Seminary
Lesson 110—Doktrina at mga Tipan 95: “Pagtatayo ng Aking Bahay”


“Lesson 110—Doktrina at mga Tipan 95: ‘Pagtatayo ng Aking Bahay,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 95,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Lesson 110: Doktrina at mga Tipan 94–97

Doktrina at mga Tipan 95

“Pagtatayo ng Aking Bahay”

pagtatayo ng Kirtland Temple

Bilang bahagi ng Pagpapanumbalik ng Kanyang ebanghelyo, iniutos ni Jesucristo sa mga Banal na magtayo ng templo sa Kirtland, Ohio. Makalipas ang ilang buwan, nang hindi pa rin nasisimulan ng mga Banal ang pagtatayo, mapagmahal silang kinastigo ng Tagapagligtas at inulit ang Kanyang kautusan na itayo ang Kanyang bahay. Bilang pagsunod, masigasig na nagsikap ang mga Banal upang maitayo ang Kirtland Temple. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na makadama ng mas matinding hangaring sambahin ang Panginoon sa Kanyang templo.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Unahin ang pagsamba sa templo

Upang matulungan ang mga estudyante na isipin ang kahalagahan ng pagsamba sa Panginoon sa Kanyang mga templo, maaari mong tulungan ang mga estudyante na gumawa ng isang kunwa-kunwariang sitwasyon kung saan isang kabataan ang nagplanong dumalo sa templo ngunit piniling hindi dumalo. Ang isang paraan para magawa ito ay ipakita ang sumusunod na prompt o aktibidad at sabihin sa mga estudyante na punan ang patlang ng mga dahilan na maaaring ibigay ng isang tao para sa hindi pagpunta sa templo. Talakayin kung bakit kung minsan ay hindi natin inuuna ang pagdalo sa templo.

Kung ikaw at ang iyong mga estudyante ay nakatira malayo sa templo upang unahin ang pagdalo sa templo, maaari mong simulan lang ang lesson sa self-assessment na kasunod ng aktibidad na punan ang patlang.

Gusto kong dumalo sa templo. Gayunpaman, dahil sa , hindi ako dumalo.

Gamitin ang sumusunod na scale para pagnilayan kung gaano kahalaga sa iyo na sambahin ang Panginoon sa templo.

scale na 1 hanggang 5

Hikayatin ang mga estudyante na maghangad ng personal na paghahayag sa oras ng lesson para malaman kung paano nila uunahin ang pagsamba sa templo.

Kung malayo ang iyong mga estudyante sa isang templo, iangkop ang lesson nang naaayon para matulungan ang mga estudyante na madama ang kahalagahan ng paghahandang dumalo sa templo balang araw.

Kinakastigo ng Panginoon ang mga minamahal Niya

Noong huling bahagi ng Disyembre 1832, iniutos ng Tagapagligtas sa Kanyang mga tao na magtayo ng templo, o “isang bahay ng Diyos” (Doktrina at mga Tipan 88:119). Nang inihayag ng Panginoon ang Doktrina at mga Tipan 95 noong Hunyo 1833, bumili ang mga Banal ng lupain, ngunit hindi pa nagsimula ang pagtatayo.

  • Basahin ang Doktrina at mga Tipan 95:1–3, at alamin kung ano ang sinabi ng Panginoon sa Kanyang mga tao.

  • Ano ang itinuturo ng mga talatang ito tungkol sa nadarama ng Panginoon para sa templo?

  • Paano ipinakita ng Tagapagligtas ang Kanyang pagmamahal para sa Kanyang mga tao?

Maaaring makabubuting itanong sa mga estudyante kung alam nila kung ano ang ibig sabihin ng kastiguhin o “parusahan.” Kung kinakailangan, ipaliwanag na ang ibig sabihin ng kastiguhin o “parusahan” ay iwasto nang may layuning mapabuti ang pag-uugali.

Iniutos ng Panginoon sa Kanyang mga tao na magtayo ng templo

Basahin ang Doktrina at mga Tipan 95:4, 8–9, at alamin ang mga dahilan kung bakit iniutos ng Panginoon sa mga Banal na itayo ang Kanyang bahay.

  • Paano pagpapalain ang mga Banal dahil sa pagsunod sa utos ng Panginoon na magtayo ng templo?

  • Ano ang partikular na ipinangako sa kanila ng Ama sa Langit?

    Habang ibinabahagi ng mga estudyante ang mga dahilan kung bakit iniutos ng Panginoon sa mga Banal na itayo ang Kanyang bahay, tulungan silang tumukoy ng isang alituntunin tulad ng iniuutos ni Jesucristo sa Kanyang mga tao na magtayo ng mga templo upang matupad ang pangako ng Ama sa Langit na pagkakalooban sila ng kapangyarihan.

  • Ano sa inyong palagay ang ibig sabihin ng mapagkalooban ng kapangyarihan ng Diyos?

    Kung kinakailangan, ipaliwanag na ang ibig sabihin ng “magkaloob” ay bigyan ang isang tao ng isang kaloob. Ang ibig sabihin ng ma-endow sa templo ay tumanggap ng kaloob na espirituwal na kaalaman at kapangyarihan.

    icon ng trainingMagtanong ng mga bagay na naghihikayat ng talakayan: Ang mga sumusunod na tanong ay magagamit upang magkaroon ng makabuluhang talakayan sa klase. Para sa karagdagang pagsasanay sa kung paano ito gawin, tingnan ang training na may pamagat na “Tulungan ang mga Mag-aaral na Maging Responsable sa Kanilang Pagkatuto”, na matatagpuan sa Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro. Maaari mong praktisin ang kasanayang, “Iwasan ang tendensiyang sagutin ang bawat komento at tanong at anyayahan ang klase na sumagot”.

