Seminary
Lesson 182—Matalinong Pamamahala ng Pinansyal na Resources: Pagsisikap na Maging Self-Reliant sa Pinansyal


“Lesson 182—Matalinong Pamamahala ng Pinansyal na Resources: Pagsisikap na Maging Self-Reliant sa Pinansyal” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Matalinong Pamamahala ng Pinansyal na Resources,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Lesson 182: Pagkakaroon ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance

Matalinong Pamamahala ng Pinansyal na Resources

Pagsisikap na Maging Self-Reliant sa Pinansyal

taong nagbibilang ng barya

Ang kabataan ay maraming pagkakataon sa hinaharap kung saan magkakaroon sila ng pinansyal na mga responsibilidad, tulad ng paglilingkod sa isang misyon, pag-aaral, o pagsisimula ng pamilya. Habang umaasa sila kay Jesucristo at sinusunod ang matalinong mga alituntunin sa pananalapi, inaanyayahan nila ang pagpapala ng Diyos na maglaan para sa kanilang mga pangangailangan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 104:15). Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan kung paano sumampalataya sa Diyos habang nagsisikap sila na maging self-reliant sa pinansyal.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Pagtingin sa hinaharap

Nang magkakapartner o sa maliliit na grupo, anyayahan ang mga estudyante na magbahagi ng mga pangunahing mithiin na maaaring mayroon sila sa susunod na 10 o 15 taon. Halimbawa, maaari nilang ibahagi kung plano nilang magmisyon, kung saan nila gustong ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral, o ang kanilang mga hangarin hinggil sa kasal at pamilya. Matapos magbahagi ang mga estudyante, maaari mong talakayin sa klase ang mga sumusunod na tanong:

  • Alin sa inyong mga mithiin ang nangangailangan ng pinansyal na paghahanda?

  • Sa inyong palagay, kailan ang pinakamainam na panahon upang simulan ang paggawa ng mga plano sa pananalapi para sa inyong hinaharap? Bakit?

    Maaari kang maghanda na maikling ibahagi ang mga karaniwang gastusin sa pagmimisyon, pag-aaral at paninirahan sa inyong lugar. (Tandaan na ang layunin ng lesson na ito ay hindi para kwentahin kung magkano ang lahat ng gagastusin kundi tulungan ang mga estudyante na matapat na umasa kay Jesucristo at malaman ang ilang pangunahing alituntunin ng pangangasiwa sa pananalapi.)

    Anyayahan ang mga estudyante na sagutin ang mga sumusunod na tanong sa kanilang study journal:

  • Gaano kalaki ang kumpiyansa mo tungkol sa iyong pinansyal sa hinaharap? Bakit?

Sa buong lesson na ito, mapanalanging hingin ang tulong ng Ama sa Langit upang maunawaan ang mga alituntunin na makatutulong sa inyo ngayon at sa hinaharap upang matalinong mapamahalaan ang inyong pananalapi.

Mga pangako mula sa Panginoon

Noong 1834, kinakapos sa salapi ang Simbahan, at isa sa mga dahilan nito ang pagtatayo ng Kirtland Temple at iba pang matwid na gawain. Pinayuhan sila ng Panginoon na naaangkop din sa atin kapag nahaharap tayo sa pinansyal na mga obligasyon sa pagkamit ng ating mga matwid na hangarin.

Basahin ang Doktrina at mga Tipan 104:13–17, 78–79. Isipin kung paano nauugnay ang mga turo ng Panginoon sa inyong pananalapi.

  • Ano ang natutuhan ninyo na maiaangkop sa ating mga pangangailangang pinansyal?

  • Anong mga salita o parirala ang makatutulong sa isang tao na magtiwala sa Panginoon habang pinamamahalaan nila ang kanilang pinansyal na resources?

    Maaaring magbahagi ang mga estudyante ng iba’t ibang ideya, kabilang na ang sumusunod na katotohanan: Ibibigay ng Panginoon ang ating mga pangangailangan kung tapat nating susundin ang Kanyang payo.

