Seminary
Lesson 138—Doktrina at mga Tipan 127–128, Bahagi 2: “Pagbibinyag para sa Inyong mga Patay”


“Lesson 138—Doktrina at mga Tipan 127–128, Bahagi 2: ‘Pagbibinyag para sa Inyong mga Patay,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 127–128, Bahagi 2,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Lesson 138: Doktrina at mga Tipan 125–128

Doktrina at mga Tipan 127–128, Bahagi 2

“Pagbibinyag para sa Inyong mga Patay”

mga tinedyer na papunta sa templo

Sumulat si Joseph Smith ng mga liham sa mga Banal tungkol sa doktrina ng binyag para sa mga patay. Ipinaliwanag niya ang mga propesiya sa biblia upang matulungan ang mga Banal na maunawaan ang kahalagahan ng pagpapabinyag para sa kanilang mga yumaong kamag-anak. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maghanap ng impormasyon tungkol sa kanilang mga yumaong ninuno at maghandang magsagawa ng mga ordenansa para sa kanila sa templo.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang iyong mga ninuno

Maaari mong simulan ang klase sa pamamagitan ng pagtulong sa mga estudyante na isipin ang kanilang mga ninuno. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ilista ang lahat ng ninuno na maiisip nila. Maaaring tukuyin ng mga estudyante kung sinong mga ninuno ang tumanggap ng ordenansa ng binyag sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw at kung sino ang mga hindi tumanggap nito.

scale para sa kumpiyansa
  • Gaano kalaki ang kumpiyansa ninyo sa kakayahan ninyong gumawa ng gawain sa family history at templo para sa inyong mga ninuno?

Anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang naaalala nila tungkol sa konteksto ng Doktrina at mga Tipan 127–128. Maaari mo ring ibahagi ang sumusunod na karagdagang konteksto.

Pinaratangan ng mga awtoridad ng Missouri si Joseph Smith na tumulong sa pagplano ng pag-atake sa dating gobernador na si Lilburn W. Boggs. Naghinala si Joseph na papatayin siya kung babalik siya sa Missouri. Habang nagtatago sa tahanan ni Edward Hunter, maraming naisip at nadama si Joseph tungkol sa mga pagbibinyag para sa mga patay (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 128:1). Sumulat si Joseph Smith ng mga liham sa mga Banal upang ituro sa kanila ang mahalagang doktrina tungkol sa ordenansa ng pagbibinyag para sa mga patay (tingnan sa Mga Banal: Ang Kuwento ng Simbahan ni Jesucristo sa mga Huling Araw, Tomo 1, Ang Pamantayan ng Katotohanan, 1815–1846 [2018], 532–44).

Mga pagbibinyag para sa inyong mga patay

Itinuro ni Elder Quentin L. Cook ng Korum ng Labindalawang Apostol na responsibilidad nating magsagawa ng mga ordenansa sa templo para sa mga partikular na tao:

Elder Quentin L. Cook

Malinaw ang doktrina ng pamilya kaugnay ng gawain sa family history at sa templo. Tinukoy ng Panginoon sa paunang inihayag na mga tagubilin ang “pagbibinyag para sa inyong mga patay” [Doktrina at mga Tipan 127:5; idinagdag ang pagbibigay-diin]. Ang obligasyon natin ayon sa doktrina ay sa sarili nating mga ninuno. Ito ay dahil ang selestiyal na organisasyon ng langit ay nakabatay sa mga pamilya. (Quentin L. Cook, “Mga Ugat at mga Sanga,” Liahona, Mayo 2014, 45)

Basahin ang Doktrina at mga Tipan 127:5–6, at maaari ninyong markahan ang mga salitang “pagbibinyag para sa inyong mga patay” na binigyang-diin ni Elder Cook.

  • Ano sa palagay ninyo ang mangyayari kung magkita kayo ng inyong mga yumaong ninuno? Ano kaya ang magiging reaksyon nila sa gawain sa templo at family history na ginawa ninyo?

