“Doktrina at mga Tipan 121–123: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Doktrina at mga Tipan 121–123,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Doktrina at mga Tipan 121–123
Doktrina at mga Tipan 121–123
Buod
Matapos ipagkanulo at dakpin dahil sa mga maling paratang, ibinilanggo si Propetang Joseph Smith at ang iba pang mga lider ng Simbahan sa Liberty, Missouri. Noong taglamig ng 1838–1839, labis na nagdusa ang mga Banal sa Missouri. Sa gitna ng pagdurusang ito, pinanatag sila ng Panginoon sa pagbibigay ng mahabaging payo at tinuruan sila na tamuhin ang mga kapangyarihan ng kalangitan sa pamamagitan ng mga alituntunin ng kabutihan.
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Doktrina at mga Tipan 121–123
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano tayo matutulungan ng Diyos sa ating mga pagsubok.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na itanong sa isang mahal sa buhay na nagtiis sa isang mahirap na pagsubok ang natutuhan nila tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa pamamagitan ng kanyang karanasan.
-
Mga larawan na ipapakita: Mga Larawan ng Liberty Jail
-
Video: “Mga Aral mula sa Liberty Jail,” (44:25; panoorin mula sa time code na 3:00 hanggang 8:49 at mula sa time code na 14:30 hanggang 15:22)
-
Mga Materyal: Mga kopya ng mga buod ng kasaysayan at isang blangkong papel para sa bawat estudyante
Doktrina at mga Tipan 121:34–46
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mas lubos na matamo ang mga kapangyarihan ng langit sa kanilang buhay sa pamamagitan ng pagiging higit na katulad ni Cristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na mag-isip ng mga device na ginagamit nila na nangangailangan ng kuryente. Hikayatin silang pumili ng isang device, pagnilayan kung paano nakabatay sa kuryente ang paggana nito, at ibahagi sa isang tao ang isang lesson ng ebanghelyo na natutuhan nila tungkol sa kapangyarihan.
-
Mga larawan na ipapakita: Mga Larawan ni Jesucristo at ng Liberty Jail
-
Mga Video: “Paghugot ng Lakas kay Jesucristo sa Ating Buhay,” (14:50; panoorin mula sa time code na 12:25 hanggang 13:55) “Go and Sin No More” (3:18)
Doktrina at mga Tipan 122
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na dahil kay Jesucristo, kahit ang mahihirap na karanasan ay makatutulong sa atin upang umunlad at maging higit na katulad Niya.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na mag-isip ng isang halimbawang maibabahagi nila sa klase kung saan ginagawang pagpapala ng Diyos ang isang pagsubok na dinanas nila o ng isang mahal sa buhay.
-
Mga Materyal: Magaspang at makintab na mga bato (o mga larawan kung walang mga bato)
-
Video: “Faith Murray’s Story: Overcoming Adversity Through Service” (4:52)
-
Handout: “Pag-alaala kay Jesucristo sa Panahon ng ating mga Paghihirap”