Seminary
Lesson 144—Doktrina at mga Tipan 133:41–56: “Sino Ito na Bumababa mula sa Diyos?”


“Lesson 144—Doktrina at mga Tipan 133:41–56: ‘Sino Ito na Bumababa mula sa Diyos?,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 133:41–56,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Lesson 144: Doktrina at mga Tipan 133–134

Doktrina at mga Tipan 133:41–56

“Sino Ito na Bumababa mula sa Diyos?”

ang pagbabalik ng Tagapagligtas

Kapag bumalik si Jesucristo, ang matatapat ay magiging handa para sa Kanya (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 133:56). Ang mga turo ng Tagapagligtas sa Doktrina at mga Tipan 133 ay makatutulong sa atin na malaman pa ang tungkol sa Kanya at maghanda para sa Kanyang Ikalawang Pagparito. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mas maunawaan ang mga katangian at ang pagkatao ni Jesucristo.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas

Maaari kang magpakita ng isang larawan na inilalarawan ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo. Maaari ding ilarawan o, kung maaari, ipakita ng mga estudyante ang mga paboritong larawan nila ng Kanyang Ikalawang Pagparito.

Pagnilayan ang sumusunod na pahayag ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol habang iniisip kung ano ang magiging pakiramdam sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas.

15:32
Elder Neil L. Andersen

Lumalago ang ating pananampalataya habang inaasam natin ang maluwalhating araw ng pagbalik ng Tagapagligtas sa lupa. Ang ideya na darating Siya ay nagpapasaya sa aking kaluluwa. Magiging kagila-gilalas iyon! Ang saklaw at karingalan, ang lawak at kadakilaan, ay hihigit sa anumang nakita o naranasan na ng tao. (Neil L. Andersen, “Dumating Nawa ang Kaharian Mo,” Liahona, Mayo 2015, 122)

  • Anong mga salita o parirala ang pinakamahalaga sa inyo? Anong mga karagdagang salita ang maaari ninyong gamitin upang ilarawan ang Ikalawang Pagparito?

    Ipaliwanag sa mga estudyante na matapos tayong anyayahan ni Jesucristo na maghanda para sa Kanyang Ikalawang Pagparito (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 133:10), naghayag pa Siya ng tungkol sa Kanyang pagkatao at mga katangian. Ibinahagi Niya ang mga bagay na ipapakita sa panahon ng Kanyang pagparito at ang mga kaganapan bago mangyari ito.

    Pagkatapos ay maaari mong ipakita ang mga sumusunod na tanong nang paisa-isa at sabihin sa mga estudyante na tahimik na pag-isipan ang kanilang mga sagot.

  • Habang iniisip ko ang Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas, kadalasan ba ay mas nakatuon ako sa mga pangyayaring magaganap o sa kung sino ang babalik sa mundo?

  • Anong kaibhan ang magagawa nito kung mas magtutuon ako kay Jesucristo kaysa sa mga pangyayaring nauugnay sa Kanyang pagbabalik?

Sabihin sa mga estudyante na humingi ng patnubay mula sa Espiritu Santo upang malaman pa ang tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang Ikalawang Pagparito habang nag-aaral sila ngayon.

Upang matulungan ang mga estudyante na malaman pa kung ano ang mangyayari sa Ikalawang Pagparito at kung sino ang babalik, maaari mo silang anyayahang kopyahin ang sumusunod na chart sa kanilang study journal. Maaaring gumawa ang mga estudyante nang may kapartner, kung saan kukumpletuhin ng bawat isa sa magkapartner ang magkaibang column. Pagkatapos ng sapat na oras, maaaring ibahagi ng magkakapartner sa isa’t isa ang natuklasan nila at kumpletuhin ang isa pang column.

Basahin ang Doktrina at mga Tipan 133:42–53, at isulat sa naaangkop na column ang nalaman mo.

