Seminary
Pisikal at Emosyonal na Kalusugan: Buod


“Pisikal at Emosyonal na Kalusugan: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Pisikal at Emosyonal na Kalusugan,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Pisikal at Emosyonal na Kalusugan

Pisikal at Emosyonal na Kalusugan

Buod

Habang tayo ay nabubuhay, nahaharap tayo sa maraming sitwasyon na mahirap sa damdamin. Maaari tayong humingi ng tulong sa Panginoon upang maging mas matatag ang ating damdamin. Ang mga sumusunod na lesson ay naghihikayat sa mga estudyante na pangalagaan ang kanilang pisikal na katawan; magkaroon ng mabubuting paraan ng pag-iisip; hingin ang tulong ng Panginoon kapag nakadarama ng stress, pagkabalisa, kalungkutan, at depresyon; at bumuo ng mga ugnayan at patatagin ang mga ito.

Mungkahi sa pacing ng pagtuturo: Ang mga lesson na ito ay maaaring ituro sa anumang araw sa school year o sa anumang linggo sa pacing ng pagtuturo ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin. Gayunpaman, makabubuting ituro ang “Pagkakaroon ng Katatagan ng Damdamin sa Panginoon” at mga sumusunod na lesson nang halos magkakasunod. Mas matutulungan nito ang mga estudyante na matutuhan at mapraktis ang mga kasanayan na partikular sa mga lesson na ito.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Pangangalaga sa Ating Pisikal na Katawan

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na magpakita ng pasasalamat sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa pamamagitan ng pangangalaga sa kanilang pisikal na katawan.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na isipin kung ano ang nadarama nila tungkol sa kanilang katawan at kung ano ang ginagawa nila upang mapangalagaan ito. Maaari din nilang pagnilayan kung paano nakaaapekto ang kanilang mga pag-uugali at ginagawa sa kanilang pisikal na katawan sa kanilang kaligayahan, lakas, pagiging produktibo, at ugnayan sa Diyos.

  • Handout:Pangangalaga sa Ating Pisikal na Katawan

Pagkakaroon ng Katatagan ng Damdamin sa Panginoon

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na magtiwala na susuportahan sila ng Tagapagligtas sa pagkakaroon ng pisikal at emosyonal na kalusugan.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga sitwasyon na mahirap sa damdamin na kinahaharap nila, o maaaring kaharapin nila sa hinaharap, at ano ang magagawa nila sa mga sitwasyong iyon. Maaari nilang talakayin sa kanilang magulang o kapamilya ang kanilang mga iniisip. Maaari mong ipaliwanag na ang pananaw ng iba ay makatutulong kung minsan sa pagharap sa mga hamon sa damdamin.

Pagkakaroon ng Mabubuting Paraan ng Pag-iisip

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na magkaroon ng kamalayan sa sarili nilang mga iniisip at magkaroon ng mabubuting paraan ng pag-iisip.

Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na bigyang-pansin at isulat ang mga iniisip nila kapag tumutugon sa mahihirap na sitwasyon o nakikisalamuha sa iba.

Handout: “Pagwawasto ng mga Hindi Nakatutulong o Hindi Tumpak na Kaisipan”

Pagtugon sa Stress at Pagkabalisa

Mga layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na matukoy at mapraktis ang mga kasanayan na bumaling sa Panginoon upang matugunan ang stress at pagkabalisa.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang isang pagkakataon kamakailan na nakadama sila ng stress o pagkabalisa tungkol sa isang bagay. Hikayatin silang pag-isipan kung anong mga tagumpay at hamon ang naranasan nila habang dinadaig ang stress at pagkabalisa.

  • Handout:Apat na Antas ng Stress

Pagdaig sa Kalungkutan at Depresyon

Mga layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang mga paraan kung paano sila makahihingi ng tulong kapag nakakaramdam ng kalungkutan at depresyon.

  • Paghahanda ng estudyante: Upang maihanda ang mga estudyante sa pag-aaral ng mga naaangkop na paraan upang madaig ang kalungkutan at depresyon, ibigay ang sumusunod na pahayag: “Alam ko kung paano ako matutulungan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo kapag nakakaramdam ako ng kalungkutan o depresyon.” Sabihin sa mga estudyante na mapanalanging suriin kung gaano naaangkop sa kanila ang pahayag na ito at kung gaano kalaki ang kumpiyansa nila na maibabahagi nila ito sa iba.

  • Mga item na ipapakita: Isang larawan o video ng mga alon ng dagat

  • Handout:Paghingi ng Tulong

Pagiging Ganap kay Jesucristo

Mga layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na ang pag-iisip ng mali na nauugnay sa pagiging perpeksyonista at kung paano sila makababaling sa Panginoon.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin kung paano nila mailalarawan ang pagkakaiba ng pagiging perpeksyonista at pagiging ganap sa pamamagitan ni Cristo. Maaari nilang pagnilayan ang mga paraan na maaaring matukso sila na isipin na kailangan nilang maging perpekto nang mag-isa.

  • Video:Self-Compassion” (2:58); “Ang Hindi Perpektong Pag-ani” (11:01; panoorin mula sa time code na 2:37 hanggang 3:04)

  • Handout:Pagiging Ganap kay Jesucristo

Pagbuo ng Matitibay na Ugnayan

Mga layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na humingi ng tulong sa Panginoon upang makabuo ng mga ugnayan na tutulong sa kanilang kalusugan at kapakanan sa lahat ng aspeto.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang matitibay na ugnayan na mayroon sila sa kanilang buhay at kung ano ang ginawa nila upang patibayin ang mga ito. Maaari din nilang isipin ang sinumang tao kung kanino nila gustong magkaroon ng ugnayan o mapatibay ang ugnayan at mag-isip ng mga paraan upang magawa ito.

  • Video:Of Things That Matter Most” (19:12; manood mula sa time code na 12:35 hanggang 12:56)

  • Handout:Mga Halimbawa ng Mga Makabuluhang Ugnayan sa Kasaysayan ng Simbahan at sa Doktrina at mga Tipan

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Isang piraso ng papel para sa bawat estudyante