Lesson 204—Si Jesucristo ang Sentro ng Lahat ng Pagsamba sa Templo: “Si Jesucristo ang Dahilan Kung Bakit Tayo Nagtatayo ng mga Templo”
“Lesson 204—Si Jesucristo ang Sentro ng Lahat ng Pagsamba sa Templo: ‘Si Jesucristo ang Dahilan Kung Bakit Tayo Nagtatayo ng mga Templo,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Si Jesucristo ang Sentro ng Lahat ng Pagsamba sa Templo,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Lesson 204: Paghahanda para sa Templo
Si Jesucristo ang Sentro ng Lahat ng Pagsamba sa Templo
“Si Jesucristo ang Dahilan Kung Bakit Tayo Nagtatayo ng mga Templo”
Sa lahat ng panahon, iniutos ng Panginoon sa Kanyang mga tao na magtayo ng mga templo. Sa ating panahon, nakita natin ang labis na pagdami ng itinatayong templo. Si Jesucristo ang sentro ng lahat ng ginagawa natin sa templo. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na magkaroon ng mas matinding hangarin na sambahin si Jesucristo sa Kanyang bahay.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Ang Tagapagligtas ang sentro ng ating pagsamba
Sa inyong palagay, paanong si Jesucristo ang sentro ng pakikibahagi sa sakramento, pagpunta sa Simbahan, o paglilingkod sa full-time mission?
Paano maaaring maapektuhan ang karanasan ng isang tao kung hindi siya nakatuon sa Tagapagligtas habang nakikibahagi sa mga aktibidad na ito?
Pagnilayan ang sarili ninyong karanasan sa templo o paghahanda para sa templo.
Gaano ninyo itinutuon sa Tagapagligtas ang inyong paghahanda para makibahagi sa templo at sa mga karanasan ninyo kapag naroon kayo?
Paano makakaapekto sa inyong karanasan sa templo ang higit na pagtuon sa Tagapagligtas?
Iniutos ng Panginoon sa Kanyang mga tao na magtayo ng mga templo
Sa Doktrina at mga Tipan, iniutos ng Panginoon sa mga Banal na magtayo ng mga templo (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 57:3; 109:2; 115:7–8; 124:26–27). Ang utos na ito ay tulad sa huwarang itinatag ng Panginoon noong unang panahon.
Ipinahayag ng Unang Panguluhan:
Sa tuwing may mga tao ang Panginoon sa mundo na susunod sa Kanyang salita, sila ay inuutusan na magtayo ng templo. (“First Presidency Releases Statement on Temples,” Ene. 2, 2019, ChurchofJesusChrist.org)
Paano ninyo ilalarawan ang talata 13 gamit ang sarili ninyong mga salita?
Anong mga pagpapala ang maaari nating matanggap dahil nalaman natin mismo ang katotohanang ito?
Ang Tagapagligtas ang sentro ng templo
Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson:
Ang templo ang sentro sa pagpapalakas ng ating pananampalataya at espirituwal na katatagan dahil ang Tagapagligtas at ang Kanyang doktrina ang pinakasentro ng templo. Ang lahat ng bagay na itinuturo sa templo, sa pamamagitan ng mga tagubilin at ng Espiritu, ay nakadaragdag sa nauunawaan natin tungkol kay Jesucristo. Ang Kanyang mahahalagang ordenansa ang nagbibigkis sa atin sa Kanya sa pamamagitan ng mga sagradong tipan ng priesthood. (Russell M. Nelson, “Ang Templo at ang Inyong Espirituwal na Pundasyon,” Liahona, Nob. 2021, 93–94)
Pinatotohanan ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol:
Lahat ng natututuhan at lahat ng ginagawa sa templo ay nagbibigay-diin sa kabanalan ni Jesucristo at sa Kanyang papel sa dakilang plano ng kaligayahan ng Ama sa Langit. (David A. Bednar, “Ang Bahay na Ito ay Itayo sa Aking Pangalan,” Liahona, Mayo 2020, 86)
Sa inyong palagay, ano ang mahalaga sa mga pahayag na ito?
Sa inyong palagay, bakit mahalagang malaman na tayo ay tinutulungan ng templo na mas maunawaan at makilala si Jesucristo?
Habang kinukumpleto ninyo ang mga sumusunod na pahiwatig, isipin kung paano ninyo naaalala si Jesucristo sa templo.
Naaalala natin si Jesucristo sa puting damit na isinusuot natin sa templo dahil …
Naaalala natin si Jesucristo sa nakikita natin sa templo dahil …
Naaalala natin si Jesucristo sa ginagawa natin sa templo dahil …
Naaalala ko si Jesucristo sa kung paano ako naghahandang pumunta sa templo dahil …
Ang paghahangad na makasama si Jesucristo sa templo
Ano ang natuklasan o nadama ninyo ngayon tungkol sa Tagapagligtas bilang sentro ng ating pagsamba sa templo?
Paano maiimpluwensyahan ng natutuhan o nadama ninyo ang inyong paraan ng paghahanda at pagsamba sa Panginoon sa Kanyang bahay?
Tiyaking nagkaroon ng sapat na oras ang mga estudyante sa pagsagot bago anyayahan ang mga handang estudyante na ibahagi ang kanilang mga saloobin. Maaari ka ring magbahagi ng mga paraan kung paano mo ginagawang sentro ng iyong karanasan sa templo ang Tagapagligtas.