Lesson 180—Pagkakaroon ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance sa Pamamaraan ng Panginoon: Tayo ay Napagpapala sa Temporal at Espirituwal na Paraan ng Pagkakaroon ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
“Lesson 180—Pagkakaroon ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance sa Pamamaraan ng Panginoon: Tayo ay Napagpapala sa Temporal at Espirituwal na Paraan ng Pagkakaroon ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Pagkakaroon ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance sa Pamamaraan ng Panginoon,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Lesson 180: Pagkakaroon ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Pagkakaroon ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance sa Pamamaraan ng Panginoon
Tayo ay Napagpapala sa Temporal at Espirituwal na Paraan ng Pagkakaroon ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Ipinahayag ng Panginoon, “Layunin ko ito na maglaan para sa aking mga banal. … Subalit ito ay talagang kinakailangang magawa sa aking sariling pamamaraan” (Doktrina at mga Tipan 104:15–16). Tinutulungan ni Jesucristo ang Kanyang mga Banal na maging self-reliant upang makapaglaan sila para sa kanilang sarili at matutong pagpalain ang iba tulad ng Kanyang ginagawa. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang pangangailangang magkaroon ng self-reliance sa paraan ng Panginoon.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Pag-asa sa sariling kakayahan o Self-reliance
Ipinaliwanag ni Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008) ang kahalagahan ng pagkatutong maglaan para sa ating sarili:
May isang lumang kasabihan na kung bibigyan mo ng isda ang isang tao, may pagkain siya sa loob ng isang araw. Ngunit kung tuturuan mo siyang mangisda, may pagkain siya habang siya ay nabubuhay. (Gordon B. Hinckley, “The Perpetual Education Fund,” Ensign, Mayo 2001, 52)
Itinuro ng Unang Panguluhan ang sumusunod tungkol sa self-reliance:
Ipinahayag ng Panginoon, “Layunin ko ito na maglaan para sa aking mga banal” [Doktrina at mga Tipan 104:15]. Ang paghahayag na ito ay isang pangako mula sa Panginoon na magbibigay Siya ng mga temporal na biyaya at mga oportunidad para maging self-reliant, na ibig sabihin ay kaya nating tustusan ang mga pangangailangan natin at ng ating pamilya sa buhay na ito. …
Magtiwala na kayo ay anak ng ating Ama sa Langit. Mahal Niya kayo at hindi Niya kayo pababayaan. Kilala Niya kayo at handa Siya na ipagkaloob sa inyo ang mga espirituwal at temporal na biyaya ng self-reliance. (Ang Unang Panguluhan, sa My Foundation for Self-Reliance [2016], 3)
Ano ang natutuhan mo mula sa mga pahayag na ito tungkol sa self-reliance?
Sa iyong palagay, bakit mahalagang maunawaan na masanay na maging self-reliant habang ikaw ay bata pa?
Kung may taong nahihirapan sa ideya na maging self-reliant, ano ang maipapaalala mo sa kanya tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo na makapagbibigay sa kanya ng pag-asa?
Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa isa sa mga paksang ito: edukasyon, kalusugan, trabaho, pananalapi, o espirituwal na lakas:
Paano mo mailalarawan ang isang taong self-reliant sa aspektong iyon?
Paano sisimulan ng isang tinedyer na masanay na maging self-reliant sa aspektong iyon? Paano niya maaaring anyayahan ang Panginoon na tulungan siya?
Ano ang maitutulong ng pagkatuto na gumawa ng mas maraming bagay para sa ating sarili sa aspektong ito?
Self-reliance sa pamamaraan ng Panginoon
Umunlad ang Tagapagligtas nang biyaya sa biyaya
Basahin ang Doktrina at mga Tipan 93:11–13, at alamin ang itinuro ni Juan Bautista tungkol sa Pag-unlad ng Tagapagligtas. (Isang bahagi ng mga isinulat ni Juan Bautista ang inihayag kay Joseph Smith at nakatala sa bahagi 93.)
Sa iyong palagay, ano ang ibig sabihin na ang Tagapagligtas ay “nagpatuloy nang biyaya sa biyaya”? (talata 13).
Paano makatutulong sa iyo ang halimbawa ng Tagapagligtas na magpatuloy nang biyaya sa biyaya sa pagsisikap mong magkaroon ng espirituwal at temporal na self-reliance?
Pagkakaroon ng self-reliance sa sarili mong buhay
Gaano ako kakumpiyansa sa pagiging self-reliant sa iba’t ibang aspekto ng buhay ko?
Bakit makatutulong na magsimulang magkaroon ng kakayahang tustusan ang aking sarili sa mga aspektong ito?
Paano ko maisasama ang Panginoon sa pagsasanay ko na maging self-reliant sa aking buhay?