Maaari mong ipanood ang video na “Hearts Bound Together” sa ChurchofJesusChrist.org mula sa time code na 14:30 hanggang 15:02. Sa video na ito, ibinahagi ni Pangulong Henry B. Eyring ng Unang Panguluhan kung ano ang maaaring mangyari kung magkita tayo ng ating mga yumaong ninuno.

16:12

Ang kanilang kaligtasan ay mahalaga sa ating kaligtasan

Basahin ang Doktrina at mga Tipan 128:15–18, at alamin ang itinuro ng mga propeta tungkol sa doktrina ng mga walang hanggang pamilya at pagbibinyag para sa mga patay.

Upang mapag-aralan ang Doktrina at mga Tipan 128:15–18, maaaring hatiin ang mga estudyante sa tatlong grupo upang matuklasan ang itinuro ng mga sumusunod na propeta. Anyayahan ang isang estudyante sa bawat grupo na maging lider ng grupo. Maaaring hatiin ng taong ito ang mga responsibilidad. Ang isang responsibilidad ay ang pagbubuod sa klase ng pinag-aralan ng grupo sa mga banal na kasulatan.

Matapos basahin ng mga estudyante ang mga talatang ito, anyayahan ang bawat grupo na ibuod ang mga talata. Maaari mo ring talakayin ang mga tanong nila o mga parirala na sa palagay nila ay mahalaga.

  • Ano ang itinuro ng bawat propeta tungkol sa kaligtasan ng ating mga ninuno?

    Habang nagbabahagi ang mga estudyante, maaaring makatukoy sila ng maraming katotohanan, kabilang ang mga sumusunod:

    • Ang kaligtasan ng ating mga yumaong ninuno ay kinakailangan sa ating kaligtasan.

    • Ang ating mga ninuno na namatay nang walang ebanghelyo ay hindi susulong tungo sa pagiging ganap hangga’t hindi isinasagawa ang mga ordenansa sa templo para sa kanila.

    Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung bakit mahalaga ang mga katotohanang ito ngayon. Maaaring makatulong ang ilan sa mga sumusunod na tanong.

  • Sa anong mga paraan ginagawang posible ni Jesucristo ang kaligtasan ng ating mga yumaong ninuno?

  • Sa inyong palagay, paano makatutulong sa inyo ang pakikibahagi sa gawain sa templo at family history na tularan ang halimbawa ng Tagapagligtas?

Pinatotohanan ni Pangulong Henry B. Eyring ng Unang Panguluhan ang tungkol sa ating mahalagang responsibilidad:

Pangulong Henry B. Eyring

Marami sa inyong mga ninuno ang hindi nakatanggap ng mga ordenansang iyon. Ngunit sa awa ng Diyos, natanggap ninyo ang mga iyon. At alam ng Diyos na mapapalapit ang damdamin ninyo sa inyong mga ninuno nang may pagmamahal at na magkakaroon kayo ng teknolohiyang kailangan para matukoy sila. Alam din Niya na mabubuhay kayo sa isang panahon na mas malaki ang pagkakataon na makapasok kayo sa mga banal na templo, kung saan maisasagawa ang mga ordenansa, kaysa sa anumang panahon sa kasaysayan. At alam Niya na maaari Siyang magtiwala na isasagawa ninyo ang gawaing ito para sa inyong mga ninuno. …

… Maraming kabataan ang nakatuklas na ang pagbibigay ng panahon sa paggawa ng family history at gawain sa templo ay nagpalalim sa kanilang patotoo sa plano ng kaligtasan. Napalakas nito ang impluwensya ng Espiritu sa kanilang buhay at napahina ang impluwensya ng kaaway. Natulungan sila nito na mas mapalapit sa kanilang pamilya at sa Panginoong Jesucristo. Natutuhan nila na hindi lamang ang mga pumanaw ang inililigtas ng gawaing ito; lahat tayo ay inililigtas nito [tingnan sa Doktrina at mga Tipan 128:18]. (Henry B. Eyring, “Pagtitipon sa Pamilya ng Diyos,” Liahona, Mayo 2017, 21, 22)

  • Ano ang nagawa na ninyo upang makibahagi sa gawain sa templo at family history? Paano kayo pinagpala ng Panginoon sa paggawa ng mga ito?

