“Lesson 190—Pagbuo ng Matitibay na Ugnayan: Pagbuo ng Matitibay na Koneksyon sa Pamilya at mga Kaibigan,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Pagbuo ng Matitibay na Ugnayan“ Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Lesson 190—Pisikal at Emosyonal na Kalusugan
Pagbuo ng Matitibay na Ugnayan
Pagbuo ng Matitibay na Koneksyon sa Pamilya at mga Kaibigan
Nais ng Ama sa Langit na mahalin natin Siya at ang mga tao sa paligid natin. Kapag nagkaroon tayo ng malalapit na koneksyon sa pamilya at mga kaibigan, mapagpapala tayo ng kinakailangang kapanatagan, lakas, at suporta sa payapa at mahirap na panahon. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na hingin ang tulong ng Panginoon upang makabuo ng mga ugnayan na nakapag-aambag sa kanilang pangkalahatang kalusugan at kapakanan.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ilista sa pisara ang mga bagay na sa palagay nila ay pinakamahalaga sa buhay.
Ipakita ang sumusunod na pahayag, at ipabasa ito sa isang estudyante.
Nagturo si Pangulong Dieter F. Uchtdorf, na noon ay miyembro ng Unang Panguluhan, tungkol sa mga bagay na pinakamahalaga:
2:3
If life and its rushed pace and many stresses have made it difficult for you to feel like rejoicing, then perhaps now is a good time to refocus on what matters most.
Sa pagbaling natin sa ating Ama sa Langit at paghangad sa Kanyang karunungan tungkol sa mga bagay na pinakamahalaga, natututuhan natin nang paulit-ulit ang kahalagahan ng apat na pangunahing pakikipag-ugnayan: sa ating Diyos, sa ating pamilya, sa ating kapwa, at sa ating sarili. (Dieter F. Uchtdorf, “Sa mga Bagay na Pinakamahalaga ,” Liahona , Nob. 2010, 21)
Sabihin sa mga estudyante na bilugan ang mga pariralang isinulat nila sa pisara na nagpapakita na ang ating ugnayan sa Diyos at sa iba ay kabilang sa mga bagay na pinakamahalaga sa buhay. Kung kinakailangan, idagdag ang “ating ugnayan sa Diyos at sa iba“ sa listahan sa pisara.
Ipaliwanag na ang lesson na ito ay magtutuon sa ating ugnayan sa iba. Sabihin sa mga estudyante na isipin ang ilan sa kanilang mga kasalukuyang ugnayan at kung mas inilalapit sila ng mga ugnayang ito sa Diyos at binibigyan sila ng lakas at suportang kailangan nila sa kanilang buhay. Maaari din nilang pagnilayan kung paano nais ng Panginoon na patibayin nila ang mga kasalukuyang ugnayan o magkaroon ng mga bagong ugnayan.
Ipamahagi ang handout na may pamagat na “Mga Halimbawa ng mga Makabuluhang Ugnayan sa Kasaysayan ng Simbahan at Doktrina at mga Tipan,” at sabihin sa mga estudyante na maghanap ng katibayan ng sumusunod na katotohanan: Ang isang paraan na mapagpapala ng Diyos ang ating buhay at mapalalakas ang ating pananampalataya ay sa pamamagitan ng mga makabuluhang ugnayan sa iba. (Maaari mong isulat sa pisara ang katotohanang ito.)
Mag-isip ng mga paraan upang matulungan ang mga estudyante na gamitin ang handout. Ang isang paraan ay hatiin sila sa mga grupo na may tigtatatlong miyembro at atasan ang bawat miyembro ng grupo na pag-aralan ang isa sa mga halimbawa sa handout. Kapag natapos nang pag-aralan ng mga estudyante ang kanilang halimbawa, hikayatin silang magsalitan sa pagbabahagi sa kanilang grupo ng natutuhan nila tungkol sa kung paano tayo mapagpapala ng Diyos sa pamamagitan ng ating mga ugnayan sa iba.
