“Doktrina at mga Tipan 133–134: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Doktrina at mga Tipan 133–134,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Doktrina at mga Tipan 133–134
Doktrina at mga Tipan 133–134
Buod
Sa Doktrina at mga Tipan 133, inihayag ng Panginoon ang mga pangyayaring magaganap bago ang Kanyang Ikalawang Pagparito at kung paano makapaghahanda ang Kanyang mga Banal para sa mga kaganapang iyon; naghayag din Siya ng iba pang detalye tungkol sa Kanyang pagkatao at mga katangian. Sa Doktrina at mga Tipan 134, inilahad ng mga lider ng Simbahan ang mga paniniwala ng Simbahan sa pamahalaan at relihiyon.
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Doktrina at mga Tipan 133:1–40
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maghanda para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin at pag-isipan ang Doktrina at mga Tipan 29:10–11 at pagnilayan kung gaano sila kahandang salubungin ang Tagapagligtas kapag Siya ay pumaritong muli sa lupa.
-
Mga Materyal: Poster board o iba pang papel para sa bawat estudyante; mga colored marker o colored pencil
-
Handout: “Inaanyayahan Tayo ni Jesucristo na Maghanda para sa Kanyang Ikalawang Pagparito sa pamamagitan ng …”
Doktrina at mga Tipan 133:41–56
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang mga katangian at ang pagkatao ni Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng isang larawan na ipinapakita ang Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas. Hikayatin silang talakayin sa kanilang pamilya o mga kaibigan ang mga katangian ng Tagapagligtas na ipinakita sa likhang-sining o larawan.
-
Larawang ipapakita: Ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo
-
Mga Materyal: Mga piraso ng papel na paghahatian ng maliliit na grupo ng mga estudyante
Doktrina at mga Tipan 134
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng kalayaang panrelihiyon at ng pagsunod sa mga batas ng pamahalaan kung saan sila nakatira.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na subukang alamin kung ano ang patakaran ng kanilang pamahalaan sa relihiyon. Maaaring magpatulong ang mga estudyante sa isang magulang o pinagkakatiwalaang nakatatanda sa pag-aaral tungkol dito.
-
Video: “Ang Aklat ni Mormon: Ano Kaya ang Buhay Ninyo Kung Wala Ito?” (15:01; panoorin mula sa time code na 0:00 hanggang 3:16)
-
Mga Handout: “Naniniwala Tayo sa Pagsunod sa mga Batas ng Pamahalaan Kung Saan Tayo Nakatira”; “Naniniwala Tayo sa Kalayaan sa Relihiyon at Konsensya”
I-assess ang Iyong Pagkatuto 9
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na masuri kung paano nakatulong sa kanilang espirituwal na pag-unlad ang pag-aaral nila ng Doktrina at mga Tipan.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan kung paano lumago at lumalim ang kanilang kaalaman at patotoo sa ebanghelyo sa nakalipas na isa o dalawang taon. Maaari din nilang pagnilayan kung ano sa palagay nila ang nakagawa ng pinakamalaking pagbabago sa kanilang espirituwal na pag-unlad.
-
Mga larawang ipapakita: Iba’t ibang yugto ng pagtatayo ng Salt Lake Temple; bautismuhan sa templo
-
Nilalamang ipapakita: Magagaspang at makikinis na bato o isang larawan ng magagaspang at makikinis na bato