Seminary
Lesson 142—Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 9: Isaulo; Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman


“Lesson 142—Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 9: Isaulo; Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 9,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Lesson 142: Doktrina at mga Tipan 129–132

Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 9

Isaulo; Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman

ama at anak na babae na nag-aaral ng mga banal na kasulatan

Ang doctrinal mastery ay makatutulong sa mga estudyante na maitayo ang pundasyon ng kanilang buhay kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng mga pagkakataong magsanay sa pagsasaulo ng mga reference ng mga doctrinal mastery passage at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan na nauugnay sa mga ito. Makatutulong din ito sa kanila na matutuhan at maipamuhay ang mga banal na alituntunin para sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Pagrerebyu ng doctrinal mastery: Isaulo

Maaari kang magpakita ng isang pitsel na walang lamang tubig at ilang baso na puno ng tubig. Lagyan ng tubig ang mga baso. Sabihin sa isang estudyante na bigkasin ang anumang doctrinal mastery scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan na naisaulo niya. Para sa bawat scripture passage na binigkas, maaaring ibuhos ng estudyante sa pitsel ang laman ng isa sa mga basong may tubig.

  • Sa palagay ninyo, paano maihahalintulad ang pagsasaulo ng mga banal na kasulatan sa imbak na tubig para sa panahon ng pangangailangan?

  • Sa anong mga sitwasyon ninyo gugustuhing magkaroon ng mga naisaulong banal na kasulatan na mapagbabatayan ninyo?

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na subukang alalahanin ang isang pagkakataon na may naisip silang banal na kasulatan. Marahil ay may naisip sila na mga partikular na salita sa isang talata o pangkalahatang turo. Anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga karanasan.

Banggitin na kapag naging pamilyar tayo sa mga talata sa mga banal na kasulatan, maipapaalala ng Espiritu Santo ang mga ito sa ating isipan sa oras ng pangangailangan (tingnan sa Juan 14:26). Ipaalam sa mga estudyante na maglalaan kayo ngayon ng ilang oras para mas maging pamilyar sa ilang doctrinal mastery passage. Ang sumusunod ay isang paraan upang magawa ito. Ang mga karagdagang ideya sa pagsasaulo ay matatagpuan sa appendix sa ilalim ng “Mga Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery.”

Aktibidad sa pagsasaulo

Magpasiya kung aling mga doctrinal mastery passage ang gusto mong rebyuhin ng klase. Pinakamainam kung gagamit ng dalawa hanggang apat na passage sa aktibidad na ito.

Bigyan ng blangkong papel ang bawat estudyante. Sabihin sa kanila na isulat sa papel ang bawat isa sa mga doctrinal mastery passage at mahahalagang parirala. Pagkatapos ay sabihin sa kanila na gupitin ang bawat salita para sa isang reference at mahalagang parirala. Pagkatapos ay maaaring paghalu-haluin ng mga estudyante ang mga piraso at muling ayusin ang mga ito ayon sa pagkakasunud-sunod. Kapag madali na nilang nagagawa iyon, sabihin sa kanila na ulitin ang proseso sa susunod na passage at mahalagang parirala. Kung matututuhan nila nang husto ang mga passage at mahahalagang parirala, maaari nilang paghalu-haluin ang lahat ng piraso mula sa iba’t ibang passage at mahalagang parirala at subukang ibalik ang mga ito sa tamang ayos.

Bilang alternatibo, maaari mong sabihin sa mga estudyante na gamitin ang Doctrinal Mastery app upang mapahusay ang pagsasaulo.

Kung mayroong kang sapat na oras, maaari mong anyayahan ang ilang estudyante na lumapit at magbahagi ng isang naisaulong passage at mahalagang parirala at magbuhos ng isang basong tubig sa pitsel.

Huwag hayaang lumampas nang 10–15 minuto ang aktibidad na ito sa pagsasaulo upang magkaroon ng sapat na oras para sa pagsasanay sa pagsasabuhay ng doctrinal mastery kalaunan sa lesson.

Alamin at ipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman

Kung sa palagay mo ay kailangang rebyuhin ng iyong mga estudyante ang alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman, maglaan ng oras upang marebyu ang talata 5–12 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2023). Ang mga iminumungkahing aktibidad sa pagrerebyu ay kasama sa appendix ng “Mga Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery.”