Matapos siyang bumisita sa Burol ng Cumorah noong Setyembre 1823, nagbahagi si Joseph Smith ng mga detalye tungkol sa kanyang karanasan at sa mga pagdalaw ng anghel na si Moroni sa kanyang pamilya. Patuloy na ibinahagi ni Joseph ang kanyang mga karanasan at pangitain sa mga taong pinakamalapit sa kanya. Sa paggunita sa mga sagradong karanasang ito, itinala ng ina ng Propeta na si Lucy Mack Smith ang sumusunod:
Tinitipon namin ang mga bata tuwing gabi. Sa palagay ko ang pamilya lang namin ang gumagawa nang gayon sa buong mundo, lahat ay nauupo nang pabilog, ama, ina, mga anak na lalaki at babae ay nagbibigay ng matamang pansin sa pagtuturo ng isang batang lalaki. …
… Ang pinakamatamis na ugnayan at kaligayahan ay namayani sa aming tahanan. Walang pagtatalo ni alitan na gumambala sa aming katahimikan, at kapayapaan ang naghari sa amin. (Lucy Mack Smith, sa Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith [2007], 569 )
Ano ang pinakanapansin mo tungkol sa pamilya Smith mula sa salaysay na ito?
Paano maaaring tinulungan ng nadamang pagmamahal ni Joseph sa tahanan na magampanan niya ang kanyang mahalagang tungkulin?
Ano ang natututuhan mo mula sa halimbawang ito tungkol sa kung paano ka mapagpapala ng Diyos, o paano mo matutulungang pagpalain ang iba, sa pamamagitan ng mga makabuluhang ugnayan?
Habang naninirahan sa Nauvoo, Illinois, pinagnilayan ni Joseph Smith ang mga pakinabang ng mga makabuluhang ugnayan:
Ituturing kong isa sa pinakamalalaking pagpapala, kung ako ay pahirapan sa mundong ito, na ako sana ay itadhana sa lugar kung saan mapalilibutan ako ng aking mga kapatid at kaibigan. (Mga Turo: Joseph Smith , 546 )
Sabihin sa mga estudyante na ibahagi sa klase ang natutuhan nila at kung paano tayo mapagpapala ng Diyos sa pamamagitan ng ating mga ugnayan.
Ano ang natutuhan ninyo tungkol sa kahalagahan ng pagbuo ng mga makabuluhang ugnayan sa iba sa inyong buhay?
Paano nakaaapekto sa ating ugnayan sa Diyos at sa ating pangkalahatang kalusugan at kapakanan ang pagbuo at pagpapatibay ng ugnayan natin sa iba?
Maaari kang mag-ukol ng oras sa pagtalakay sa mga kasanayan sa pagbuo ng ugnayan. Maaari kang magbigay ng blangkong piraso ng papel para sa bawat estudyante. Hikayatin silang magsulat ng kahit isang bagay na makatutulong sa isang tao na magkaroon o makapagpatibay ng ugnayan sa ibang tao. Kolektahin ang mga piraso ng papel at basahin nang malakas ang ilan sa mga ito sa klase. Kung kinakailangan, talakayin ang ilan o ang lahat ng sumusunod na ideya sa mga estudyante.
Maghanap ng mga magkakaparehong interes.
Alamin at gamitin ang mga pangalan ng mga tao.
Ngumiti.
Makinig nang mabuti habang nagsasalita ang iba.
Taos-pusong igalang at purihin ang mga tao.
Iwasan ang panghuhusga o paghahanap ng mali.
Magpakita ng tunay na interes.
Ipagdasal ang mga tao sa kanilang pangalan.
Hangarin na magkaroon ng pag-ibig sa kapwa.
Maging mapagtiis.
Maghanap ng mga pagkakataon upang makapaglingkod.
Maaari mong bigyan ng oras sa klase ang mga estudyante upang mapraktis ang ilan sa mga kasanayang ito sa pagbuo ng ugnayan. Ang sumusunod na halimbawa ay maaaring makatulong kung hindi gaanong alam ng mga estudyante ang pangalan ng isa’t isa. Kung alam na ng iyong mga estudyante ang pangalan ng isa’t isa, maaari kang pumili ng ibang kasanayang papraktisin nila.
