Lesson 192—Edukasyon para sa Buong Kaluluwa: Paghahangad ng Espirituwal at Sekular na Edukasyon
“Lesson 192—Edukasyon para sa Buong Kaluluwa: Paghahangad ng Espirituwal at Sekular na Edukasyon,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Edukasyon para sa Buong Kaluluwa,“ Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Lesson 192: Paghahanda para sa Edukasyon at Trabaho sa Hinaharap
Edukasyon para sa Buong Kaluluwa
Paghahangad ng Espirituwal at Sekular na Edukasyon
Inaanyayahan tayo ng Panginoon na magsumikap na makamit ang espirituwal at sekular na edukasyon “upang [tayo] ay maging handa sa lahat ng bagay” (Doktrina at mga Tipan 88:80). Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na gumawa ng plano para maipagpatuloy ang kanilang edukasyong panrelihiyon habang tinatamo ang kanilang sekular na edukasyon sa hinaharap.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Maglaan ng oras para sa Panginoon sa inyong pag-aaral
Isipin kunwari na sinabi mo sa isa sa mga kaibigan mo na dumadalo ka sa seminary. Pagkatapos mong ipaliwanag kung ano ang seminary, itinanong ng kaibigan mo, “Bakit nanaisin ng isang tao na maglaan ng oras para sa ganoong klase?”
Ano ang ibabahagi mo sa iyong kaibigan?
Paano kayo pinagpala sa paglalaan ng oras para sa Panginoon sa inyong pag-aaral sa pamamagitan ng pagdalo sa seminary?
Paano nakagawa ng kaibhan ang pagdalo ninyo sa seminary sa inyong akademikong pag-aaral?
Ang kahalagahan ng espirituwal na pagkatuto
Sa Doktrina at mga Tipan, itinuturo ng Panginoon na dapat nating matutuhan ang maraming paksa ng kaalaman upang maging handa tayong maglingkod sa iba. Basahin ang Doktrina at mga Tipan 88:78–80, 118, at alamin ang payo ng Panginoon.
Batay sa natutuhan ninyo sa mga talatang ito, ano ang iniuutos ng Panginoon na matutuhan natin para maging handa tayong maglingkod sa iba?
Ano ang sasabihin ninyo sa isang tao na nakadaramang wala siyang oras para sa edukasyong panrelihiyon dahil masyado siyang nakatuon sa kanyang sekular na edukasyon?
Paano mapatitibay ng pagtuon sa edukasyong panrelihiyon kasabay ng iba pa ninyong akademikong pag-aaral ang inyong ugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?
Inilarawan ni Pangulong Henry B. Eyring ng Unang Panguluhan ang mga pagpapalang mararanasan natin kapag nagsikap tayong balansehin ang espirituwal at sekular na pag-aaral:
Dapat nating unahing matutuhan ang mga bagay na espirituwal. … Ang unahing matutuhan ang mga bagay na espirituwal ay hindi nag-aalis sa atin sa pag-aaral ng mga sekular na bagay. Sa halip, ito ang nagbibigay sa atin ng layuning pag-aralan ang mga sekular na bagay at hinihikayat tayong pagsikapan pa ito.
Para mabigyan ng tamang priyoridad ang espirituwal na pag-aaral, kailangan nating gumawa ng ilang mahihirap na desisyon kung paano gagamitin ang ating oras. Ngunit hindi dapat sadyain na hindi unahin ang espirituwal na pag-aaral bilang huwaran ng ating buhay. Huwag itong gawin kailanman. Hahantong iyan sa kapahamakan. Ang trahedya ay maaaring hindi malinaw sa una, ni hindi rin ito malinaw sa buhay na ito. Ngunit tandaan, interesado kayong matuto, hindi lamang para sa buhay na ito kundi para sa buhay na walang hanggan. Kapag malinaw ninyong naunawaan ang espirituwal na kahalagahan ng pagkatuto, uunahin ninyo ang espirituwal na pagkatuto nang hindi kinaliligtaan ang sekular na pagkatuto. Katunayan, mas mahihirapan kayo sa inyong sekular na pag-aaral kung wala ang espirituwal na pananaw na iyan. (Henry B. Eyring, “Education for Real Life,” Ensign, Okt. 2002, 17–18).
Mga opsiyon para sa edukasyong panrelihiyon sa Church Educational System
Biniyayaan tayo ng Ama sa Langit ng mga institusyong itinataguyod ng Simbahan na makatutulong sa atin na bigyang-priyoridad ang espirituwal na pagkatuto. Ang mga inspiradong institusyong ito ay nilikha upang pagpalain ang mga anak ng Diyos.
Tinukoy na Lugar sa Heograpiya
Mga Institusyon ng Church Educational System (CES)
Tinukoy na Lugar sa Heograpiya
Pandaigdigan
Mga Institusyon ng Church Educational System (CES)
Institute of Religion; BYU–Pathway Worldwide
Tinukoy na Lugar sa Heograpiya
Estados Unidos at Canada
Mga Institusyon ng Church Educational System (CES)
Brigham Young University; BYU–Idaho
Tinukoy na Lugar sa Heograpiya
Asia at Pacific Islands
Mga Institusyon ng Church Educational System (CES)
BYU–Hawaii
Tinukoy na Lugar sa Heograpiya
Utah at mga karatig na estado
Mga Institusyon ng Church Educational System (CES)
Ensign College
Anong mga ideya ang nakuha ninyo habang pinag-aaralan ninyo ang mga opsiyong ito?
Anong katibayan ang nakita ninyo tungkol sa pagmamahal at hangarin ng Diyos para sa Kanyang mga anak?
May mga tanong pa ba kayo?
Gumawa ng plano
Gumawa ng plano para bigyang-priyoridad ang inyong espirituwal na edukasyon ngayon at sa hinaharap.
Kung mayroon pa kayong natitirang ilang taon sa seminary, magsulat ng isang mithiin upang patuloy na bigyang-priyoridad ang espirituwal na edukasyon.
Kung malapit na kayong magtapos sa seminary, isulat kung ano ang susunod ninyong hakbang.
Paano kayo matutulungan ng inyong plano na patuloy na mas mapalapit sa Tagapagligtas?