Seminary
Doktrina at mga Tipan 18: Buod


“Doktrina at mga Tipan 18: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 18,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 18

Doktrina at mga Tipan 18

Buod

Inihayag ng Panginoon ang mahahalagang katotohanan tungkol sa ating kahalagahan sa Kanyang paningin, ang kagalakang matatanggap natin kapag ibinabahagi ang ebanghelyo, at ang mga kwalipikasyon at responsibilidad ng Labindalawang Apostol.

icon ng trainingLumikha ng kapaligiran kung saan iginagalang ang lahat at alam nila na pinahahalagahan ang kanilang mga kontribusyon: Maraming estudyanteng tinuturuan mo ang maaaring mahirapang madama na iginagalang at pinahahalagahan sila. Sa paraan ng pagmamahal at paggalang mo sa kanila, maipadarama mo na sila ay tinatanggap at kinakailangan. Para sa karagdagang impormasyon kung paano ito ginawa ng Tagapagligtas, tingnan ang bahaging “Tiniyak ng Tagapagligtas na Nadama ng Lahat na Iginagalang at Pinahahalagahan Sila” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Maaari ka ring makakita ng halimbawa kung paano ito gawin sa lesson sa linggong ito na may pamagat na “Doktrina at mga Tipan 18:1–13.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya kung ano ang maaaring kailangang ihanda mo nang maaga para sa bawat lesson.

Doktrina at mga Tipan 18:1–13

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madama na ang kahalagahan ng kanilang mga kaluluwa ay dakila sa paningin ng Diyos.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin, pagnilayan, at isaulo ang ilang bahagi o ang kabuuan ng Doktrina at mga Tipan 18:10–11. Sabihin sa kanila na dumating sa klase na handang ibahagi ang kanilang nadarama tungkol sa mga katotohanang itinuro sa passage na ito.

  • Handout: “Pag-alaala sa Ating Kahalagahan sa Diyos”

  • Video:The Hope of God’s Light” (6:46)

Doktrina at mga Tipan 18:11–16

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mapag-ibayo ang kanilang hangaring ibahagi ang ebanghelyo ng Tagapagligtas sa iba.

Doktrina at mga Tipan 18:21–47

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano tayo tinutulungan at pinagpapala ng Panginoon sa pamamagitan ng pagtawag sa Kanyang mga Apostol.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang isang bahagi ng isang mensahe kamakailan, artikulo sa magasin ng Simbahan, o social media post mula sa isa sa mga kasalukuyang Apostol, at alamin kung paano nakatutulong sa kanila ang mensaheng iyon na lumapit kay Cristo.

  • Nilalamang ipapakita: Kasalukuyang larawan ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol

  • Mga Materyal: Mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya o mga artikulo sa magasin ng Simbahan na isinulat ng mga Apostol

Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 2

Layunin ng lesson: Mabigyan ang mga estudyante ng mga pagkakataong sanaying isaulo ang mga doctrinal mastery passage at ang doktrinang itinuturo ng mga ito gayundin ang pag-aaral at pagsasabuhay ng mga banal na alituntunin para sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isa o dalawang doctrinal mastery passage na gusto nilang mas maunawaan.

  • Item na ihahanda: Isang awitin o himno na tutugtugin para sa klase

  • Mga Materyal: Doctrinal Mastery Core Document (2023)