Ang mangyayari sa Ikalawang Pagparito

Ang natutuhan ko tungkol kay Jesucristo

Kung may mga tanong ang mga estudyante tungkol sa pariralang “mga kakila-kilabot na bagay” sa talata 43, ipaliwanag na ang maaaring ibig sabihin ng kakila-kilabot ay nakakatakot o matindi. Kung may mga tanong ang mga estudyante tungkol sa kasuotan ng Tagapagligtas sa talata 46–48, maaari mong ibahagi ang itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson: Sa Ikalawang Pagparito, magsusuot si Jesus ng “pulang bata bilang simbolo ng Kanyang dugo, na dumaloy mula sa bawat butas ng balat” (“Ang Kinabukasan ng Simbahan: Paghahanda sa Mundo para sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas,” Liahona, Abr. 2020, 10).

Ang mga katangian ng Tagapagligtas

Matapos ibahagi ng mga estudyante sa kanilang kapartner ang isinama nila sa kanilang mga chart, maaari mong isulat sa pisara ang “Jesucristo ….” Itanong ang sumusunod, at sabihin sa mga estudyante na pumunta sa pisara at tapusin ang parirala gamit ang kanilang mga sagot.

icon ng trainingMagtuon kay Jesucristo habang itinuturo mo ang mga banal na kasulatan: Para matuto pa tungkol sa pagtuon kay Jesucristo, tingnan ang training na may pamagat na “Ituro ang tungkol sa mga titulo, tungkuling ginagampanan, at mga katangian ni Jesucristo,” na matatagpuan sa Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Magtuon kay Jesucristo. Maaaring magsanay na gamitin ang kasanayang “Gumawa ng mga tanong sa pagsasaliksik upang matulungan ang mga estudyante na matukoy ang mga tungkulin, titulo, simbolo, katangian, at karakter ni Jesucristo.”

  • Ano ang natutuhan ninyo tungkol kay Jesucristo na makabuluhan sa inyo? Bakit ito makabuluhan sa inyo?

    Maaaring matukoy ng mga estudyante ang mga katotohanang tulad ng sumusunod:

    • Si Jesucristo …

    • … ay makatarungan at makapangyarihan (tingnan sa talata 44–45, 50–51).

    • … ay ginagantimpalaan ang mga naghihintay sa Kanya (tingnan sa talata 45).

    • … ay makapangyarihan upang magligtas (tingnan sa talata 47).

    • … ay nagpapakita ng mapagkandiling pagmamahal at kabutihan (tingnan sa talata 52).

    • … ay nauunawaan ang ating mga paghihirap (tingnan sa talata 53).

    • … ay pinapasan ang ating mga pasanin, kinakalong, at tinutubos tayo dahil sa Kanyang pagmamahal sa atin (tingnan sa talata 53).

    Maaari mong sabihin sa mga estudyante na markahan sa kanilang banal na kasulatan ang mga pariralang nagtuturo ng mga katotohanang ito.

  • Paano makatutulong sa inyong buhay ang pag-unawa sa mga katangian at pagkatao ni Jesucristo?

  • Paano naaapektuhan ng mga paglalarawang ito tungkol kay Cristo ang inyong nadarama tungkol sa Kanyang Ikalawang Pagparito?

Pagpapalalim sa ating pag-unawa sa mga katangian ng Tagapagligtas

Ang sumusunod na aktibidad ay makatutulong sa mga estudyante na mas maunawaan pa ang tungkol sa Tagapagligtas. Ipakita ang tatlong sumusunod na hakbang upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang aktibidad.

Bago simulan ng mga estudyante ang aktibidad, maaari mo silang bigyan ng halimbawang tulad ng inilarawan sa ibaba ng tatlong hakbang.

  1. Pumili ng isang katangian ni Jesucristo mula sa Doktrina at mga Tipan 133 na gusto mong matutuhan pa. Isulat ito sa itaas ng isang blangkong papel.

  2. Sa iyong papel, sumulat ng isang sitwasyon na naglalarawan ng isang taong maaaring makinabang sa pag-unawa sa katangiang ito ni Jesucristo.

