Seminary
Doktrina at mga Tipan 115–120: Buod


“Doktrina at mga Tipan 115–120: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 115–120,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 115–120

Doktrina at mga Tipan 115–120

Buod

Noong Enero 1838, lumipat si Propetang Joseph Smith at ang kanyang pamilya mula sa Kirtland, Ohio, patungo sa Far West, Missouri, matapos na mas tumindi ang pag-uusig ng mga kaaway ng Simbahan. Sa sumunod na mga buwan, nakatanggap ang Propeta ng mga paghahayag kung saan isinaad ng Panginoon ang mahahalagang katotohanan, kabilang na ang pangalan ng Kanyang Simbahan at ang batas ng ikapu. Kalaunan noong taong iyon, naharap ang mga Banal sa Missouri sa matinding pag-uusig, kabilang na ang isang utos mula sa gobernador ng Missouri na palayasin mula sa estado ang mga Banal.

icon ng trainingMagtanong ng mga bagay na nag-aanyaya ng pagtuklas: Ang pagtatanong ng mga bagay na nauugnay at napag-iisipan nang malalim ay makapagbibigay ng mga makabuluhan at mabisang pagkakataon para matuklasan at maibahagi ng mga estudyante ang doktrina at mga alituntunin. Para sa karagdagang impormasyon sa kung paano ito ginawa ng Tagapagligtas, tingnan ang bahaging “Ang Tagapagligtas ay Nagbigay ng mga Pagkakataon sa mga Tao na Maturuan ng Espiritu Santo” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Makakakita ka rin ng halimbawa ng kung paano ito gawin sa lesson ngayong linggo na may pamagat na “Doktrina at mga Tipan 115.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Doktrina at mga Tipan 115

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madama ang kahalagahan ng paggamit ng tamang pangalan ng Simbahan ng Tagapagligtas.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na mag-ukol ng oras na pag-isipan ang pangalan ng Simbahan ng Tagapagligtas: Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Hilingin sa kanila na pagnilayan kung ano ang maitutulong ng pangalang ito sa nauunawaan ng mga tao tungkol sa Simbahan.

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Mga kopya ng mensaheng “Ang Tamang Pangalan ng Simbahan” (Liahona, Nob. 2018, 87-90) para sa mga estudyanteng walang digital access.

  • Video:Ang Pangalan ng Simbahan Ay Hindi Dapat Mababago” (13:36; panoorin mula sa time code na 10:45 hanggang 12:10)

Doktrina at mga Tipan 119-120

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makadama ng mas matinding hangaring ipamuhay ang batas ng ikapu ng Tagapagligtas.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyanteng nagbayad ng ikapu na pagnilayan ang karanasan at isipin kung ano ang nadarama nila tungkol sa pamumuhay sa batas na ito. Anyayahan ang mga hindi pa kumikita ng pera na hilingin sa isang magulang o pinagkakatiwalaang nakatatanda na ibahagi ang mga pagpapalang nakita nila sa pagbabayad ng ikapu.

  • Handout:Mga Turo tungkol sa Batas ng Ikapu ng Tagapagligtas

  • Mga Video:Tithing: I Will Make a Leap of Faith” (4:47); “Ang Wika ng Ebanghelyo” (12:27; panoorin mula sa time code na 5:27 hanggang 7:40)

Pagpapalayas mula sa Missouri

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makadama ng mas matinding hangaring bumaling sa Diyos kapag nahaharap sila sa mahihirap na sitwasyon.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na hilingin sa isang mahal sa buhay na magbahagi ng mga karanasan nila o ng iba sa pagbaling o pag-asa sa Diyos kapag nahaharap sila sa mahihirap na sitwasyon.

  • Nilalamang ipapakita: Mga buod ng mga sitwasyong humantong sa pagpapalayas sa mga Banal mula sa Missouri

  • Video:1838: The Year the Saints Were Driven Out of Missouri” (5:15)

  • Handout:Ang Salaysay ni Amanda Smith sa Hawn’s Mill