“Doktrina at mga Tipan 111–114: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Doktrina at mga Tipan 111–114,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Doktrina at mga Tipan 111–114
Doktrina at mga Tipan 111–114
Buod
Noong 1836, malaki ang pagkakautang ng Simbahan. Naglakbay si Propetang Joseph Smith at ang iba pang lider ng Simbahan patungo sa Salem, Massachusetts, kung saan nila inaasahang makakuha ng pera para mabayaran ang utang. Habang nasa Salem, natanggap ni Joseph ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 111. Noong 1837, humingi ng patnubay si Thomas B. Marsh, na Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol, kay Joseph Smith tungkol sa kanyang katungkulan.
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Doktrina at mga Tipan 111
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mas magtiwala sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga problema o hamon na kinakaharap nila at kung gaano ang pagtitiwala nila na malalampasan nila ang mga ito at magiging maayos ang mga bagay-bagay.
Doktrina at mga Tipan 112
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mapagpakumbabang humingi ng gabay mula sa Ama sa Langit.
-
Paghahanda ng estudyante: Sa lesson, aanyayahan ang mga estudyante na isipin ang mga tagubilin na kailangan nila mula sa Ama sa Langit. Maaari mong sabihin sa kanila nang maaga na isipin ang kanilang buhay at ang gabay na maaaring kailanganin nila mula sa Kanya.
-
Video: “Paano ko Nagagawang Pakinggan Siya: Elder Neil L. Andersen” (2:51)
I-assess ang Iyong Pagkatuto 8
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maalala at masuri kung paano nakatulong sa kanila ang kanilang mga karanasan sa pag-aaral ng Doktrina at mga Tipan na espirituwal na umunlad.
-
Mga Item: Ilang bato na iba’t iba ang laki na magagamit upang gumawa ng trail marker
-
Larawan: Ang kasalukuyang Unang Panguluhan at Korum ng Labindalawang Apostol