Sa gitna ng mahihirap na kalagayan sa Liberty Jail, itinuro ng Panginoon kay Propetang Joseph Smith kung paano matamo ang mga kapangyarihan ng langit sa pamamagitan ng mga alituntunin ng kabutihan. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mas lubos na matamo ang mga kapangyarihan ng langit sa kanilang buhay sa pamamagitan ng pagiging higit na katulad ni Cristo.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Ang ating mga hangaring maglingkod sa iba
Si Molly ay tinawag kamakailan upang maglingkod sa presidency ng kanyang klase. Nais niyang tulungan ang mga dalagita sa kanyang klase ngunit hindi siya sigurado kung paano gawin ito.
Ano ang maipapayo ninyo kay Molly kung hihingi siya ng payo sa inyo?
Matapos hingin ang payo ng young women president, ipinadala ng president ang sumusunod na pahayag kay Molly at pinayuhan siyang pagnilayan kung paano ito magagamit sa pagtulong sa mga taong iniatas sa kanya na paglingkuran.
Hindi ninyo maiaangat ang ibang tao kung hindi kayo nakatayo sa mas mataas na lugar kaysa sa kanya. (Harold B. Lee, “Stand Ye in Holy Places,” Ensign, Hulyo 1973, 123)
Sa inyong palagay, paano naaangkop ang pahayag na ito sa hangarin ni Molly na tulungan ang mga dalagita sa kanyang klase?
Liberty Jail
Habang nakabilanggo si Joseph Smith sa Liberty Jail, itinuro sa kanya ng Panginoon ang kahalagahan ng ating personal na kaugnayan sa kapangyarihan ng langit.
Basahin ang Doktrina at mga Tipan 121:34–36, at alamin ang mga katotohanan tungkol sa ating kaugnayan sa mga kapangyarihan ng langit sa ating buhay.
Ano ang nalaman ninyo?
Pangulong Russell M. Nelson
Alam natin kung paano matatamo ang kapangyarihan ng langit. Alam din natin kung ano ang hahadlang sa ating pag-unlad—kung ano ang dapat nating itigil para lalo pa nating matamo ang kapangyarihan ng langit. (Russell M. Nelson, “Maaari Tayong Gumawa nang Mas Mahusay at Maging Mas Mahusay,” Liahona, Mayo 2019, 68)
Basahin ang Doktrina at mga Tipan 121:35–45, at alamin ang mga kilos o pag-uugali na maaaring magpalakas o magpahina sa ating pagtamo sa mga kapangyarihan ng langit.
Paano maaaring makita ang ilan sa mga kilos at pag-uugaling ito sa buhay ng isang tinedyer ngayon?
Bakit mahalaga ang mga kilos at pag-uugaling ito na nag-uugnay sa atin sa mga kapangyarihan ng langit kapag binigyan tayo ng responsibilidad na maglingkod sa iba?
Paano makatutulong sa atin ang pagsasabuhay ng mga kilos at pag-uugaling ito para maging higit na katulad ni Cristo at maimpluwensyahan ang iba sa paraang ginawa Niya?
Mga ipinangakong pagpapala
Basahin ang Doktrina at mga Tipan 121:45–46, at alamin ang mga pagpapalang ibinibigay ng Tagapagligtas sa mga taong nagsisikap na makaugnay sa mga kapangyarihan ng langit sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga katangiang tulad ng kay Cristo na napag-aralan ninyo ngayon.
Aling mga parirala o salita ang makabuluhan sa inyo?
Paano kayo matutulungan ng mga pagpapalang ito na maging higit na katulad ni Cristo habang pinaglilingkuran ninyo ang mga nasa paligid ninyo?
Hahangarin kong mas matamo ang mga kapangyarihan ng langit sa pamamagitan ng: