“Paghahanda para sa Templo: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Paghahanda para sa Templo,“ Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Paghahanda para sa Templo
Paghahanda para sa Templo
Buod
Sa lahat ng panahon, iniutos ng Panginoon sa Kanyang mga tao na magtayo ng mga templo. Sa mga templo, tayo ay natututo tungkol kay Jesucristo at gumagawa ng mga sagradong tipan. Ang isa sa mga tipang ginagawa natin ay ang ipamuhay ang batas ng paglalaan. Maaari nating paglingkuran at sambahin ang Panginoon sa buong buhay natin sa pamamagitan ng pakikibahagi sa gawain sa templo at family history.
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Si Jesucristo ang Sentro ng Lahat ng Pagsamba sa Templo
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na magkaroon ng mas matinding hangarin na sambahin si Jesucristo sa Kanyang bahay.
-
Paghahanda ng mga estudyante: Hikayatin ang mga estudyante na pag-isipan ang kahalagahan ng dalawang pariralang nakasulat sa bawat templo: “Kabanalan sa Panginoon” at “Ang Bahay ng Panginoon.”
-
Mga larawang ipapakita: Kabataang nakikibahagi sa sakramento; kabataang nagsisimba; mga full-time missionary; ang tabernakulo sa panahon ni Moises; ang templo ni Solomon; ang templo ng mga Nephita sa lupaing Masagana
-
Mga Video: “Ang Templo at ang Inyong Espirituwal na Pundasyon” (18:59; panoorin mula sa time code na 4:27 hanggang 5:03); “In That Holy Place” (4:36)
Gawing Panghabambuhay na Pagsisikap ang Pagsamba sa Templo
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na madama ang kahalagahan ng pagsamba sa Panginoon sa mga templo sa buong buhay nila.
-
Paghahanda ng mga estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na magtanong sa isang kapamilya o lider ng Simbahan kung paano sila napagpala ng pagpunta sa templo.
-
Video: “Pagtitipon sa Pamilya ng Diyos” (18:01; panoorin mula sa time code na 15:16 hanggang 15:44)
Sa Templo, Nakikipagtipan Tayo na Sundin ang Batas ng Paglalaan
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang sagradong batas ng paglalaan, kung saan nakikipagtipan tayo sa Diyos sa templo upang sundin ito.
-
Paghahanda ng mga estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isulat kung paano nila ginagamit ang kanilang oras, talento, o resources para makapag-ambag sa Simbahan at kaharian ng Panginoon.
-
Mga larawang ipapakita: Cake na may topping
-
Handout: “Ang Batas ng Panginoon sa Paglalaan”
Paglilingkod sa Family History at sa Templo
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mahanap ang mga pangalan ng kanilang mga yumaong ninuno at magsagawa ng mga ordenansa para sa kanila sa mga templo ng Panginoon.
-
Paghahanda ng mga estudyante: Sabihin sa mga estudyante na ihanda ang kanilang impormasyon sa pag-log in para sa FamilySearch. Hikayatin silang mag-print at magdala ng family-name ordinance card mula sa FamilySearch.
-
Mga Video: “Improve Your Temple Experience; Change Your Life” (3:21; panoorin mula sa time code na 1:42 hanggang 3:21); “Magtuon sa Templo” (7:18; panoorin mula sa timecode na 3:50 hanggang 4:36); “Spiritual Dynamite” (2:40); “Pagtitipon sa Pamilya ng Diyos” (4:18)