“Doktrina at mga Tipan 85–87: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Doktrina at mga Tipan 85–87,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Doktrina at mga Tipan 85–87
Doktrina at mga Tipan 85–87
Buod
Habang ginagawa ng Propeta ang inspiradong pagsasalin ng Biblia noong Disyembre 1832, inihayag ng Panginoon ang interpretasyon ng talinghaga tungkol sa trigo at mga agingay (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 86). Makalipas ang ilang linggo, noong Pasko, pinagninilayan ng Propeta ang kaguluhang pulitikal at sibil na nauugnay sa pagkaalipin sa Estados Unidos. Inihayag ng Panginoon sa Propeta na ang mga pangyayaring ito ay hahantong sa isang napakatinding digmaan.
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Doktrina at mga Tipan 86
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante sa kanilang mga pagsisikap na makibahagi sa Tagapagligtas sa pagtitipon ng Israel.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na basahin ang talinghaga tungkol sa trigo at mga agingay o damo mula sa Mateo 13:24–30 at maghandang ibahagi kung ano ang ibig sabihin ng talinghagang ito sa kanila.
-
Mga Video: “Jesus Declares the Parables of the Wheat and Tares, Mustard Seed, and Leaven” (2:15; panoorin mula sa time code na 00:00 hanggang 01:30); “Hayaang Manaig ang Diyos” (18:42; panoorin mula sa time code na 4:14 hanggang 5:48); “Maging Ilaw ng Sanlibutan—Tularan ang Halimbawa ni Jesucristo. Share His Light—Serve as He Served” (2:35: panoorin mula sa time code na 0:29 hanggang 2:17).
Doktrina at mga Tipan 87
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na lahat ng salita ng Panginoon sa Kanyang mga propeta ay matutupad.
-
Paghahanda ng estudyante: Dumating sa klase na handang ibahagi ang isang halimbawa sa banal na kasulatan kung saan ipinropesiya ng propeta ng Diyos ang isang pangyayari sa hinaharap.