Seminary
Lesson 205—Gawing Panghabambuhay na Pagsisikap ang Pagsamba sa Templo: Pagdalo sa Templo sa Buong Buhay Natin


“Lesson 205—Gawing Panghabambuhay na Pagsisikap ang Pagsamba sa Templo: Pagdalo sa Templo sa Buong Buhay Natin,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Gawing Panghabambuhay na Pagsisikap ang Pagsamba sa Templo,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Lesson 205: Paghahanda para sa Templo

Gawing Panghabambuhay na Pagsisikap ang Pagsamba sa Templo

Pagdalo sa Templo sa Buong Buhay Natin

mga miyembro na lumalabas sa templo

Nabubuhay tayo sa isang kapana-panabik na panahon ng pagtatayo ng templo. Ginagawa ngayon ng Panginoon na mas matanggap natin ang mga pagpapala ng Kanyang banal na bahay. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na madama ang kahalagahan ng pagsamba sa Panginoon sa mga templo sa buong buhay nila.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Mas madalas na pagpunta sa templo

Gumamit ng case study sa buong lesson na ito upang matulungan ang mga estudyante na makita kung paano sila mapagpapala sa buong buhay nila ng pagsamba sa mga templo. Sabihin sa mga estudyante na isipin ang kanilang buhay habang pinag-iisipan nila ang case study. Iangkop ang case study kung kinakailangan para maiugnay ito sa inyong mga estudyante. Ang isang paraan para gawin ito ay sa pamamagitan ng pag-anyaya sa mga estudyante na palitan ang nasa loob ng mga panaklong ng mga salitang nauugnay sa mga estudyante.

Si (Joses) ay (labing anim na taong gulang). Siya ay (limang taon) nang miyembro ng Simbahan. Mayroon siyang mga espirituwal na karanasan pero nais niyang magkaroon ng mas matibay na patotoo tungkol sa Tagapagligatas at sa Kanyang ipinanumbalik na Simbahan. Kung minsan, si (Joses) ay (nahihirapan dahil pinipilit niyang maging magaling sa paaralan). Nag-aalala siya tungkol sa (kanyang kinabukasan at kung paano mamuhay nang matwid sa masamang mundo).

  • Isipin kunwari na humingi si (Joses) ng payo sa iyo tungkol sa isa sa kanyang mga alalahanin. Bakit kaya kapaki-pakinabang na payo ang pagsamba sa Panginoon sa Kanyang templo?

Basahin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Russell M. Nelson, at alamin ang tulong na ibinibigay sa atin ng Panginoon:

Pangulong Russell M. Nelson

Huwag nating kalimutan ang ginagawa ng Panginoon para sa atin ngayon. Pinadadali Niya ang pagpunta sa Kanyang mga templo. Pinabibilis Niya ang pagtatayo natin ng mga templo. Dinaragdagan Niya ang ating abilidad na tumulong sa pagtipon ng Israel. Ginagawa rin Niyang mas madali para sa bawat isa sa atin na maging dalisay sa espirituwal. Ipinapangako ko na ang mas madalas na pagpunta sa templo ay magpapala sa inyong buhay na hindi matatamo sa ibang paraan. …

Mahal kong mga kapatid, nawa’y mas lalo pa kayong magtuon sa templo sa mga paraang hindi pa ninyo nagagawa. Binabasbasan ko kayong maging mas malapit sa Diyos at kay Jesucristo araw-araw. (Russell M. Nelson, “Magtuon sa Templo,” Liahona, Nob. 2022, 121)

  • Ano ang tumimo sa inyo mula sa pahayag na ito?

  • Anong pangako ang ibinigay ng Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang propeta?

    Habang sumasagot ang mga estudyante, tulungan silang tumukoy ng isang katotohanan na tulad ng sumusunod: Ipinapangako ng Panginoon na kapag mas madalas tayong nagpupunta sa Kanyang templo, pagpapalain tayo sa mga paraang maaaring hindi natin mararanasan kung hindi tayo pupunta sa templo.

    Kung limitado ang access ng mga estudyante mo sa templo, maaari ninyong pag-usapan ang mga paraan kung paano nila mapagtutuunan ng pansin ang templo. Halimbawa, maaaring sikapin ng mga estudyante na maging karapat-dapat sa templo at makibahagi sa gawain sa family history.

