“Doktrina at mga Tipan 18:21–47: ‘Sa Pamamagitan ng Inyong mga Kamay Ako ay Gagawa ng Kagila-gilalas na Gawain,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Doktrina at mga Tipan 18:21–47,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Lesson 29: Doktrina at mga Tipan 18
Doktrina at mga Tipan 18:21–47
“Sa Pamamagitan ng Inyong mga Kamay Ako ay Gagawa ng Kagila-gilalas na Gawain”
Noong Hunyo 1829, ibinigay ng Tagapagligtas kina Oliver Cowdery at David Whitmer ang responsibilidad na maghanap ng mga taong magtataglay ng Kanyang pangalan nang may “buong layunin ng puso” (Doktrina at mga Tipan 18:27). Ang mga kalalakihang ito ay tatawagin kalaunan bilang mga unang miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol sa dispensasyong ito. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan kung paano tayo tinutulungan at pinagpapala ng Panginoon sa pamamagitan ng pagtawag sa Kanyang mga Apostol.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Ang Labindalawang Apostol
Isipin ang isang sitwasyon kung saan nagpapasalamat ka sa isa sa mga taong ito.
-
Anong tulong ang kwalipikadong ibigay sa atin ng mga taong ito?
-
Paano sila naging kwalipikado?
Mahal tayo ng Tagapagligtas at tumatawag Siya ng mga Apostol para tulungan tayo sa mga natatanging paraan.
-
Anong tulong ang kwalipikadong ibigay sa atin ng mga Apostol ng Tagapagligtas?
-
Sa iyong palagay, anong mga kwalipikasyon ang ginagamit ng Panginoon sa pagpili ng Kanyang mga Apostol?
Pagtataglay sa ating sarili ng pangalan ni Cristo
Sa Doktrina at mga Tipan 18, iniutos ng Panginoon kina David Whitmer at Oliver Cowdery na maghanap ng mga kalalakihang tatawagin balang-araw para maglingkod sa Korum ng Labindalawang Apostol (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 18:37–38).
Basahin ang Doktrina at mga Tipan 18:21–25, at hanapin ang payo ng Tagapagligtas kina David at Oliver.
-
Sa iyong palagay, bakit nais ng Panginoon na maunawaan nina David at Oliver ang nabasa mo sa mga talatang ito?
Ipinaliwanag ni Elder Paul B. Pieper ng Pitumpu ang ibig sabihin ng taglayin sa ating sarili ang pangalan ni Jesucristo:
Sa pagtataglay natin ng pangalan ni Cristo sa ating sarili, nangangako tayong tatanggapin ang Kanyang mga aral, Kanyang mga katangian, at sa huli ang Kanyang pagmamahal sa kaibuturan ng ating pagkatao upang maging bahagi ito ng pagkatao natin. (Paul B. Pieper, “Lahat ng Tao ay Kailangang Taglayin sa Kanilang Sarili ang Pangalang Ibinigay ng Ama,” Liahona, Nob. 2018, 44)
Mga kwalipikasyon at responsibilidad ng mga Apostol
Tinagubilinan din ng Panginoon sina David at Oliver tungkol sa mga kinakailangang kwalipikasyon para sa mga tatawaging Apostol.
Basahin ang Doktrina at mga Tipan 18:26–27, at alamin ang kwalipikasyon sa mga talatang ito. Pansinin na ang salitang mga disipulo sa talata 27 ay tumutukoy sa mga tatawaging Apostol.
-
Anong kwalipikasyon ang ninanais ng Tagapagligtas na magkaroon ang Kanyang mga Apostol?
-
Sa iyong palagay, bakit nais ng Tagapagligtas na magkaroon ng ganitong kwalipikasyon ang mga naglilingkod bilang Kanyang mga Apostol?
-
Paano makatutulong sa iyo ang kaalamang ito tungkol sa mga Apostol ng Tagapagligtas?
Gamitin ang Doktrina at mga Tipan 18:26–36 at 107:23 para punan ang sumusunod na chart:
Anong mga katangian ang nais ng Panginoon sa Labindalawang Apostol? |
Ano ang nais ng Panginoon na gawin ng mga Apostol para makatulong sa pagdadala ng mga tao sa Kanya? |
-
Ano ang natutuhan mo mula sa mga talatang ito tungkol sa kung paano makatutulong sa iyo at sa iba ang Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang mga Apostol?
-
Paano mo ibubuod ang natutuhan mo tungkol sa mga Apostol mula sa mga talatang ito?
-
Paano mo nakikita ang mga Apostol ng Tagapagligtas na tinutulungan ka at ang iba na lumapit sa Kanya ngayon?
Mga halimbawa at turo mula sa mga Apostol ng makabagong panahon
Maglaan ng oras para pag-aralan ang mga turo ng isa o mahigit pang mga Apostol sa kasalukuyan. Maaari mong pag-aralan ang mga mensahe sa katatapos na mga pangkalahatang kumperensya, mga artikulo sa magasin ng Simbahan, o mga post sa social media. Sa iyong pag-aaral, alamin kung paano ginagampanan ng mga Apostol ang kanilang responsibilidad na tulungan tayong lumapit kay Cristo. Maaaring maghanap ka rin ng mensahe mula sa isang Apostol na tumatalakay sa isang partikular na pangangailangan o tanong na mayroon ka.