Lesson 125—Doktrina at mga Tipan 111: “Aking Isasaayos ang Lahat ng Bagay para sa Inyong Kabutihan”
“Lesson 125—Doktrina at mga Tipan 111: ‘Aking Isasaayos ang Lahat ng Bagay para sa Inyong Kabutihan,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Doktrina at mga Tipan 111,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
“Aking Isasaayos ang Lahat ng Bagay para sa Inyong Kabutihan”
Noong 1836, malaki ang pagkakautang ng Simbahan. Naglakbay si Propetang Joseph Smith at ang iba pang lider ng Simbahan patungo sa Salem, Massachusetts, kung saan nila inaasahang makakuha ng pera para mabayaran ang utang ng Simbahan. Noong Agosto 6, 1836, natanggap ni Joseph Smith ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 111. Sa paghahayag na ito, muling tiniyak sa kanya ng Panginoon ang hinggil sa utang ng Simbahan at kapakanan ng Sion. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mas magtiwala sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Ano ang kahihinatnan ng sitwasyon?
Sa iyong palagay, gaano nagtitiwala ang karamihan sa mga tinedyer na ang mga sitwasyon ay magiging maayos at matagumpay sa huli?
Isipin kung paano ninyo mamarkahan ang sarili ninyo sa scale na ito tungkol sa mga problema o hamon na kasalukuyan ninyong kinakaharap o maaaring kaharapin ninyo sa hinaharap.
Nakababagabag na panahon para kay Joseph at sa iba
Pagsapit ng 1836, malaki ang pagkakautang ng Simbahan dahil sa mga gastusin sa pagpapatayo ng Templo ng Kirtland at pagbili ng mga lupain sa Ohio at Missouri. Kasabay nito, ang mga Banal sa Clay County, Missouri, ay napilitang lumipat. Noong mga huling araw ng Hulyo 1836, habang matinding nababagabag sa mga alalahaning ito, naglakbay sina Joseph at Hyrum Smith, Oliver Cowdery, at Sidney Rigdon nang mahigit 600 milya (965 kilometro) mula Kirtland, Ohio, patungong Salem, Massachusetts. Bagama’t hindi tiyak ang dahilan ng kanilang paglalakbay, maaaring kumilos sila ayon sa impormasyong iniisip nilang makatutulong sa kanilang mabayaran ang utang ng Simbahan. Nakasaad sa isang salaysay na sinabi ng isang miyembro ng Simbahan kay Joseph Smith ang tungkol sa isang bahay sa Salem kung saan nakatago ang malaking halaga ng pera. (Tingnan ang historical introduction sa “Revelation, 6 Agosto 1836 [D&C 111],” 35, josephsmithpapers.org.)
Sa inyong palagay, gaano nagtitiwala si Joseph Smith na ang mga problemang kinakaharap ng Simbahan ay malulutas?
“Sa kabila ng inyong mga kahangalan”
Basahin ang mga sumusunod na grupo ng mga talata, at para sa bawat grupo, sagutin ang dalawang tanong na kasunod nito:
Ano ang mga tanong mo tungkol sa mga talatang ito?
Anong mga katotohanan ang nalaman mo tungkol sa Diyos mula sa mga talatang ito?
Paano kaya nakatulong kay Joseph Smith ang mga katotohanang natukoy mo para makayanan niya ang mga hamon at alalahanin?
Paano makatutulong sa iyo ang mga ito?
Isasaayos ng Diyos ang lahat ng bagay para sa ating kabutihan
Ayon sa talata 11, ano ang hinihingi sa atin upang maisaayos ng Diyos ang lahat ng bagay para sa ating ikabubuti?
Pag-aralan ang mga sumusunod na scripture passage, at alamin kung ano ang kailangan nating gawin para isaayos ng Diyos ang lahat ng bagay para sa ating kabutihan. Maaari mong iugnay ang mga sumusunod na talata sa Doktrina at mga Tipan 111:11.
Pinatotohanan ni Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008):
Magiging maayos ang lahat. Huwag mag-alala. Sinasabi ko iyan sa sarili ko tuwing umaga. Magiging maayos ang lahat. Kung gagawin ninyo ang lahat ng makakaya ninyo, magiging maayos ang lahat. Magtiwala sa Diyos, at sumulong nang may pananampalataya at tiwala sa hinaharap. Hindi tayo pababayaan ng Panginoon. Hindi Niya tayo pababayaan. (“Latter-day Counsel: Excerpts from Addresses of President Gordon B. Hinckley,” Ensign, Okt. 2000, 73)
Ano ang nalaman mo na magpapalakas sa iyong tiwala na isasaayos ng Diyos ang lahat ng bagay para iyong kabutihan?
Paano nakatutulong sa iyo ang pagkakaroon ng walang-hanggang pananaw na magtiwala na isasaayos ng Diyos ang lahat ng bagay para sa iyong kabutihan?
Kailan o paano inayos ng Diyos ang mga bagay para sa kabutihan ng iyong buhay o ng buhay ng isang taong kilala mo?
Kumpletuhin ang isa o mahigit pa sa mga sumusunod na pangungusap sa iyong study journal:
Ang pagtitiwala ko na isasaayos ng Diyos ang lahat ng bagay para sa aking kabutihan ay napalakas ngayon ng … Ang natutuhan ko ngayon ay makatutulong sa problemang kinakaharap kosa pamamagitan ng … Kung magkakaroon ako ng problema sa hinaharap, gusto kong maalala …