  • Sa inyong palagay, paano tayo mapagpapala kung mas maglalaan ng oras sa templo ng Panginoon na hindi matatamo sa ibang paraan?

    Ang mga sumusunod na tanong ay naglalayon para sa sariling pagninilay-nilay. Maaaring makatulong sa mga estudyante ang pagsusulat sa kanilang study journal. Maaaring ibahagi ng mga nakahandang estudyante ang kanilang mga sagot sa klase.

  • Gaano kalaki ang posibilidad na palagi kang pupunta sa templo sa buong buhay mo? Bakit?

  • Anong mga balakid ang kailangan mong madaig para makapunta sa templo sa buong buhay mo?

Mga ipinangakong pagpapala

Isipin kung paano mo matutulungan ang mga estudyante na mapasidhi ang kanilang hangarin na sambahin ang Panginoon sa Kanyang mga templo. Ang isang paraan para gawin ito ay sa pamamagitan ng pagtulong sa mga estudyante na tumukoy ng maraming pagpapala ng pagsamba sa Panginoon sa Kanyang mga templo. Maaaring ilista ng mga estudyante sa pisara ang mahahanap nila sa mga sumusunod na talata at pahayag.

Basahin ang mga sumusunod na talata at pahayag, at alamin ang mga ipinangakong pagpapala ng Panginoon sa mga taong sasamba sa Kanya sa Kanyang bahay:

Ipinahayag ni Pangulong Russell M. Nelson:

Pangulong Russell M. Nelson

Mangyaring maglaan ng panahon para sa Panginoon sa Kanyang banal na bahay. Ang paglilingkod at pagsamba sa templo ang magpapalakas ng inyong espirituwal na pundasyon. (Russell M. Nelson, “Maglaan ng Oras para sa Panginoon,” Liahona, Nob. 2021, 121)

Mangyaring paniwalaan ako na kapag matibay na nakatayo ang inyong espirituwal na pundasyon kay Jesucristo, hindi kayo kailangang matakot. Kapag tapat kayo sa inyong mga tipan na ginawa sa templo, mapalalakas kayo ng Kanyang kapangyarihan. Pagkatapos, kapag nagkaroon ng mga espirituwal na lindol, makatatayo kayo nang matatag dahil ang inyong espirituwal na pundasyon ay matibay at hindi natitinag. (Russell M. Nelson, “Ang Templo at ang Inyong Espirituwal na Pundasyon,” Liahona, Nob. 2021, 96)

Itinuro ni Pangulong Henry B. Eyring:

18:1
Pangulong Henry B. Eyring

Maraming kabataan ang nakatuklas na ang pagbibigay ng panahon sa paggawa ng family history at gawain sa templo ay nagpalalim sa kanilang patotoo sa plano ng kaligtasan. Napalakas nito ang impluwensya ng Espiritu sa kanilang buhay at napahina ang impluwensya ng kaaway. Natulungan sila nito na mas mapalapit sa kanilang pamilya at sa Panginoong Jesucristo. Natutuhan nila na hindi lamang ang mga pumanaw ang inililigtas ng gawaing ito; lahat tayo ay inililigtas nito (tingnan sa D&T 128:18). (Henry B. Eyring, “Pagtitipon sa Pamilya ng Diyos,” Liahona, Mayo 2017, 22)

  • Ano ang itinuturo sa inyo ng mga pagpapalang ito tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

  • Paano kayo pinagpala ng Panginoon sa pakikibahagi sa gawain sa templo at family history?

  • Paano kayo mahihikayat ng mga pagpapalang ito na sumamba sa Panginoon sa templo ngayon? Sa buong buhay ninyo?

Pagsamba sa templo sa buong buhay natin

Ang sumusunod na case study ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng pagsamba sa Panginoon sa mga templo sa buong buhay nila. Sa case study, hikayatin ang mga estudyante na isipin ang kanilang kinabukasan at kung paano nila sasambahin ang Panginoon sa mga templo sa buong buhay nila.

Maaari kang gumamit ng iba’t ibang pagpipilian sa pag-aaral sa iba’t ibang bahagi ng case study. Maaaring pag-aralan ng mga estudyante ang mga bahagi bilang isang klase, nang mag-isa, at sa mga grupo.

