Seminary
Paghahanda ng Missionary: Buod


“Paghahanda ng Missionary: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Paghahanda ng Missionary,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Paghahanda ng Missionary

Paghahanda ng Missionary

Buod

Makatutulong tayong tipunin ang Israel sa pamamagitan ng pagmamahal sa iba, pagbabahagi ng mensahe ni Jesucristo, at pag-anyaya sa kanila na lumapit sa Tagapagligtas. Pinagpapala ng Diyos ang mga missionary sa kanilang masigasig na paglilingkod at pagtuturo sa mga tao sa kanilang komunidad at sa iba’t ibang panig ng mundo. Ibinigay ng Diyos ang Aklat ni Mormon para sa pagtitipon sa mga huling araw.

Mungkahi sa pacing ng pagtuturo: Maraming magagandang opsiyon na dapat isaalang-alang para sa pacing ng pagtuturo ng mga lesson na ito. Halimbawa:

  1. Ituro ang ilan o ang lahat ng lesson na ito sa pagtatapos ng school year kung kailan ang mga mas nakatatandang estudyante ay magsusumite na ng kanilang papeles sa misyon.

  2. Ituro ang ilan sa mga lesson na ito habang pinag-aaralan ninyo ang mga bahagi ng Doktrina at mga Tipan na tutulong sa atin na mas maunawaan ang gawaing misyonero. Ang ilang mungkahi ay nakalista sa tabi ng mga partikular na lesson sa ibaba.

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Pagbabahagi ng Ebanghelyo Dahil sa Pagmamahal na Tulad ng kay Cristo

Mungkahi sa pacing ng pagtuturo: Maaari mong ituro ang lesson na ito kasabay ng pagtuturo mo sa mga estudyante ng tungkol sa Doktrina at mga Tipan 18. Ang talata 10–16 ay tumutulong sa atin na maunawaan kung paano humahantong ang pagmamahal ng Tagapagligtas sa Kanyang hangarin na lumapit sa Kanya ang lahat.

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano sila mahihikayat ng kanilang pagmamahal sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, at sa ibang tao na ibahagi ang ebanghelyo.

  • Paghahanda ng estudyante: Bigyan ang mga estudyante ng pahayag ni Joseph Smith mula sa lesson na ito. Anyayahan silang maghandang ibahagi kung paano mahihikayat ng pahayag na ito ang isang tao na ibahagi ang ebanghelyo sa iba o maghandang maglingkod sa full-time na misyon.

  • Mga larawan na ipapakita: Kabataang naglilingkod sa iba’t ibang sitwasyon; isang taong nagbabahagi ng ebanghelyo

  • Video:Feed My Sheep” (5:47; panoorin mula sa time code na 2:46 hanggang 4:29)

  • Mga Materyal: Mga blangkong piraso ng papel na gagamitin ng maliliit na grupo

Magmahal, Magbahagi, at Mag-anyaya

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na gumawa ng plano na ibahagi ang ebanghelyo ni Jesucristo sa pamamagitan ng paggamit ng mga alituntunin ng pagmamahal, pagbabahagi, at pag-aanyaya.

Pagpili na Maglingkod sa isang Misyon

Mungkahi sa pacing ng pagtuturo: Maaari mong ituro ang lesson na ito kasabay ng pagtuturo mo ng lesson na ”Doktrina at mga Tipan 30–36, Bahagi 1,” na nakatuon sa mga dahilan kung bakit nais ng Panginoon na ibahagi natin ang Kanyang ebanghelyo.

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makadama ng hangarin na maglingkod sa Panginoon bilang Kanyang mga missionary.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na makipag-usap sa isang tao na naglingkod sa isang proselyting o service mission. Maaaring hilingin ng mga estudyante sa tao na magbahagi ng iba’t ibang paraan kung paano sila pinagpala ng Panginoon at ang iba sa pamamagitan ng kanilang paglilingkod bilang missionary.

  • Mga Materyal: Mga halimbawa ng mga mission assignment sa maliliit na piraso ng papel sa isang basket; mga kopya ng unang pahayag ni Pangulong Russell M. Nelson para talakayin ng mga magkakapartner

  • Handout:Mga Pagpapala ng Paglilingkod bilang Missionary

  • Video:Value of a Full-Time Mission” (5:22)

Ang Aklat ni Mormon ay Kasangkapan sa Pagbabalik-loob

Mungkahi sa pacing ng pagtuturo: Maaari mong ituro ang lesson na ito kasabay ng pagtuturo mo ng lesson na ”Doktrina at mga Tipan 84:49–102.” Ang talata 54–57 ay tumutulong sa atin na maunawaan ang kahalagahan ng hindi pagbalewala sa Aklat ni Mormon.

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madama ang kahalagahan ng pagpapalakas ng kanilang patotoo sa Aklat ni Mormon bilang paghahanda na ibahagi ang ebanghelyo ng Tagapagligtas.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na hilingin sa isang kapamilya o pinagkakatiwalaang kaibigan na ibahagi kung paano sila unang nagkaroon ng patotoo sa Aklat ni Mormon. Hikayatin ang mga estudyante na komportableng gawin ito na ibahagi rin ang sarili nilang karanasan sa pagkakaroon ng patotoo sa Aklat ni Mormon.

  • Mga Materyal: Magpakita ng iba’t ibang simpleng kasangkapan (o mga larawan ng mga ito)

  • Mga Video:A Book of Mormon Story“ (5:15); “The Book of Mormon” (2:10)

Pagiging Masigasig sa Gawaing Misyonero

Mungkahi sa pacing ng pagtuturo: Maaari mong ituro ang lesson na ito kasabay ng pagtuturo mo ng lesson na “Doktrina at mga Tipan 4.” Ipinapakita sa talata 6 na ang pagsusumigasig ay katangiang tulad ng kay Cristo ng mga taong nagnanais na tumulong sa gawain ng Panginoon.

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na humingi ng tulong sa Panginoon upang maging mas masigasig sa kanilang buhay at sa kanilang paghahandang maglingkod bilang Kanyang mga missionary.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung paano inilalarawan si Jesucristo ng sumusunod na kahulugan ng pagsusumigasig. Maaari din nilang matukoy ang mga salaysay mula sa Kanyang buhay kung saan nagpakita Siya ng kasigasigan.

Ang pagsusumigasig ay “hindi pabagu-bago, magiting na pagsusumikap, lalung-lalo na sa paglilingkod sa Panginoon at sa pagsunod sa kanyang salita” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Kasigasigan,” scriptures.ChurchofJesusChrist.org).