Lesson 203—Kasigasigan sa Gawaing Misyonero: Paghahanda na Maging Masigasig na Missionary
“Lesson 203—Kasigasigan sa Gawaing Misyonero: Paghahanda na Maging Masigasig na Missionary,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Kasigasigan sa Gawaing Misyonero,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Lesson 203: Paghahanda ng Missionary
Kasigasigan sa Gawaing Misyonero
Paghahanda na Maging Masigasig na Missionary
Ibinigay sa atin ni Jesucristo ang perpektong halimbawa ng pagiging masigasig na dapat nating sikaping tularan kapag naglingkod tayo sa iba. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na hingin ang tulong ng Panginoon para maging mas masigasig sa kanilang buhay at sa kanilang paghahanda na maglingkod bilang Kanyang mga missionary.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Ikaapat na palapag, pinakadulong pinto
Ibinahagi ni Elder Dieter F. Uchtdorf ng Korum ng Labindalawang Apostol ang sumusunod na karanasan ng mga missionary sa Europa na nahikayat na ibahagi ang ebanghelyo sa mga residente ng gusali ng apartment na may apat na palapag.
Nagsimula sila sa unang palapag at kumatok sa bawat pinto, at inilahad ang nakapagliligtas na mensahe nila tungkol kay Jesucristo at sa Panunumbalik ng Kanyang Simbahan.
Walang gustong makinig sa kanila sa unang palapag. …
… Kumatok sila sa bawat pinto sa ikalawang palapag.
Ano kaya ang mga iniisip ng mga missionary na ito sa puntong ito?
Nagpatuloy si Elder Uchtdorf:
Gayon din sa ikaapat—hanggang sa kumatok sila sa pinakadulong pinto ng ikaapat na palapag.
Nang bumukas ang pintong iyon, isang batang babae ang ngumiti sa kanila at pinaghintay sila habang kausap nito ang kanyang ina. …
… Itinuro ng mga missionary ang kanilang mensahe at binigyan ng isang aklat ang ina para basahin—ang Aklat ni Mormon.
Nang makaalis na sila, nagpasiya ang ina na babasahin niya ang kahit ilang pahina lang nito.
Tinapos niya ang buong aklat sa loob ng ilang araw.
Hindi nagtagal, ang mabait na pamilyang ito na iisa ang magulang ay nabinyagan. (Dieter F. Uchtdorf, “Ikaapat na Palapag, Pinakadulong Pinto,” Liahona, Nob. 2016, 17–18)
Anong mga katangiang tulad ng kay Cristo ang natukoy ninyo sa mga missionary na ito?
Mga katangiang tulad ng kay Cristo sa mga missionary
Basahin ang Doktrina at mga Tipan 4:2–6; 75:2–5, 29, at hanapin ang mga salita at parirala na ginamit ng Panginoon upang ilarawan ang mga taong nagnanais na maglingkod sa Kanya, kabilang ang Kanyang mga missionary.
Ano ang inaasahan ng Tagapagligtas sa mga nagnanais na maglingkod sa Kanya bilang full-time missionary? Bakit?
Paano makatutulong sa atin ang mga katangian at paggawa na ito sa mahihirap na sitwasyong maaari nating kaharapin?
Ano ang kasigasigan?
Ang kasigasigan ay …
Ano ang ilang sitwasyon na maaaring kaharapin ninyo o ng iba pang kaedad ninyo na nangangailangan ng kasigasigan?
Tahimik na pagnilayan kung gaano ka nailalarawan nang mabuti ng mga sumusunod na pahayag:
Nagsusumikap ako hanggang sa matagumpay na matapos ang isang gawain, kahit na mahirap ito.
Nagtatrabaho ako nang mahusay kahit na hindi ako palaging sinusubaybayan.
Makakaasa ang mga tao sa akin at sa aking pagsisikap na matapos ang isang gawain.
Natutuwa ako kapag nagsisikap ako.
Maghanap ng scripture reference mula sa banal na kasulatan o pahayag ng propeta na nagpapakita ng kahalagahan ng pagiging masigasig.
Talakayin kung paano naging halimbawa si Jesucristo ng pagiging masigasig.
Magbahagi ng isang karanasan nang mapagpala kayo o ang isang taong kilala ninyo dahil sa pagiging masigasig.
Talakayin kung bakit sa palagay ninyo ay mahalagang maging masigasig ang mga missionary.
Talakayin ang iba pang aspeto sa inyong buhay kung saan maaaring maging mahalaga ang pagiging masigasig.
Mga pagpapala sa pagiging masigasig
Ibinahagi ni Elder Dieter F. Uchtdorf ang kanyang damdamin tungkol sa dalawang missionary na ito:
21:33
Madalas akong magpasalamat para sa dalawang missionary na hindi tumigil sa unang palapag! Madalas akong magpasalamat para sa kanilang pananampalataya at pagsisikap. Madalas akong magpasalamat na nagpatuloy sila—maging hanggang sa ikaapat na palapag, sa pinakadulong pinto. (Dieter F. Uchtdorf, “Ikaapat na Palapag, Pinakadulong Pinto,” Liahona, Nob. 2016, 18)
Kung may ibabahagi sa ating klase ang mga missionary na iyon tungkol sa pagiging masigasig, ano ang naiisip ninyo na sasabihin nila?
Pagiging masigasig sa aking buhay
Ano ang mga pagbabagong magagawa ko para maging mas masigasig?
Paano ako mas ihahanda ng pagiging masigasig para maibahagi ang ebanghelyo ni Jesucristo bilang full-time missionary at sa aking buhay sa araw-araw?
Paano ako tutulungan ng pagiging masigasig na maging higit na katulad ng Tagapagligtas?