Bigyang-kahulugan: Ipaliwanag na ang paggamit ng mga pangalan ng mga tao ay isang kapaki-pakinabang na kasanayan sa pagbuo ng matitibay na ugnayan. Ipaliwanag na tinatawag tayo ng Panginoon sa ating mga pangalan (tingnan sa Genesis 35:10 ; Lucas 19:5 ; Enos 1:5 ; Joseph Smith—Kasaysayan 1:17 ). Maaari mong itanong sa mga estudyante kung ano ang nadarama nila kapag kilala at tinatawag sila ng iba sa kanilang pangalan.
Ipakita: Sabihin sa mga estudyante na hahamunin silang alamin ang pangalan ng isa’t isa at tawagin ang isa’t isa sa pangalan. Ipaliwanag na ang isang paraan upang maalala ang mga pangalan ng mga tao ay isulat at rebyuhin ang mga ito. Habang binabanggit mo ang pangalan ng bawat miyembro ng klase, sabihin sa mga estudyante na isulat ang anumang pangalan na hindi nila kilala.
Makatutulong din na itanong sa mga estudyante kung ano ang humahadlang sa kanila sa pag-alala sa mga pangalan ng mga tao at kung paano nila madaraig ang mga balakid na ito.
Magsanay: Bigyan ang mga estudyante ng ilang minuto upang balikan ang mga pangalang isinulat nila. Pagkatapos ay hayaan silang magsanay. Maaari mo silang pagpartner-partnerin at tingnan kung magtutulungan sila na mabanggit ang pangalan ng lahat sa klase. Itanong kung sino ang may kayang magbanggit ng pangalan ng lahat sa klase nang mag-isa, at kung magagawa ito ng isang tao, anyayahan siyang gawin ito. Kung naaangkop ang isang karagdagang hamon, sabihin sa mga estudyante na lumipat ng upuan, at pagkatapos ay tingnan kung magagawa pa ring banggitin ng mga estudyante ang pangalan ng lahat.
Kung may oras pa, pumili ng karagdagang kasanayan. Halimbawa, sabihin sa mga estudyante na maghanap ng mga bagay na kapareho nila sa iba. Maaari silang makipagpartner sa isang tao sa silid na hindi nila karaniwang nakakasalamuha at tanungin ang isa’t isa upang makatuklas ng mga magkaparehong interes. Pagkatapos ay maaari silang lumapit sa isa pang estudyante upang gawin itong muli. (Para pagsamahin ang dalawang kasanayan, hikayatin ang mga estudyante na tawagin ang isa’t isa sa pangalan habang isinasagawa ang proseso.)
Maaari mong patotohanan ang pagmamahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo para sa bawat estudyante. Magpatotoo na mapagpapala at mapapalakas ng Diyos ang kanilang buhay sa pamamagitan ng mga makabuluhang ugnayan na hangad nilang buuin at pangalagaan. Maaari ka ring magbahagi ng isang halimbawa na napagpala at napalakas ka dahil sa ugnayan sa sarili mong buhay.
Sabihin sa mga estudyante na hingin ang patnubay ng Espiritu Santo upang magawa ang mga sumusunod:
Isipin kung paano ka maaaring tulungan ng Panginoon na patatagin ang isang kasalukuyang ugnayan o magkaroon ng bagong ugnayan. Gamit ang natutuhan mo ngayon, gumawa ng plano upang mapalalim ang iyong koneksyon sa taong ito. Isama kung paano ka babaling sa Panginoon para humingi ng tulong sa prosesong ito.
Ang bahaging “Matuto “ ng kabanata 8 sa manwal na Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Emosyonal na Katatagan (2021) ay nagbibigay ng mga ideya at mungkahi para sa pagpapatibay ng ugnayan.
Ang video na “Enduring Love ” (4:16) ay naglalarawan ng kahalagahan ng pag-ibig sa kapwa at pagtitiis sa ating mga ugnayan sa pamilya.
4:12
Watch how this couple demonstrates pure love and service in their marriage—even though they have to endure debilitating physical adversity.
Ang artikulong “Pagbubuo ng mga Makabuluhang Relasyon ” mula sa Agosto 2018, Liahona (pahina 6–9) ay nagtatampok ng mga praktikal na paraan upang makabuo ng mas matitibay na pakikipag-ugnayan sa mga tao sa iyong buhay.
