Seminary
Doktrina at mga Tipan 98–101: Buod


“Doktrina at mga Tipan 98–101: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 98–101,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 98–101

Doktrina at mga Tipan 98–101

Buod

Noong Hulyo ng 1833, inutos ng mga bihilanteng [vigilante] grupo sa Missouri na umalis ang mga Banal sa Jackson County. Binuhusan ng alkitran at balahibo sina Bishop Edward Partridge at Charles Allen at sinira ang palimbagan ni W. W. Phelps. Hindi alam ni Propetang Joseph Smith ang mga nangyaring ito nang matanggap niya ang Doktrina at mga Tipan 98. Sa paghahayag na ito, ang mga Banal ay napanatag at binigyan ng mga tagubilin sa pagtugon sa pag-uusig. Nang matanggap ang Doktrina at mga Tipan 101 noong Disyembre ng 1833, ang malaking pangkat ng mga Banal ay pinalayas na sa kanilang mga tahanan sa Jackson County, Missouri. Sinabi sa kanila ng Panginoon kung bakit pinahintulutan Niya na palayasin sila sa kanilang mga tahanan, ipinaalala sa kanila ang Kanyang pagkahabag, at Siya ay nagsalita tungkol sa pagtubos sa Sion sa huli.

icon ng trainingBigyan ang mga estudyante ng mga pagkakataong talakayin ang mga katotohanan ng ebanghelyo. Maglaan ng oras para makapagsanay ang mga estudyante na pag-usapan ang kanilang natututuhan tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang ebanghelyo. Makatutulong ito sa mga estudyante na maisapuso, maalala, at malinaw na maipahayag ang mga katotohanang ito. Ang gawaing ito ay makapagpapataas din sa kumpiyansa ng mga estudyante na maibahagi ang mga katotohanan sa iba pang sitwasyon. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa kung paano ito ginawa ng Tagapagligtas, tingnan ang bahaging “Hinikayat ng Tagapagligtas ang Iba na Ibahagi ang mga Katotohanang Natutuhan Nila” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Maaari ka ring makakita ng halimbawa kung paano ito gawin sa lesson sa linggong ito na may pamagat na “Doktrina at mga Tipan 101:1–42.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Doktrina at mga Tipan 98

  • Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na matiyagang maghintay sa Panginoon sa oras ng paghihirap.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na hilingin sa isang magulang o pinagkakatiwalaang lider na magbahagi ng isang karanasan kung saan nagtiwala sila sa Diyos sa panahong nararanasan nila ang isang mahirap na pagsubok. Makatutulong ito sa kanila na maisip ang kahalagahan ng mga pagsubok sa buhay nila at makapaghanda upang ibahagi sa klase ang mga naisip nila.

  • Mga Video:Umasa kay Cristo” (15:37) mula sa time code na 9:13 hanggang 10:06; “Harapin ang Kinabukasan nang may Pananampalataya” (14:25) mula sa time code na 8:05 hanggang 9:14; “God Will Lift Us Up” (4:59); “Mountains to Climb” (05:02)

Doktrina at mga Tipan 101:1–42

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madama ang pagkahabag at awa ng Tagapagligtas para sa kanila.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung paano makakaapekto sa kanilang mga karanasan ang pakikibahagi sa seminary. Maaari nilang pag-isipan kung paano sila nakikilahok sa mga talakayan sa klase at grupo at pagpasyahan kung paano sila maaaring makilahok pa.

  • Video:Ang Walang-Maliw na Pagkahabag ng Tagapagligtas” (13:00) mula sa time code na 9:40 hanggang 10:01

  • Larawan: Isang kabataang nagdadalamhati

Doktrina at mga Tipan 101:43–101

Layunin ng lesson: Bigyan ang mga estudyante ng mga pagkakataong pag-aralan ang isang talinghaga at matuklasan ang espirituwal na kahulugan nito.

  • Paghahanda ng estudyante: Ipaliwanag sa mga estudyante na ang mga bagay sa ating paligid ay maaaring sumagisag o magturo sa atin ng mga katotohanan tungkol kay Jesucristo (tingnan sa Moises 6:63). Halimbawa, ang araw ang sentro ng ating solar system at nagbibigay ng liwanag at buhay sa mundo. Tulad nito, si Jesucristo ang sentro ng plano ng Ama sa Langit para sa Kanyang mga anak at nagbibigay sa bawat isa sa atin ng liwanag at buhay. Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng isang bagay sa kanilang buhay sa araw-araw na makapagtuturo sa kanila ng isang bagay tungkol kay Jesucristo. Magkakaroon ang mga estudyante ng pagkakataong magbahagi sa simula ng lesson.

  • Video:Isuot Mo ang Iyong Lakas, O Sion” (13:44) mula sa time code na 0:47 hanggang 1:20

  • Handout: “Paano Pag-aralan ang mga Talinghaga ng Tagapagligtas”