Seminary
Lesson 129—Doktrina at mga Tipan 119–120: Ang Batas ng Ikapu ng Panginoon


“Lesson 129—Doktrina at mga Tipan 119–120: Ang Batas ng Ikapu ng Panginoon,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 119–120,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Lesson 129: Doktrina at mga Tipan 115–120

Doktrina at mga Tipan 119–120

Ang Batas ng Ikapu ng Panginoon

binatilyong nagsusulat sa tithing slip

Noong tag-init ng 1838, naharap ang mga Banal sa mabibigat na pinansyal na problema habang nagtatrabaho sila upang makabayad ng utang at maitayo ang Simbahan sa hilagang Missouri. Humingi ng payo si Propetang Joseph Smith sa Panginoon at natanggap niya ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 119. Sa Kanyang payo sa mga Banal, inihayag ng Tagapagligtas ang mga katotohanang may kaugnayan sa Kanyang batas ng ikapu. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na makadama ng mas matinding hangaring ipamuhay ang batas ng ikapu ng Tagapagligtas.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Isang paanyaya

Anyayahan ang mga estudyante na pag-isipan ang sumusunod na sitwasyon o ang isang bagay na katulad nito na pinakamainam sa mga pangangailangan ng klase mo.

Isiping kunwari ay tinuturuan ng mga missionary sa inyong lugar ang isa sa iyong mga kaibigan at inanyayahan kang makibahagi. Sa lesson noong araw na iyon, ituturo ng mga missionary sa iyong kaibigan ang batas ng ikapu. Pagkatapos ng lesson, sinabi sa iyo ng kaibigan mo na may mga alalahanin siya tungkol sa pagbabayad ng ikapu.

  • Ano ang mga halimbawa ng mga alalahanin na maaaring mayroon ang isang tao tungkol sa pagsunod sa batas ng ikapu?

Maaari mong isulat sa pisara ang mga sagot ng mga estudyante sa naunang tanong. Pagkatapos ay anyayahan ang mga estudyante na pag-isipan ang kanilang sariling nadarama tungkol sa batas ng ikapu ng Panginoon, kabilang na kung gaano kahalaga sa kanila ngayon na ipamuhay ang batas na ito. Sabihin sa kanila na mag-isip ng anumang tanong o alalahanin na maaaring mayroon sila na nauugnay sa batas ng ikapu.

Hikayatin ang mga estudyante habang nag-aaral sila na alamin ang mga turo na makatutulong sa kanila na makadama ng mas matinding hangaring sumunod sa batas ng ikapu ng Panginoon.

Inihayag ng Tagapagligtas ang Kanyang batas ng ikapu sa mga Banal

Ang sumusunod na talata ay maaaring basahin o ibuod upang makapagbigay ng konteksto sa kasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan 119. Bilang alternatibo, maaari mong ipabasa sa isang estudyante ang pambungad sa bahagi 119.

Pagsapit ng Hulyo 1838, nakaranas ng matinding kagipitan sa pera ang Simbahan. Gayunpaman, iniutos sa mga miyembro ng Simbahan na lumipat sa hilagang Missouri at magtayo ng templo sa Far West (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 115:8–12). Nakipagkita si Propetang Joseph Smith sa iba pang lider ng Simbahan upang pag-usapan kung paano magiging masunurin sa mga utos ng Panginoon. Bilang tugon sa kanilang mapanalanging paghiling, nagbigay ang Tagapagligtas ng payo tungkol sa batas ng ikapu.

Basahin ang Doktrina at mga Tipan 119:1–4, at alamin ang itinuro ng Tagapagligtas.

  • Ano ang itinuro ng Panginoon sa mga Banal tungkol sa Kanyang mga inaasahan sa pagsunod sa batas ng ikapu?

    Tulungan ang mga estudyante na maunawaang nalinaw na sa ating panahon ang inaasahan ng Panginoon para sa pagbabayad ng ikapu: “Ang ikapu ay ang pagbibigay sa Simbahan ng Diyos ng ikasampung bahagi ng kita ng isang tao (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 119:3–4; ang kahulugan ng salitang tinubo ay kita). Lahat ng miyembrong kumikita ay dapat magbayad ng ikapu” (Pangkalahatang Hanbuk, 34.3.1).

    Pagkatapos ibigay ang paliwanag na ito, maaari mong isulat sa pisara ang sumusunod na katotohanan: Iniuutos sa atin ng Tagapagligtas na magbayad ng ikasampung bahagi ng ating kita bilang ikapu sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.

  • Sa inyong palagay, ano ang ilan sa mga dahilan kung bakit iniuutos sa atin ng Panginoon na magbayad ng ikapu?

Palalimin ang pag-unawa

Ipaalala sa mga estudyante ang mga tanong o alalahanin tungkol sa ikapu na tinalakay ninyo sa simula ng lesson.

icon ng handout Bigyan ng oras ang mga estudyante na pag-aralan ang resources sa handout na “Mga Turo tungkol sa Batas ng Ikapu ng Tagapagligtas.” Maaaring pag-aralan ng mga estudyante ang resources na ito nang mag-isa o nang may kapartner. Anyayahan silang alamin ang mga turo na makatutulong sa isang tao na may mga alalahanin tungkol sa pagbabayad ng ikapu.

O sa halip na gamitin ang resources sa handout, maaaring maghanap ang mga estudyante ng sarili nilang resources. Maaari nilang gamitin ang mga tulong sa pag-aaral o ang Gospel Library upang makahanap ng mga banal na kasulatan o pahayag mula sa mga lider ng Simbahan tungkol sa ikapu.

