ang nadarama mo tungkol kay Jesucristo at kung gaano ka kakomportableng magsalita sa iba ng tungkol sa Kanya. Sa pag-aaral mo ngayon, hanapin ang mga turo na tutulong sa iyo na makadama ng higit na pagmamahal kay Jesucristo.
Anong mga katotohanan mula sa mga talatang ito ang pinakanapansin mo? Bakit?
Maaaring marami kang nakitang katotohanan sa mga talatang ito. Sa mga ito, maaaring napansin mo na:
Si Jesucristo ay maawain at nalulugod Siya na pagpalain tayo kapag iginagalang at pinaglilingkuran natin Siya (talata 5).
Si Jesucristo ay isang buhay at niluwalhating nilalang (talata 22).
Si Jesucristo ang Bugtong na Anak ng Ama (talata 23).
Sa ilalim ng pamamahala ng Ama sa Langit, si Jesucristo ang Lumikha ng lahat ng bagay (talata 24).
Ano ang ipinauunawa sa iyo ng mga katotohanang ito tungkol sa kung paano makatutulong si Jesucristo sa iyo at sa iba?
Aktibidad A: Si Jesucristo ay buhay!
Maaari mong markahan ang mga salitang “siya ay buhay!” sa talata 22 sa paraang magiging kapansin-pansin ang mga ito sa iyong banal na kasulatan.
Isulat ang pariralang Dahil si Jesucristo ay buhay … sa iyong study journal.
Basahin ang mga titik ng himnong “Buhay ang Aking Manunubos” (Mga Himno, blg. 78), at hanapin ang mga halimbawa ng kung paano ka matutulungan ni Jesucristo dahil Siya ay buhay.
Magsulat ng kahit limang paraan na makukumpleto mo ang pariralang pinakamahalaga sa iyo.
Aktibidad B: Si Jesucristo ang Lumikha ng lahat ng bagay
Maaari mong markahan ang pariralang “sa kanya, at sa pamamagitan niya, at mula sa kanya, ang mga daigdig ay nililikha at nalikha” (talata 24) sa paraang magiging kapansin-pansin ang pariralang ito sa iyong mga banal na kasulatan.
Maghanap ng mga banal na kasulatan o pahayag mula sa mga lider ng Simbahan na nagpapalalim sa iyong pag-unawa sa tungkulin ni Jesucristo bilang Tagapaglikha. Kabilang sa mga halimbawa ng mga banal na kasulatan na maaari mong pag-aralan ang Juan 1:1–3; 3 Nephi 9:15; Doktrina at mga Tipan 93:9–10; Moises 1:33; 7:30.
Talakayin ang ilan sa mga nilikha ng Tagapagligtas na nakatutulong sa iyo na madama ang pagmamahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Ipaliwanag kung bakit.
Magsulat ng kahit tatlong paraan na nadarama mo na matutulungan ka ni Jesucristo dahil Siya ang Lumikha ng lahat ng bagay.