  • Paano nakatulong sa inyo ang pakikibahagi sa gawaing ito na mas mapalapit kay Jesucristo?

Pakikibahagi sa gawain sa templo at family history

Ang bahaging ito ng lesson ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na makibahagi sa gawain sa family history at marahil ay maghandang magsagawa ng mga ordenansa sa templo. Maraming paraan para maanyayahan mo ang mga estudyante na makibahagi. Narito ang ilang halimbawa:

  • Ipakita ang sumusunod na listahan ng mga aktibidad, at itanong sa mga estudyante kung maaari nilang ituro sa klase ang mga ito. Pagkatapos ay maaaring ipakita ng mga estudyante kung paano magagawa ang mga gawain.

  • Hatiin ang klase sa maliliit na grupo at anyayahan ang mga estudyante na gawin ang mga aktibidad nang sama-sama. Maaaring tulungan ng mga estudyanteng mas nakakaalam ang mga estudyanteng hindi pa gaanong nakakaalam.

  • Gumawa ng mga istasyon ng pag-aaral para sa ilan sa mga aktibidad. Anyayahan ang isang estudyante na pamilyar sa aktibidad na pamunuan ang istasyon. Paisa-isang pupuntahan ng mga estudyante ang mga istasyon na pipiliin nila.

Maaari mong anyayahang tumulong ang temple at family history consultant mula sa inyong ward. Kung limitado ang access sa teknolohiya, maaari mong pagtuunan ang unang aktibidad na nakalista sa ibaba.

  • Gawin ang iba’t ibang aktibidad sa buklet na My Family: Stories That Bring Us Together.

  • Maging pamilyar sa iyong family tree sa FamilySearch.

  • Gamitin ang feature na “Ordinances Ready” sa FamilySearch para maghanap ng mga pangalang dadalhin sa templo.

  • Gumawa ng appointment para makadalo sa templo sa temples.ChurchofJesusChrist.org.

  • Maging pamilyar sa kung paano magdagdag ng mga tao o maglakip ng mga talaang pangkasaysayan sa iyong family tree sa FamilySearch.

  • Magdagdag ng mga alaala sa mga tao sa iyong family tree sa FamilySearch.

  • Saliksikin ang bahaging “Activities” sa FamilySearch.org.

  • Saliksikin ang bahaging “Templo at Family History” sa Gospel Library.

Pagkatapos ng sapat na oras, anyayahan ang mga estudyante na ibahagi sa klase ang ginawa nila o natuklasan nila. Maaari ding talakayin ng mga estudyante kung paano nadagdagan ang kanilang kumpiyansa na makibahagi sa gawain sa templo at family history.

icon ng training Tulungan ang mga estudyante na madamang iginagalang at pinahahalagahan sila: Para malaman pa ang tungkol sa pagpapakita sa mga estudyante na iginagalang at pinahahalagahan mo sila, tingnan ang training na may pamagat na “Magpadala ng mensahe sa magulang ng isang estudyante tungkol sa isang positibong bagay na napansin mo tungkol sa kanyang anak.” Ang training na ito ay makikita sa Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Mahalin ang mga Tinuturuan Mo.

Basahin ang Doktrina at mga Tipan 128:24, at alamin kung ano ang maihahandog natin sa Panginoon.

  • Sa inyong palagay, paano naging matwid na handog sa Panginoon ang gawain sa templo at family history na ginagawa natin?

  • Anong handog na gawain sa templo at family history ang nais ninyong ibigay sa Panginoon?

Anyayahan ang mga estudyante na kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila. Hikayatin ang mga estudyante na makibahagi sa gawain sa templo at family history sa tahanan kasama ang kanilang pamilya.