  • Bakit maaaring nakahihikayat ang katotohanang ito habang sinisikap ninyong maghanda sa pinansyal para sa inyong hinaharap?

Kung kinakailangan, tulungan ang mga estudyante na maunawaan na hindi nangangako ang Panginoon na hindi natin mararanasan ang pinansiyal na kagipitan o iba pang paghihirap. Gayunpaman, alam ng Panginoon kung ano ang kailangan natin; kapag tayo ay tapat, maglalaan Siya para sa atin ayon sa Kanyang kalooban at takdang panahon.

Ang mga alituntunin ng Panginoon sa pananalapi

Ipaliwanag na sa pamamagitan ng mga banal na kasulatan at lider ng Kanyang Simbahan, nagbigay ang Panginoon ng payo upang tulungan tayong matalinong gamitin ang ating mga pagpapala sa lupa, kabilang na ang ating pinansyal resources. Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang payo ng Panginoon, maaari mo silang anyayahang pumili ng isa sa mga sumusunod na scripture passage na pag-aaralan. Kapag tapos na sila, maaari silang magtipon kasama ang ibang estudyante na pinag-aralan ang ibang passage at ibahagi ang natutuhan nila.

Basahin ang mga sumusunod na talata at tukuyin ang mga alituntuning itinuturo ng Panginoon na makatutulong sa isang tinedyer na maghanda sa pinansyal sa kanyang hinaharap.

Kapag natapos nang magbahagi ang mga estudyante sa isa’t isa, maaari mong itanong ang tulad ng mga sumusunod:

  • Paano makatutulong sa inyo ang mga alituntuning ito sa mga banal na kasulatan na sumampalataya kay Jesucristo habang naghahanda kayo para sa inyong mga pangangailangang pinansyal?

  • Sa inyong palagay, bakit mahalagang bahagi ng pamamahala ng ating pananalapi ang pagbabayad ng ikapu? (tingnan sa Malakias 3:8–10).

  • Bukod sa pagbabayad ng ikapu, ano ang ilang paraan na maaari nating unahin ang paghahangad ng kaharian ng Diyos kaysa sa paghahangad ng mga kayamanan?

  • Paano kayo mapagpapala sa buong buhay ninyo ng pagkakaroon ng ugaling pag-iimpok ng pera habang tinedyer pa kayo?

Mga priyoridad sa pananalapi

Ang mga sumusunod na larawan ay kumakatawan sa mga pangyayari o desisyong may kaugnayan sa pananalapi. Ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga estudyante na pag-isipan ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari o desisyong ito ay makatutulong sa kanila na mahiwatigan ang mga priyoridad kapag gumagawa ng mga desisyon sa pananalapi. Maaari mong i-print ang mga larawan, gupitin ang bawat isa sa limang kategorya, at idikit ang mga ito sa pisara nang hindi sunud-sunod. Sabihin sa mga estudyante na talakayin ang sa palagay nilang dapat na pagkakasunud-sunod ng mga kategorya. Ang isa pang opsiyon ay mag-print at gumupit ng sapat na kopya ng graphic na ito na aayusin ayon sa pagkakasunud-sunod at tatalakayin nang magkakasama ng maliliit na grupo ng mga estudyante. Maaaring makatulong na ipaliwanag na bagama’t malinaw na dapat matanggap muna ang suweldo sa tunay na buhay, maraming tao ang nanghihiram at gumagastos na ng pera bago pa sumuweldo. Utang ang tawag dito, at dapat nating sikaping iwasan ito.