  3. Isama sa iyong papel ang isang banal na kasulatan o pahayag ng isang lider ng Simbahan na nagpapalalim sa iyong pagkaunawa sa katangian. (Para sa tulong, maaari mong hanapin ang katangian sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan o hanapin ito sa Gospel Library app.)

Gamit ang mga ideyang tulad ng mga sumusunod, maaari mong ipakita ang bawat hakbang sa aktibidad na ito sa buong klase:

  • Hakbang 1: Isulat sa pisara ang salitang makatarungan at makapangyarihan, o bilugan ang mga ito kung isinulat ang mga ito sa nakaraang aktibidad.

  • Hakbang 2: Ipakita ang sumusunod na sitwasyon. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi kung bakit maaaring madama ng ilang kabataan ang nadarama ni Sam. Itanong kung paano makapagbibigay ng pag-asa ang kaalaman na si Jesus ay makatarungan at makapangyarihan sa isang taong ganoon ang nadarama.

Ginagawa ni Sam ang lahat ng kanyang makakaya upang gawin ang tama, ngunit mahirap ito dahil sa labis na kasamaan sa mundo. Halos nadarama niya na tila nananaig ang kasamaan. Pagod na siya sa pag-uusig at sa tuksong nakapaligid sa kanya.

Hakbang 3: Isulat sa pisara ang 1 Nephi 22:15–17. Sabihin sa mga estudyante na basahin ito, at alamin ang itinuro ni Nephi tungkol sa kapangyarihan at katarungan ni Jesucristo. Matapos ibahagi ng mga estudyante ang nalaman nila, sabihin sa kanila na talakayin ang sumusunod na tanong:

  • Ano ang itinuro ni Nephi tungkol kay Jesucristo na makatutulong sa isang tao na nakadarama ng tulad ng nadarama ni Sam?

    Sabihin sa mga estudyante na pumili ng ibang katangian ni Jesucristo mula sa Doktrina at mga Tipan 133 at kumpletuhin ang hakbang 1–3 ng aktibidad sa maliliit na grupo (o nang mag-isa kung gusto nila).

    Pagkatapos ng sapat na oras na makumpleto ang unang tatlong hakbang, sabihin sa mga grupo na makipagpalitan ng papel sa ibang grupo. Pagkatapos ay ipakita ang hakbang 4–6 sa ibaba.

    1. Basahin ang katangian ni Cristo, ang sitwasyon, at anumang banal na kasulatan o pahayag sa papel.

    2. Matapos talakayin sa iyong grupo, isulat sa papel kung bakit sa palagay mo ay makatutulong sa tao sa sitwasyon ang pag-unawa sa katangiang ito ni Jesucristo.

    3. Maghanap at magsama ng karagdagang banal na kasulatan o pahayag ng isang lider ng Simbahan na sa palagay mo ay makatutulong sa indibiduwal na ito.

Sabihin sa mga grupo na ibalik ang mga papel sa mga orihinal na grupo at basahin ang idinagdag sa kanilang mga papel. Anyayahan ang isang miyembro ng bawat grupo na magbahagi sa klase ng mga nalaman nila tungkol kay Jesucristo mula sa aktibidad na ito.

Ang mga katangian ng Tagapagligtas sa inyong buhay

Maaari kang magbahagi ng isang katangian ni Jesucristo na makabuluhan sa iyo.

Sabihin sa mga estudyante na mapanalanging pagnilayan ang mga katangiang napag-aralan nila ngayon at sagutin ang mga sumusunod na tanong sa kanilang study journal.

  • Paano makapagpapalakas sa iyo sa buhay mo ngayon ang pag-unawa sa mga katangian ni Cristo na pinag-aralan mo ngayon?

  • Ano ang maaari mong gawin upang matutuhan pa ang tungkol sa mga katangiang iyon?

Sa pagtapos ng lesson, maaaring ibahagi ng ilang nakahandang estudyante ang isinulat nila kasama ang iba pang nadarama nila tungkol kay Jesucristo.