Ang mga artikulong “Ang Halimbawa ng Tagapagligtas sa Pakikipagkaibigan ” at “Why We Should Stop Trying to Avoid Each Other ” mula sa Disyembre 2019, Liahona (pahina 74–79) ay nagbibigay ng tulong para sa pagpapatibay ng mga ugnayan sa iba at pagdaig sa pakiramdam na pagiging mag-isa.
Ipinaliwanag ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf, na noon ay kabilang sa Unang Panguluhan:
2:3
If life and its rushed pace and many stresses have made it difficult for you to feel like rejoicing, then perhaps now is a good time to refocus on what matters most.
Binubuo natin ang pakikipag-ugnayang ito [sa ating kapwa] sa isang tao sa isang pagkakataon—sa pamamagitan ng pagiging sensitibo sa pangangailangan ng iba, paglilingkod sa kanila, at pagbibigay ng ating oras at talento. Lubos akong humanga sa isang sister na may edad na at may sakit ngunit nagpasiya na bagama’t wala siyang sapat na maitutulong, ay maaari naman siyang makinig. Kaya bawat linggo humahanap siya ng mga taong nababagabag o pinanghihinaan ng loob, nag-uukol ng oras na pakinggan sila. Naging pagpapala siya sa buhay ng maraming tao. (Dieter F. Uchtdorf, “Sa mga Bagay na Pinakamahalaga ,” Liahona , Nob. 2010, 22)
Itinuro ni Pangulong Henry B. Eyring ng Unang Panguluhan:
2:3
Itinuro sa atin ni Pangulong Eyring na tutulungan tayo ng Tagapagligtas sa ating mga pagsubok at tataglayin natin ang Kanyang pangalan sa ating sarili kapag nanalangin tayo para sa Kanyang pagmamahal at ibinahagi ito sa iba.
Maraming taon na ang nakalipas, naging unang tagapayo ako sa district president sa silangang Estados Unidos. Hindi lang minsan, habang papunta kami sa aming maliit na mga branch, na sinabi niya sa akin, “Hal, kapag may tao kang kausap, isipin mo na parang may matindi siyang problema, at kadalasan ay magiging tama ka.” Hindi lang siya tama, ngunit nalaman ko sa nakaraang mga taon na masyadong mababa ang kanyang kalkulasyon. (Henry B. Eyring, “Sikapin, Sikapin, Sikapin ,” Liahona , Nob. 2018, 90).
2:45
President Russell M. Nelson urged youth assembled in the visitors’ center in Palmyra to be a better example in family relationships by making themselves more pleasant to be around.
Habang tinatalakay ng mga estudyante ang mga ideya at kasanayan upang matulungan silang makabuo ng mga makabuluhang ugnayan sa iba, maaari mong ipanood ang video na “Improve Family Relationships by Being More Pleasant, Urged President Nelsonn ” (2:45). Pagkatapos ng video, sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang natutuhan nila mula kay Pangulong Russell M. Nelson at sa mga kabataan sa Palmyra, New York, visitors’ center.
Ang isang paraan upang makabuo ng mas matitibay na koneksyon ay ang iwasang maging mapanghusga. Kung makikinabang ang mga estudyante sa pagpapraktis ng mga kasanayan upang matulungan sila na maiwasan ang panghuhusga, isaalang-alang ang sumusunod na aktibidad:
Isaayos ang mga estudyante sa maliliit na grupo at hikayatin silang mag-isip ng mga maling pagkaunawa o panghuhusga na maaaring gawin ng mga tinedyer sa iba. Paalalahanan ang mga estudyante na huwag tukuyin ang mga partikular na taong kilala nila o sitwasyong maaaring alam nila. Ipakita ang mga sumusunod na pahayag at sabihin sa bawat grupo na talakayin kung paano makatutulong ang isa o mahigit pa sa mga pahayag na ito upang madaig ng mga tinedyer ang tuksong husgahan ang iba.
“Sila rin ay anak na lalaki o anak na babae ng Ama sa Langit.”
