Seminary
Lesson 112—Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 7: Isaulo; Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman


“Lesson 112—Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 7: Isaulo; Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 7,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Lesson 112: Doktrina at mga Tipan 94–97

Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 7

Isaulo; Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman

naglalakad na grupo ng magkakaibigan

Ang doctrinal mastery ay makatutulong sa mga estudyante na maitayo ang pundasyon ng kanilang buhay kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng mga pagkakataong maunawaan at maisaulo ang mga doctrinal mastery passage at ang doktrinang itinuturo ng mga ito. Makatutulong din ito sa kanila na matutuhan at maipamuhay ang mga banal na alituntunin para sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Pagrerebyu ng doctrinal mastery: isaulo

Maaari mong simulan ang klase sa isang maikling aktibidad na makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng pagsasaulo ng mga doctrinal mastery reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan. Halimbawa, maaari kang magpakita ng pera, pagkain, journal, o iba pang bagay na maaaring itabi ng mga tao. Sabihin sa mga estudyante na talakayin ang mga sumusunod na tanong nang may kapartner.

  • Bakit kaya kinokolekta o itinatabi ng mga tao ang mga bagay na ito?

  • Ano ang ilan pang bagay na maaaring ipunin at itabi ng mga tao para magamit sa hinaharap?

  • Paano ito nauugnay sa pagsasaulo ng mga doctrinal mastery reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan?

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang tinalakay nila ng kanilang mga kapartner. Gawin ang sumusunod bilang isang klase.

Basahin ang Doktrina at mga Tipan 84:85. Hanapin ang pangakong ibibigay ng Panginoon kung ilalagay o papagyamanin o pahahalagahan natin ang Kanyang salita sa ating mga isipan.

  • Ano ang ibig sabihin ng “mga salita ng buhay”?

  • Ano ang ilang iba’t ibang paraan na sinisikap ninyong pagyamanin ang salita ng Diyos sa inyong isipan?

  • Paano nakatulong ang mga pagsisikap na ito para madama ninyo ang pagmamahal o kapangyarihan ng Diyos sa inyong buhay?

    Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng mga pagkakataon sa buhay nila kung saan naisip nila ang isang doctrinal mastery passage o iba pang banal na kasulatan sa oras ng pangangailangan, tulad noong sila ay naharap sa isang mahirap na desisyon o naghahanap ng mga sagot sa isang tanong. Maaari kang magbahagi ng mga halimbawa kung paano napagpala ng pagsasaulo ng mga banal na kasulatan ang iyong buhay.

  • Paano kayo napagpala ng Panginoon sa pamamagitan ng pagtulong sa inyo na maalala ang isang banal na kasulatan sa mismong oras na kailangan ninyo ito?

    Bigyan ng oras ang mga estudyante na papagyamanin ang salita ng Diyos sa kanilang isipan sa pamamagitan ng pagsasaulo ng mga doctrinal mastery reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan. Ang sumusunod ay isang paraan upang magawa ito. (Ang mga karagdagang ideya sa pagsasaulo ay matatagpuan sa apendiks sa katapusan ng manwal na ito, sa ilalim ng “Mga Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery.” Ang aktibidad na mapipili mong gamitin ay hindi dapat tumagal nang mahigit sa 10 o 15 minuto para magkaroon ng oras ang mga estudyante na magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman kalaunan sa lesson.)

    Maaari kang maghanda ng maraming maliliit na papel o card para sa mga estudyante at ibigay sa kanila ang mga sumusunod na tagubilin.

  • Pumili ng tatlo hanggang limang doctrinal mastery passage na sa palagay ninyo ay nararapat na “papagyamanin” o isaulo.

  • Pagnilayan kung paano makatutulong na pagyamanin ang mga reference na ito para masunod ninyo si Jesucristo at ang Kanyang mga turo.

  • Gumawa ng flash card para sa bawat passage na napili ninyo sa pamamagitan ng pagsulat ng reference sa harapang bahagi ng isang papel at ng mahalagang parirala ng banal na kasulatan sa likod nito.

  • Isaulo ang nakasulat sa magkabilang panig ng bawat flash card.

Pagkaraan ng ilang oras, maaaring makipagpalit ng mga flash card ang mga estudyante sa kanilang mga kaklase at isaulo ang mga karagdagang doctrinal mastery reference. Maaari din nilang tanungin ang isa’t isa gamit ang mga flash card na ginawa nila.