Pagkatapos ng bawat bahagi, tumigil sandali para talakayin ang mga sumusunod na tanong:

  • Ano ang maaaring mga dahilan nina (Joses) at (Isabel) kung bakit hindi nila nagagawang ipriyoridad ang pagsamba sa templo?

  • Anong mga pagpapala mula sa pagsamba sa Panginoon sa Kanyang bahay ang makatutulong kina (Joses) at (Isabel)?

  • Anong mga sakripisyo ang maaaring kailangang gawin nina (Joses) at (Isabel) para palaging sumamba sa Panginoon sa templo?

Mga 20 taong gulang

Matapos umuwi mula sa paglilingkod sa full-time mission, sinikap ni (Joses) na mag-aral pa sa (isang lokal na trade school). Habang (nag-aaral sa institusyon), nakilala niya ang isang dalagang nagngangalang (Isabel), at sila ay nagpakasal. Pagkatapos ng graduation, si (Joses) ay (nagsimula ng kanyang sariling negosyo). Nag-aalala siya (sa pagtustos sa pangangailangan ng kanyang pamilya). Siya at si (Isabel) ay nagsimulang bumuo ng kanilang pamilya at biniyayaan ng (tatlong) magagandang anak. Ginagawa nina (Joses) at (Isabel) ang lahat ng kanilang makakaya para hatiin ang oras nila sa kanilang pamilya, (sa kanilang negosyo), at sa mga tungkulin sa Simbahan. Sa edad na (apat), ang isa sa kanilang mga anak (ay malubhang nasugatan sa isang aksidente).

Mga 30 taong gulang

Sina (Joses) at (Isabel) ay nagsisikap na matustusan ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng (pagpapatakbo ng kanilang negosyo). Sila ay nahaharap sa mga hamon ng pagpapalaki ng kanilang mga anak at pagtulong sa kanila na (magkaroon ng sarili nilang patotoo tungkol kay Jesucristo). Sinisikap ni (Joses) na balansehin ang oras na inilalaan niya sa kanyang pamilya, (sa kanyang negosyo), at sa kanyang tungkulin bilang (tagapayo ng teachers quorum). Si Isabel ay naglilingkod bilang (Primary president), at nagsisikap na tumulong (sa negosyo ng pamilya), at nagsisikap na maging ina sa kanyang mga anak.

Mga 60 taong gulang pataas

Ang mga anak nina (Joses) at Isabel ay (may sarili nang mga pamilya). Mahal nina (Joses) at (Isabel) ang kanilang pamilya ngunit nag-aalala pa rin sila tungkol sa (pagsunod ng kanilang mga apo kay Jesucristo at paggawa ng mabubuting desisyon). Habang tumatanda sila, (humihina na ang kalusugan ni Joses).

Maaari mong basahin ang pahayag ni Pangulong Russell M. Nelson sa “Karagdagang Resources” na sumasagot sa tanong na “Paano natin uunahin ang pagsamba sa templo ngayon at sa hinaharap?” Talakayin kung paano naaangkop ang pahayag sa case study at sa ating sariling buhay.

Isang liham sa iyong sarili

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na sumulat ng liham ng panghihikayat sa kanilang sarili sa hinaharap tungkol sa kahalagahan ng pagsamba sa Panginoon sa Kanyang mga templo. Maaaring magsulat ang mga estudyante ng petsa sa sobre kung kailan bubuksan ang liham at itago ang liham sa sobreng iyon para buksan sa petsang iyon.

Maaari silang magsulat tungkol sa:

  • Kanilang kasalukuyang mga karanasan sa templo.

  • Paano makakaapekto sa kanilang buhay ang desisyon na palaging dumalo sa templo.

  • Paano makakaapekto sa kanilang kaugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo ang desisyon na palaging dumalo sa templo.

  • Mga paraan na magagawa nilang priyoridad ang pagsamba sa templo ngayon at sa hinaharap.

Ipaalala sa mga estudyante na kumilos ayon sa anumang pahiwatig na maaaring natanggap nila mula sa Espiritu Santo at isulat ang iba pang naiisip nila.