Bilang alternatibo, maaari mong sabihin sa mga estudyante na ilista sa pisara ang mga karaniwang gastusin nila ngayon o maaari gastusin sa hinaharap. Bilang isang klase o grupo, maaaring anyayahan ang mga estudyante na isaayos ang mga gastusin mula sa pinakamahalaga hanggang sa pinakahindi mahalaga, gamit ang mga alituntuning natutuhan nila sa naunang aktibidad sa pag-aaral ng banal na kasulatan.

larawan ng personal na pera para maging self-reliant
  • Paano ninyo ipaprayoridad ang mga kaganapan o desisyong ito tungkol sa pananalapi? Ano ang natutuhan ninyo sa mga turo ng Panginoon sa mga banal na kasulatan na susuporta sa inyong sagot?

  • Anong mga hamon ang maaaring idulot ng hindi pagkakasunod-sunod ng ating mga priyoridad sa pananalapi?

  • Ano ang maaari ninyong sabihin sa isang tao na nakadarama na dapat niyang unahing bayaran ang mga gastusin kaysa sa pagbabayad ng ikapu?

Maaari mong hilingin sa mga estudyante na ibahagi kung paano sila napagpala ng Panginoon o ang kanilang mga kapamilya nang unahin nila ang ikapu kaysa sa iba pang gastusin. Bilang isa pang halimbawa, maaari mong ibahagi ang karanasan ni Elder Valeri V. Cordón ng Pitumpu sa kanyang mensaheng “Ang Wika ng Ebanghelyo” mula sa time code na 6:10 hanggang 7:40, na makikita sa ChurchofJesusChrist.org.

12:27

Maaari mong talakayin ang pahayag sa ibaba mula kay Elder Stanley G. Ellis.

Kung makatutulong, maaari kang maglaan ng oras na turuan ang mga estudyante kung paano magbayad ng ikapu at mga handog gamit ang tithing slip o online sa donations.ChurchofJesusChrist.org.

Tinanong ni Elder Stanley G. Ellis ng Pitumpu ang sumusunod tungkol sa pagbabayad ng ikapu:

Elder Stanley G. Ellis

May pananampalataya ba tayong magtiwala sa mga pangako [ng Panginoon] tungkol sa ikapu na ang 90 porsiyento ng ating kita na dinagdagan ng tulong ng Panginoon ay mas makakabuti sa atin kaysa 100 porsiyento ng ating taunang kita na tayo lang mag-isa? (Stanley G. Ellis, “Nagtitiwala ba Tayo sa Kanya? Ang Mahirap ay Mabuti,” Liahona, Nob. 2017, 114.)

Upang maipakita sa mga estudyante ang isang halimbawa ng mga taong namumuhay ayon sa mga alituntunin sa lesson na ito, maaari mong ibahagi ang “Sedrick’s Journey” (2:32) na makikita sa ChurchofJesusChrist.org.

2:3

Maaari mong tulungan ang mga estudyante na maunawaan na ang Panginoon ay nagbigay ng mga paraan upang makatulong sa ating pananalapi sa hinaharap na hindi inilarawan sa lesson na ito. Halimbawa, maaari Niya tayong bigyan ng inspirasyon sa iba pang paraan upang kumita o mag-impok ng pera. Maaaring kausapin ng kabataan ang kanilang bishop o mga lider para sa tulong-pinansyal para sa misyon o abot-kayang mga paraan upang magpatuloy sa pag-aaral sa kolehiyo o unibersidad.

Pangwakas

Maaaring anyayahan ang mga estudyante na sagutin ang mga sumusunod na tanong sa kanilang study journal o talakayin ang mga ito sa isang kapartner:

  • Paano mo ibubuod ang natutuhan mo tungkol sa matalinong pamamahala ng iyong pananalapi o pinansyal na resources?

  • Ano ang isang bagay na sa palagay mo ay nais ng Panginoon na matutuhan mo ngayon?

Maaari mong anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi ang kanilang mga sagot. Ibahagi ang iyong patotoo tungkol sa hangarin ng Panginoon na maglaan para sa Kanyang mga Banal (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 104:15). Hikayatin ang mga estudyante na umasa sa Diyos at isali Siya sa mga desisyon tungkol sa pananalapi sa buong buhay nila.