Sabihin sa mga estudyante na pumili ng alinman sa mga sumusunod na sitwasyon o iba pang sitwasyon na ginawa mo na tumutugon sa mga pangangailangan ng iyong mga estudyante. Matapos pumili ng sitwasyon ang mga estudyante, talakayin kung bakit ganito ang maaaring madama ng isang tao. Kapag ginawa ito, magiging mas makatotohanan ang mga sitwasyon para sa mga estudyante.

Maaari mo ring gamitin ang mga paksa ng alternatibong sitwasyon sa bahaging “Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral” sa katapusan ng lesson na ito.

Sitwasyon 1: Ipagpalagay na may kaibigan ka na hindi sigurado tungkol sa pagpapakasal sa templo. Iniisip niya na maraming hinihingi at malaking obligasyon ang kasal sa templo. Inaalala niya ang lahat ng inaasahan mula sa kanya sa paggawa nito.

Sitwasyon 2: Itinanong sa iyo ng isang kaibigan, “Talaga bang kinakailangan ang kasal sa templo? Hindi ba sapat na magpakasal na lang ang magkasintahan sa huwes kung talagang nagmamahalan sila?”

Upang matulungan ang mga estudyante na maging responsable sa sarili nilang pagkatuto, bigyan sila ng kaunting panahon para pag-isipan at sagutin ang mga sumusunod na tanong sa kanilang study journal.

  • Sa palagay mo, aling alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman ang pinakamakatutulong? Bakit?

  • Aling mga doctrinal mastery passage ang maaaring makatulong?

Kapag nagkaroon na ng sapat na oras ang mga estudyante para maghanda ng mga sagot, maaari mo silang hatiin sa maliliit na grupo. Maaaring makatulong na magtalaga ng isang lider sa grupo na mangangasiwa sa talakayan. Maaaring magpasiya ang lider sa kung sino ang mauuna o sa pagkakasunud-sunod ng pagtalakay sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Sabihin sa mga grupo na ibahagi at talakayin ang kanilang mga sagot sa mga naunang tanong. Bigyan ng sapat na oras ang mga grupo para makapagbahagi ang bawat miyembro.

Pagkatapos ay maaari mong anyayahan ang mga grupo na tukuyin ang alinman sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman na hindi pinili at talakayin kung paano rin maiaangkop ang mga alituntuning iyon sa mga sitwasyon.

Makipag-ugnayan sa mga grupo para malaman ang kanilang kakayahang talakayin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Kung kinakailangan, gamitin ang mga sumusunod na tanong upang matulungan ang mga estudyante na magkaroon ng makabuluhang talakayan.

Kumilos nang may pananampalataya

  • Paano maaaring humingi ng tulong ang isang tao sa Ama sa Langit at kay Jesucristo kung mayroon siyang mga pag-aalinlangan, alalahanin, o tanong tungkol sa kasal sa templo?

  • Paano pa kaya makakakilos nang may pananampalataya ang taong may mga alalahanin tungkol sa kasal sa templo?

Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw

  • Ano ang nalalaman mo tungkol sa Ama sa Langit at sa Kanyang plano ng kaligtasan na makatutulong sa sitwasyon?

  • Paano maaaring makaimpluwensya ang kasal sa templo sa buhay ng isang tao ngayon at sa kawalang-hanggan?

Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos

  • Paano maaaring makatulong ang doktrinang itinuro sa Doktrina at mga Tipan 131:1–4 sa sitwasyong pinili mo?

  • Anong iba pang mga banal na kasulatan o pahayag mula sa mga propeta ang maaaring makatulong? (halimbawa, Doktrina at mga Tipan 132:19; 1 Corinto 11:11; Genesis 2:24). (Maaari mo ring hanapin ang “Walang Hanggang Kasal” sa Gospel Library.)

  • Anong sources ng impormasyon ang maaaring nakakaimpluwensya sa mga palagay ng taong ito?

Tulungan ang mga estudyante na ma-assess ang kanilang karanasan sa paggamit ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Maaaring makatulong ang mga sumusunod na tanong:

  • Paano nakatulong sa inyo ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa pagtugon sa sitwasyon?

  • Anong mga hamon ang naranasan ninyo nang sikapin ninyong ipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon?

  • Ano ang natutuhan o nadama ninyo tungkol sa walang hanggang kasal na sa palagay ninyo ay mahalagang tandaan?