“Doktrina at mga Tipan 129–132: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Doktrina at mga Tipan 129–132,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Doktrina at mga Tipan 129–132
Doktrina at mga Tipan 129–132
Buod
Habang nasa Illinois ang mga Banal, nagbahagi si Propetang Joseph Smith ng mahahalagang turo tungkol sa iba’t ibang paksa, kabilang ang kahalagahan ng pagtatamo ng kaalaman at katalinuhan, ang mga pagpapalang natatanggap natin sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kautusan ng Diyos, at ang katangian ng Diyos. Itinuro Niya ang doktrina ng walang hanggang kasal at itinuro Niya na kailangan nating pumasok sa bago at walang-hanggang tipan ng kasal upang matamo ang mga pagpapala ng kadakilaan. Nagsulat din ang Propeta ng isang paghahayag na may kaugnayan sa pag-aasawa nang mahigit sa isa, na isang paghahayag na iniutos ng Panginoon na sundin ng ilang naunang miyembro ng Simbahan.
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Doktrina at mga Tipan 130
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na magsanay sa pagtuturo ng mga elemento ng doktrina ni Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan ang anumang oportunidad sa pagtuturo na nagkaroon sila kamakailan sa tahanan o sa simbahan. Maaari mo silang anyayahang dumating sa klase na handang talakayin ang kanilang mga tagumpay at hamon sa pagtuturo ng ebanghelyo ng Tagapagligtas.
-
Handout: “Pagtuturo ng mga Katotohanan mula sa Doktrina at mga Tipan 130 (Bahagi 1 at Bahagi 2)”
Doktrina at mga Tipan 131
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng walang hanggang kasal sa plano ng Ama sa Langit.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na hilingin sa isang mahal sa buhay o lider ng Simbahan na ibahagi ang ilan sa mga pagpapalang natanggap niya sa pamamagitan ng kanyang kasal sa templo. Pagkatapos ay maaaring maanyayahan ang mga estudyante na ibahagi sa klase ang natutuhan nila.
-
Video: “Eternal Marriage, an Apostolic Perspective” (5:26)
-
Nilalamang ipapakita: Mga tagubilin para sa aktibidad sa pag-aaral sa ilalim ng heading na “Ang Kahalagahan ng Kasal sa Plano ng Diyos“
Doktrina at mga Tipan 132:1-2, 34-66
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang kautusan ng Panginoon na sundin ng ilang Banal ang pag-aasawa nang mahigit sa isa noong mga unang araw ng Simbahan.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na dumating sa klase na handang magbahagi ng halimbawa ng isang tao sa mga banal na kasulatan na sumunod sa isang mahirap na utos mula sa Diyos.
-
Mga larawan: Abraham, Maria, Jesucristo.
-
Mga Video: ”Is It Hard to Be the Prophet?” (1:54); ”Ang Pananampalataya ay Hindi Matatamo Kung Wala Munang Pagpiling Gagawin” (15:01; panoorin mula sa time code na 6:25 hanggang 8:27)
-
Handout: “Mga Hango mula sa ‘Pag-aasawa Nang Higit sa Isa sa Kirtland at Nauvoo’”
Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 9
Mga layunin ng lesson: Mabigyan ang mga estudyante ng mga pagkakataong magsanay sa pagsasaulo ng mga reference ng mga doctrinal mastery passage at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan na nauugnay sa mga ito. Tutulungan din sila ng lesson na ito na matutuhan at maipamuhay ang mga banal na alituntunin para sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na sanayin ang pagsasaulo ng scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa ilang doctrinal mastery passage na pinag-aralan nila sa taong iyon.
-
Mga bagay na dadalhin: Pitsel ng tubig at ilang baso