Seminary
Doktrina at mga Tipan 125–128: Buod


“Doktrina at mga Tipan 125–128: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 125–128,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 125–128

Doktrina at mga Tipan 125–128

Buod

Mula nang mabinyagan siya, naglingkod si Brigham Young sa maraming misyon na ipinangangaral ang ebanghelyo. Noong Hulyo ng 1841, bumalik siya mula sa isang misyon sa England. Hindi nagtagal pagkabalik niya, natanggap ni Propetang Joseph Smith ang paghahayag na nakatala ngayon sa Doktrina at mga Tipan 126. Noong 1842, pinaratangan ng mga opisyal ng Missouri si Joseph na nagpaplano ng pag-atake sa dating gobernador na si Lilburn W. Boggs. Napilitan si Joseph na magtago upang hindi madakip. Habang nagtatago, marami siyang naisip at nadama tungkol sa doktrina ng mga pagbibinyag para sa mga patay. Sumulat siya sa mga Banal upang tagubilinan sila ng tungkol sa kahalagahan ng pag-iingat ng isang talaan ng mga binyag na isinagawa para sa kanilang mga yumaong ninuno. Ipinahayag din niya ang iba pang mahalagang doktrina tungkol sa mga pagbibinyag para sa mga patay.

icon ng training Tulungan ang mga estudyante na madama na iginagalang at pinahahalagahan sila: Ang bawat estudyante ay anak ng Diyos na may kakaibang mga katangian, talento, at kaloob. Maging mapagmasid at pansinin kapag nagsisikap ang mga estudyante na makapag-ambag sa positibong mga paraan. Hikayatin ang pagtanggap at pagmamahal sa lahat ng miyembro ng klase. Para sa karagdagang kaalaman sa kung paano ito ginawa ng Tagapagligtas, tingnan ang bahaging “Ipinakita ng Tagapagligtas ang Kanyang Pagmamahal sa Kanyang mga Tinuruan” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Makakakita ka rin ng halimbawa ng kung paano ito gawin sa lesson ngayong linggo na may pamagat na “Doktrina at mga Tipan 127–128, Bahagi 2.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Doktrina at mga Tipan 126

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mas mapatindi ang kanilang hangaring masigasig na gumawa para sa Panginoon katulad ng ginawa ni Brigham Young.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na maghanap ng mga pagkakataong makapaglingkod sa Panginoon bago ang susunod na klase at pag-isipan kung ano ang maaaring magpahirap sa paggawa nito.

  • Handout: “Ang Halimbawa ni Brigham Young (Bahagi 1 at Bahagi 2)”

Doktrina at mga Tipan 127–128, Bahagi 1

Layunin ng lesson: Tutulungan ang mga estudyante na madama ang pagmamahal ng Ama sa Langit para sa kanila, na ipinadarama sa pamamagitan ng mga ordenansa sa templo.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na gamitin ang kanilang login information para sa FamilySearch o gumawa ng account. Makatutulong ito sa kanila na gamitin ang FamilySearch sa susunod na lesson.

  • Larawan: Isang bautismuhan ng templo

Doktrina at mga Tipan 127–128, Bahagi 2

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makahanap ng impormasyon tungkol sa kanilang mga yumaong ninuno at maghandang magsagawa ng mga ordenansa para sa kanila sa templo.

Paalala: Marami sa mga aktibidad sa lesson na ito ay nangangailangan ng access sa FamilySearch.org o sa FamilySearch app. Kung wala kang internet access sa regular na lokasyon ng iyong klase, maaari mong idaos ang klaseng ito sa isang gusali ng Simbahan o ibang lokasyon na may internet access.

Kung hindi ka pamilyar sa FamilySearch.org, maaari kang maglaan ng oras upang maging pamilyar sa mga aktibidad sa lesson. Maaari mo ring anyayahang tumulong ang temple at family history consultant mula sa iyong ward o branch.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na gamitin ang kanilang account username at password sa Simbahan para mag-log in sa FamilySearch.org. Kung walang account sa Simbahan ang sinumang estudyante, anyayahan silang hilingin sa isang magulang o lider ng Simbahan na tulungan silang gumawa nito.

  • Mga Item: Mga kopya ng buklet My Family: Stories That Bring Us Together

  • Video:Hearts Bound Together” (16:08; panoorin mula sa time code na 14:30 hanggang 15:02)