Pag-aralan at ipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman

Ang natitirang bahagi ng lesson ay nakatuon sa pagtulong sa mga estudyante na marebyu ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at sanayin na gamitin ang mga ito sa isang sitwasyon tungkol sa Salita ng Karunungan o Word of Wisdom.

Maaari mong ibigay sa mga estudyante ang sumusunod na sitwasyon. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na tumulong sa pag-aangkop ng sitwasyon upang gawin itong mas nauugnay sa mga sitwasyon na maaaring kinakaharap nila hinggil sa Salita ng Karunungan o Word of Wisdom.

Tinanong ka ng ilan sa iyong mga kaibigan na hindi miyembro ng Simbahan kung bakit hindi ka umiinom ng kape, tsaa, o alak. Matapos kang magbigay ng maikling paliwanag sa nalalaman mo tungkol sa Salita ng Karunungan o Word of Wisdom, sinabi ng mga kaibigan mo napakahigpit naman ng kautusang iyan at itinanong kung, “Bakit gugustuhin ng sinuman na mamuhay sa ganoong paraan?”

  • Aling alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman ang sa palagay mo ay lubos na makatutulong sa pagtugon mo sa iyong mga kaibigan? Bakit?

Sa pagsagot ng mga estudyante sa naunang tanong, maa-assess mo kung gaano nila nauunawaan ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Pagkatapos ay maaari mong gamitin ang sumusunod na aktibidad o iangkop ito kung kinakailangan.

Maaari mong hatiin ang mga estudyante sa maliliit na grupo. Sabihin sa bawat grupo na pumili ng isang alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman na pag-aaralan nila. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang napili nilang alituntunin mula sa talata 5–12 ng Doctrinal Mastery Core Document. Sa pag-aaral nila, sabihin sa bawat grupo na sumulat ng isa o dalawang tanong na may kaugnayan sa kanilang alituntunin. Ang mga ito ay dapat na mga tanong na makatutulong sa kanila na tumugon sa mga kaibigan nila sa nabanggit na sitwasyon. Maaari mong gamitin ang mga sumusunod na tanong bilang mga halimbawa o kung kailangan ng tulong ng mga estudyante.

Kumilos nang may pananampalataya

  • Paano nagpapakita ng pananampalataya kay Jesucristo ang katapatan mo na sundin ang Salita ng Karunungan o Word of Wisdom (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 89)?

  • Ano ang alam mo tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo na makatutulong sa iyo na sundin ang Salita ng Karunungan o Word of Wisdom kahit hindi mo ito lubos na nauunawaan?

Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw

  • Paano naiimpluwensyahan ng pag-unawa sa plano ng kaligtasan ng Diyos ang iyong pananaw tungkol sa Salita ng Karunungan O Word of Wisdom?

  • Ano ang ilang panandaliang pakinabang na maaaring paniwalaan ng mga tao na matatamo nila nang hindi sinusunod ang Salita ng Karunungan o Word of Wisdom? Paano maikukumpara ang mga pakinabang na ito sa pangmatagalang mga pagpapala na ipinangako ng Tagapagligtas kapag sinusunod natin ang Salita ng Karunungan o Word of Wisdom? (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 89:18–21).

Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos

  • Ano ang ilang bagay na natutuhan mo nang pag-aralan mo ang Doktrina at mga Tipan 89 na makatutulong sa pagtugon mo sa iyong mga kaibigan?

  • Ano pang mga karagdagang doctrinal mastery passage ang makatutulong?

  • Paano nakaimpluwensya ang mga tulong o sources na itinalaga ng Diyos gaya ng Espiritu Santo, mga magulang mo, o mga lider ng Simbahan sa hangarin mong sundin ang Salita ng Karunungan o Word of Wisdom?

Kapag tapos na ang mga estudyante, anyayahan silang makipagpalitan ng mga tanong sa ibang grupo. Bigyan sila ng oras na talakayin sa kanilang grupo kung paano nila sasagutin ang mga tanong ng isa’t isa. Pagkatapos ay maaaring isadula ng mga estudyante kung paano sila tutugon sa sitwasyon gamit ang kanilang mga sagot.

Pagkatapos ng aktibidad, sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang mga ideyang natamo nila mula sa mga tanong o sagot ng kanilang mga kagrupo. Kung may oras pa, maaari mo ring anyayahan ang mga estudyante na magbahagi ng mga karanasan nila sa pagtuturo o pagpapatotoo ng Salita ng Karunungan o Word of Wisdom sa iba.