Seminary
Pagkakaroon ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance: Buod


“Pagkakaroon ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Pagkakaroon ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Pagkakaroon ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan

Pagkakaroon ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan

Buod

Ipinahayag ng Panginoon na “layunin ko ito na maglaan para sa aking mga banal. … Subalit ito ay talagang kinakailangang magawa sa aking sariling pamamaraan” (Doktrina at mga Tipan 104:15–16). Kapag sumasampalataya tayo kay Jesucristo, inaanyayahan natin Siya na tulungan tayong maging mas self-reliant sa lahat ng aspeto ng ating buhay. Tinutulungan ni Jesucristo ang Kanyang mga Banal na magkaroon ng pag-asa sa sariling kakayahan o self-reliance upang makapaglaan para sa kanilang sarili at matutong pagpalain ang iba tulad ng Kanyang ginagawa.

Mungkahing pacing ng pagtuturo: Maaaring pinakaepektibong ituro ang mga lesson na ito ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga ito sa dokumentong ito. Ituturo ng unang dalawang lesson ang mga alituntunin ng pag-asa sa sariling kakayahan o self-reliance sa mga estudyante at makatutulong ang mga ito para mas maunawaan nila ang huling dalawang lesson. Ang pagtuturo sa unang dalawang lesson sa “Pagkakaroon ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance” sa simula ng taon ay makatutulong din na maihanda ang mga estudyante na maunawaan ang mga alituntunin na pag-aaralan nila sa lesson na “Edukasyon at Trabaho” at “Pisikal at Emosyonal na Kalusugan.”

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Pagkakaroon ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance sa Paraan ng Panginoon

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang pangangailangang magkaroon ng pag-asa sa sariling kakayahan o self-reliance sa paraan ng Panginoon.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin kung paano nila mailalarawan ang katagang pag-asa sa sariling kakayahan o self-reliance at mag-isip ng mga paraan kung paano sila matutulungan ng Panginoon na maging self-reliant sa kanilang buhay.

  • Mga larawang ipapakita: Isang isda; ilang kagamitan sa pangingisda; si Jesus na nagtatrabaho noong Kanyang kabataan

  • Handout:Pagkakaroon ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance sa Paraan ng Panginoon

Pananampalataya kay Jesucristo upang Magkaroon ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na manampalataya kay Jesucristo upang magkaroon ng self-reliance.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-alay ng personal na panalangin na humihiling sa Ama sa Langit na tulungan silang matukoy ang isang aspeto ng kanilang buhay kung saan maaari silang maging mas self-reliant.

  • Video:Si Cristo ay Nagbangon; Ang Pananampalataya sa Kanya ay Makapagpapalipat ng mga Bundok” (16:22; panoorin mula sa time code na 5:24 hanggang 6:08)

  • Materyal na ipapakita: Pahayag ni Bishop W. Christopher Waddell

Matalinong Pamamahala ng Pinansyal na Resources

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano manampalataya sa Diyos habang nagsisikap sila na maging self-reliant sa pinansyal.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na magsulat ng mahahalagang bagay na inaasam nilang maisakatuparan sa kanilang hinaharap na mangangailangan ng pera. Sabihin sa kanila na pagnilayan ang kanilang plano na maging handa sa pinansyal para sa mga bagay na ito o ang mga tanong na maaaring mayroon sila tungkol sa kanilang pinansyal na paghahanda.

  • Impormasyon para sa mga estudyante: Mga karaniwang gastusin sa pagmimisyon at pagpapatuloy ng pag-aaral pagkatapos ng high school, pati na rin ang mga pangunahing gastusin sa paninirahan sa inyong lugar

  • Mga Materyal: Mga kopya ng graphic na nagpapakita ng mga alituntunin ng financial sequencing o ang pagkakasunud-sunod ng pangyayari o desisyon na nauugnay sa paggawa ng mga desisyon sa pananalapi

  • Mga Video:Ang Wika ng Ebanghelyo” (12:27; panoorin mula sa time code na 6:10 hanggang 7:40); “Sedrick’s Journey” (2:32)

Ang Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance ay Nagbibigay-daan sa Atin na Mas Mapangalagaan ang Iba

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano nagbibigay-daan sa kanila ang pagiging self-reliant na mas matularan ang halimbawa ng Tagapagligtas sa pagtulong sa iba.