  • Ano ang iba’t ibang paraan na maaaring piliin ng Diyos para pagpalain tayo ng Kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng Kanyang mga templo?

  • Sa inyong palagay, paano makakaapekto sa inyo sa tahanan, paaralan, o sa iba pang aspeto ng inyong buhay ang pagtanggap ng kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang templo?

“Kayo ay magkakaroon ng kapangyarihang itayo ito”

Basahin ang Doktrina at mga Tipan 95:11–14, at hanapin ang mga salita o parirala na maaaring naghikayat sa mga Banal na sundin ang utos ng Panginoon na magtayo ng templo.

  • Ano ang nahanap ninyo? Paano kaya nakakahikayat ito?

icon ng handout Maaari mong hatiin ang klase sa maliliit na grupo. Maaari mong bigyan ang bawat grupo ng kopya ng handout na “Mga Sakripisyong Ginawa para Maitayo ang Kirtland Temple.” Sabihin sa mga estudyante na basahin ang tungkol sa pagtatayo ng Kirtland Temple sa handout o sa Mga Banal, Tomo 1, Ang Pamantayan ng Katotohanan, 242–44254-55.

Maaaring ilista ng mga estudyante sa handout o sa pisara ang ilang sakripisyong ginawa ng mga Banal para sa Kirtland Temple. Pagkatapos ay maaari nilang talakayin at ilista ang mga sakripisyong magagawa natin para makadalo sa templo o maghandang sambahin ang Panginoon sa Kanyang mga templo sa ating panahon.

Mga Sakripisyong Ginawa para Maitayo ang Kirtland Temple

Pagkatapos matanggap ang bahagi 95, kaagad na sinimulan ni Hyrum Smith ang paghawan sa bukid kung saan itatayo ang templo. Ang pagtatayo ng templo ay isang mahirap na gawain. Mga 150 lang ang mga miyembro ng Simbahan sa lugar na iyon. Wala silang karanasan o mga kasanayan para pamahalaan ang gayong kalaking gusali. Magigipit din sa pera ang Simbahan at ang mga miyembro sa pagtatayo ng templo. Gayunpaman, nagsikap sila, at tinupad ng Panginoon ang Kanyang pangako na bibigyan sila ng “kapangyarihang itayo ito” (Doktrina at mga Tipan 95:11). Si Artemus Millet, isang nagbalik-loob mula sa Canada at isang bihasang kantero, ay lumipat sa Kirtland at pinamahalaan ang pagtatayo. Si John Tanner, na isa pang nagbalik-loob, ay nagbigay ng pinansiyal na tulong sa kritikal na sandali. Ang kalalakihan, kababaihan, at mga bata sa area ay nagbigay ng donasyon, oras, gawa, at resources para maitayo ang templo. (Tingnan sa Lisa Olsen Tait at Brent Rogers, “A House for Our God,” sa Revelations in Context [2016], 167; Mga Banal, Tomo 1, Ang Pamantayan ng Katotohanan, 242–44.)

  • Ano ang ilang sakripisyo na ginawa ng mga Banal para maitayo ang Kirtland Temple? Ano ang hinahangaan mo sa mga sakripisyong ito?

  • Ano ang ilang sakripisyo na magagawa natin para makadalo sa bahay ng Panginoon?

Matapos ang sapat na oras, anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang natutuhan nila. Mapanalanging pag-isipan kung kailan mo maaaring ibahagi sa mga estudyante ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Nelson na inuulit ang kahalagahan ng pagsasakripisyo upang sambahin ang Panginoon sa templo.

Binasbasan tayo ni Pangulong Russell M. Nelson para makapagsakripisyo upang makasamba sa templo:

Pangulong Russell M. Nelson

Mga kapatid, ang pagtatayo ng mga templong ito ay maaaring hindi makapagbago ng inyong buhay, ngunit ang oras ninyo sa loob ng templo ay tiyak na magagawa ito. Binabasbasan ko kayo para matukoy ninyo ang mga bagay na maaaring maisantabi ninyo upang makapaglaan kayo ng mas maraming oras sa loob ng templo. (Russell M. Nelson, “Magpatuloy Tayo,” Liahona, Mayo 2018, 119)

  • Paano kayo napagpala o ang iba pang kakilala ninyo sa pagsasakripisyo upang masamba ang Panginoon sa Kanyang templo?

    Kung nagkaroon ka na ng mga karanasan sa pagsamba sa Panginoon sa Kanyang templo, isiping ibahagi ang mga paraan na napagpala ka ng Panginoon dahil dito. Kung ikaw o ang sinumang estudyante ay hindi pa nagkaroon ng pagkakataong dumalo sa templo, ang video na “Temples Are A Beacon“ (2:50) ay makatutulong sa mga estudyante na magkaroon ng hangaring sambahin ang Panginoon sa templo, anuman ang sakripisyo.

    2:50

    Maaaring makinabang ang mga estudyante sa pagsulat ng kanilang mga sagot sa mga sumusunod na tanong sa kanilang study journal. Pagkatapos ay maaari mong anyayahan ang ilang handang estudyante na ibahagi ang kanilang mga sagot.

  • Sa iyong palagay, paano maiaangkop sa iyo ngayon ang mga turo sa Doktrina at mga Tipan 95?

  • Ano ang natutuhan mo tungkol sa kahalagahan ng pagsamba sa Panginoon sa Kanyang mga templo?