Mga Turo tungkol sa Batas ng Ikapu ng Tagapagligtas

Pag-aralan ang sumusunod na resources, at alamin kung ano ang makahihikayat sa inyo o sa iba na sundin ang batas ng ikapu.

Mga Banal na Kasulatan:

Mga pahayag at iba pang resources:

Itinuro ni Pangulong Steven J. Lund, Young Men General President:

Pangulong Steven J. Lund

Kapag nagbabayad ng buong ikapu ang mga kabataan, nagkakaroon sila ng matibay na ugnayan sa Ama sa Langit. Sa tuwing sinusunod nila ang kautusang iyan at nagbabayad, may bagong nalilikhang bigkis ng sakripisyo at ugnayan. (Steven J. Lund, “Seminary, Institute, at Iba pang mga Bagay na Makatutulong” [mensaheng ibinigay sa Seminary & Institute annual training broadcast, Ene. 27, 2023], broadcasts.ChurchofJesusChrist.org)

Ipinapayo ng Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Paggawa ng mga Pagpili:

Magpakita ng pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga utos. …

… Habang nag-aayuno at nagbabayad kayo ng mga ikapu at handog, ipinapakita ninyo sa Diyos na mas mahalaga sa inyo ang Kanyang gawain kaysa sa mga materyal na bagay. (Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Paggawa ng mga Pagpili [2022], 11–12)

Habang naglilingkod bilang miyembro ng Pitumpu, tinanong ni Elder Stanley G. Ellis:

Elder Stanley G. Ellis

May pananampalataya ba tayong magtiwala sa mga pangako [ng Panginoon] tungkol sa ikapu na ang 90 porsiyento ng ating kita na dinagdagan ng tulong ng Panginoon ay mas makakabuti sa atin kaysa 100 porsiyento ng ating taunang kita na tayo lang mag-isa? (Stanley G. Ellis, “Nagtitiwala ba Tayo sa Kanya? Ang Mahirap ay Mabuti,” Liahona, Nob. 2017, 114.)

Itinuro ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Elder David A. Bednar

Madalas kapag itinuturo at pinatototohanan natin ang batas ng ikapu, binibigyang-diin natin ang mga daglian, malalaki at madaling napapansing temporal na pagpapala sa atin. At talaga namang ibinibigay ang gayong mga pagpapala. Gayunpaman ang ilan sa maraming pagpapala na natatamo natin kapag sinunod natin ang kautusang ito ay mahalaga ngunit hindi napapansin. …

Halimbawa, ang hindi napapansin ngunit mahalagang pagpapalang natatanggap natin ay ang espirituwal na kaloob na pasasalamat sa kung ano ang mayrooon tayo at pagpipigil na maghangad ng gusto lamang natin. …

Kung minsan hinihiling natin sa Diyos na magtagumpay tayo, at binibigyan Niya tayo ng kalusugan at katalinuhan. Maaaring ang hiling natin ay kasaganaan, at tumatanggap tayo ng mas malawak na kaalaman at ibayong pagtitiyaga. (David A. Bednar, “Mga Dungawan sa Langit,” Liahona, Nob. 2013, 17–18)

Si Mary Fielding Smith ang balo ni Hyrum Smith at ina ni Pangulong Joseph F. Smith. Nang may isang taong magsabing napakahirap niya para sundin ang batas ng ikapu, sumagot siya:

Ipagkakait mo ba sa akin ang biyaya? … Nagbabayad ako ng ikapu, hindi lamang dahil ito’y batas ng Diyos, subalit dahil umaasa ako ng biyaya sa paggawa nito. (Mary Fielding Smith, binanggit ni Joseph F. Smith, sa Conference Report, Abr. 1900, 48.)

Anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang natuklasan nila na maaaring makatulong sa isang taong may mga tanong o alalahanin tungkol sa ikapu. Maaaring maging gabay sa talakayan ang mga sumusunod na tanong.

  • Ano ang natutuhan ninyo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo nang pag-aralan ninyo ang batas ng ikapu?

  • Ano ang ipapayo ninyo sa isang tao na may mga alalahanin tungkol sa pagbabayad ng ikapu?

  • Sa anong mga paraan ninyo nakita na pinagpapala kayo o ang iba ng Panginoon dahil sa pagsunod sa Kanyang batas ng ikapu?

Habang tinatalakay ninyo ang huling tanong sa itaas, maaari kang magbahagi ng halimbawa mula sa iyong buhay. Maaari mo ring gamitin ang isa sa mga sumusunod na video: “Tithing: I Will Make a Leap of Faith” (4:47) o “Ang Wika ng Ebanghelyo” (12:27) mula sa time code na 5:27 hanggang 7:40. Ang mga video na ito ay makikita sa ChurchofJesusChrist.org.

2:3
12:27

Isipin ang inyong buhay

Upang tapusin ang lesson, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na isulat ang kanilang mga sagot sa isa o sa dalawang sumusunod na tanong sa kanilang study journal.

  • Ano ang natutuhan o nadama mo ngayon na nais mong tandaan?

  • Ano ang nadama mo na kailangan mong gawin dahil sa napag-aralan mo ngayon?

Maaari mong anyayahan ang ilang handang estudyante na ibahagi ang kanilang mga naiisip. Patotohanan ang mga katotohanang tinalakay ninyo, at hikayatin ang mga estudyante na sikaping ipamuhay ang batas ng ikapu sa buong buhay nila.