“Marahil ay ginagawa nila ang lahat ng makakaya nila.”
“Maaaring may pinagdadaanan sila na mga bagay na hindi ko alam.”
“Mas magkatulad tayo kaysa magkaiba.”
“Lahat ay may mga kalakasan at kahinaan.”
“Mahal sila ng Tagapagligtas at nais Niya ang pinakamabuti para sa kanila.”
Kapag tapos nang talakayin ng mga estudyante ang mga pahayag, maaari mong itanong ang ilang bagay na tulad ng sumusunod:
Paano makatutulong sa atin na maging higit na katulad ni Jesucristo ang pag-iwas sa tuksong husgahan ang iba?
Paano napapatibay ng positibong pag-iisip tungkol sa iba at pag-iwas sa panghuhusga ang ating mga ugnayan?
Kung makikinabang ang mga estudyante sa pag-aaral tungkol sa maayos na paglutas sa pagtatalo, maaari mong ipakita o ibuod ang sumusunod na impormasyon:
Ang hindi pagkakasundo at hindi pagkakaunawaan ay likas na bahagi ng ugnayan. Maaaring mangyari ito dahil sa mga pagkakaiba sa mga pinahahalagahan, opinyon, pananaw, motibasyon, hangarin, at ideya. Ang matutuhang pag-usapan ang mga pagkakaibang ito sa mabuting paraan ay magpapatatag sa inyong ugnayan sa iba. …
Kapag may mga personal na pagkakaiba, maaaring mahirapan kayong iparating nang malinaw ang inyong panig nang hindi tumitindi ang pagtatalo. Ang paggamit ng “ako” sa pakikipag-usap ay makatutulong sa inyo na maipahayag ang inyong mga alalahanin, damdamin, at pangangailangan sa paraang mas madaling pakinggan at maunawaan ng nakikinig. Ang paggamit ng “Ako” sa mensahe ay nakatuon sa sarili mong damdamin at karanasan sa halip na sa iyong pananaw tungkol sa nagawa o hindi ginawa ng ibang tao.
Ang unang bahagi ng “ako” sa mensahe ay naglalarawan at nagpapahayag ng sarili mong damdamin, na mahalaga sa pagtugon sa mga pagtatalo o hindi pagkakasundo. Nakatutulong ito para mabawasan ang pagiging depensibo at nagiging mas madaling pakinggan ang isa’t isa. (Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin [2021], 136 )
Upang mailarawan ang alituntuning ito, maaari mong ibahagi ang mga sumusunod na halimbawa o anyayahan ang mga estudyante na mag-isip ng sarili nilang mga halimbawa:
Mga Halimbawa ng paggamit ng “Ikaw/ka/mo” na Mensahe
Mga Halimbawa ng paggamit ng “Ako/ko” na Mensahe
“Hindi mo ako kailanman pinapakinggan o sinusubukang unawain.”
“Pakiramdam ko hindi ako naririnig o nauunawaan.”
“Hindi mo talaga pinag-iisipan o dinadama ang mga kaloob o ginagawa mo.”
“Pakiramdam ko ay hindi ako mahalaga at napapabayaan.”
Pagpartner-partnerin ang mga estudyante at ipakita ang sumusunod na aktibidad:
Hakbang 1: Magpasiya kung sino ang magiging partner 1 at sino ang magiging partner 2. Ang partner 1 ay magsisimula sa pag-iisip ng ilang karaniwang “ikaw/ka/mo” na mensahe na naririnig niya. Ang gagawin naman ng partner 2 ay babaguhin ang “ikaw/ka/mo” na mensahe at gagawing “ako/ko” na mensahe.
Hakbang 2: Magpalitan ang partner 1 at 2, at ulitin ang hakbang 1.
Hakbang 3: Magkasamang mag-isip ng ilang mabuting hakbang na gagawin ninyo kapag ang “ako/ko” na mensahe ay hindi tinanggap gaya ng inaasahan.
Sa pagtatapos ng klase, sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang natutuhan nila mula sa aktibidad at kung paano nila magagamit ang ilan sa mga kasanayang ito sa kanilang mga kaibigan at kapamilya.