“Paghahanda para sa Edukasyon at Trabaho sa Hinaharap: Buod,“ Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Paghahanda para sa Edukasyon at Trabaho sa Hinaharap,“ Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Paghahanda para sa Edukasyon at Trabaho sa Hinaharap
Paghahanda para sa Edukasyon at Trabaho sa Hinaharap
Buod
Iniutos sa atin ng Panginoon na maghangad na matuto at mag-aral. Tinutulungan tayo nito na maging mas katulad Niya at inihahanda nito tayo para sa mga oportunidad sa hinaharap. Sa pamamagitan ng Church Educational System, nakapagbibigay ang Panginoon ng mga opsiyon na makatutulong sa atin na unahin ang espirituwal na pagkatuto habang tayo ay nag-aaral. Sa tulong Niya, makapaghahanda at makagagawa tayo ng mga plano para sa edukasyon at trabaho.
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Ang Kahalagahan ng Edukasyon
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng edukasyon.
-
Paghahanda ng mga estudyante: Sabihin sa mga estudyante na makipag-usap sa isang nakatatanda o lider tungkol sa kahalagahan ng edukasyon. Maaari nilang pag-usapan ang mga oportunidad sa pag-aaral na pinakamahalaga sa kanila at bakit.
-
Handout: “Ang Kahalagahan ng Edukasyon”
Edukasyon para sa Buong Kaluluwa
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na gumawa ng plano para maipagpatuloy ang edukasyong panrelihiyon habang nagpupursigi para sa kanilang sekular na edukasyon sa hinaharap.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isulat ang kanilang mga kasalukuyang plano at mithiin sa pag-aaral. Sabihin sa kanila na isipin kung paano nila pinaplanong isali ang Panginoon habang nagpupursigi sila para sa mga opsiyong ito.
-
Video: “The Growth and Momentum of the Church Educational System“ (5:25)
-
Mga Handout: “Aling Institusyon ng CES ang Angkop para sa Akin?” at “Church Educational System”
Pagtuklas sa Iyong mga Kalakasan at Kakayahan
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maghanda para sa mga tungkulin at trabaho sa hinaharap sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga kasalukuyang kalakasan at kakayahan na kailangan nilang paunlarin.
-
Paghahanda ng mga estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na tukuyin ang mga kalakasan at kakayahan na mayroon sila na makapaghahanda sa kanila sa mga tungkulin at propesyon sa hinaharap. Magagawa nila ito sa pamamagitan ng pagbabasa ng kanilang patriarchal blessing o paghingi ng payo sa mga miyembro ng pamilya.
Pagpapaunlad ng mga Kasanayan at Kakayahan
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na gumawa ng plano para paunlarin ang mga kasanayan at kakayahan na maghahanda sa kanila para sa trabaho at iba pang tungkulin sa hinaharap.
Paghahanda ng mga estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga kasanayan at kakayahan na maaaring kailangan nilang paunlarin para sa trabaho o mga tungkulin sa hinaharap. Maaari nilang banggitin ang mga tinukoy nila sa lesson na may pamagat na “Pagtuklas sa Iyong mga Kalakasan at Kakayahan.” Sabihin sa kanila na isipin ang mga paraan kung paano nila mapapaunlad ang mga kasanayan o kakayahan na ito sa kanilang kabataan.
-
Mga Larawan: Dalawang tinedyer; isang graph na may mga linya na papunta sa iba‘t ibang direksyon
-
Mga Video: “Mas May Mararating kay Cristo: Ang Talinghaga ng Slope” (10:01; panoorin mula sa time code na 2:05 hanggang 3:18); “Faith and the Goal” (4:40); Small and Simple” (3:31)
-
Handout: “Pagpapaunlad ng mga Kasanayan at Kakayahan“