Seminary
Doktrina at mga Tipan 94–97: Buod


“Doktrina at mga Tipan 94–97: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 94–97,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 94–97

Doktrina at mga Tipan 94–97

Buod

Noong huling bahagi ng Disyembre 1832, iniutos ng Panginoon sa mga Banal na magtayo ng templo sa Kirtland, Ohio. Pagsapit ng Hunyo 1833, hindi pa nila nasimulan ang pagtatayo. Kinastigo ng Panginoon ang Kanyang mga tao at muling pinagtibay ang Kanyang utos na itayo ang Kanyang bahay. Nang humingi ng mga tagubilin kay Joseph Smith ang mga lider ng Simbahan sa Missouri, iniutos din sa kanila ng Panginoon na magtayo ng templo.

icon ng trainingMagtanong ng mga bagay na naghihikayat ng talakayan: Nangyayari ang mga makabuluhang talakayan sa klase kapag nakikipag-ugnayan ang mga estudyante sa titser at sa isa’t isa. Magtanong ng mga bagay na may kaugnayan na nagbibigay ng mga pagkakataon para makasagot ang maraming estudyante. Maaari ka ring magtanong ng mga bagay na nag-aanyaya sa mga estudyante na sagutin ang mga komento ng mga kaklase. Upang malaman pa kung paano inanyayahan ng Tagapagligtas ang iba na maging aktibong mag-aaral, tingnan sa bahaging “Tinulungan ng Tagapagligtas ang Iba na Maging Responsable sa Kanilang Pag-aaral” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Maaari ka ring makakita ng halimbawa ng paggamit ng mga tanong para matulungan ang mga mag-aaral na aktibong makilahok sa lesson sa linggong ito na may pamagat na “Doktrina at mga Tipan 95.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Doktrina at mga Tipan 95

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makadama ng mas matinding hangarin na sambahin ang Panginoon sa Kanyang templo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isulat sa kanilang journal kung paano sila pinagpala ng Panginoon sa pamamagitan ng kanilang kaalaman tungkol sa mga templo. Ihahanda sila nito na magbahagi ng mga karanasan sa klase.

  • Handout: “Mga Sakripisyong Ginawa para Maitayo ang Kirtland Temple”

  • Video:Temples Are a Beacon” (2:50)

Doktrina at mga Tipan 97

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maging dalisay ang puso.

Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 7

Layunin ng lesson: Bigyan ang mga estudyante ng mga pagkakataong maunawaan at maisaulo ang mga doctrinal mastery passage at ang doktrinang itinuturo ng mga ito at tulungan sila na matutuhan at maipamuhay ang mga banal na alituntunin para sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isang doctrinal mastery passage na gusto nilang isaulo. Hikayatin sila na maglaan ng ilang oras para isaulo ang passage gamit ang doctrinal mastery app o iba pang resources.

  • Mga Item: Maliliit na piraso ng papel o card para gumawa ng mga flash card