Lesson 30: Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 2: Pag-unawa at Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman
“Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 2: Pag-unawa at Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 2,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Lesson 30: Doktrina at mga Tipan 18
Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 2
Pag-unawa at Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman
Ang doctrinal mastery ay makatutulong sa mga estudyante na maitayo ang pundasyon ng kanilang buhay kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng mga pagkakataong maging mahusay sa mga doctrinal mastery passage at sa doktrinang itinuturo ng mga ito gayundin sa pag-aaral at pagsasabuhay ng mga banal na alituntunin para sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Pagrerebyu ng doctrinal mastery: Unawain
Ano ang pagkakaiba ng pagkilala, pag-alam, at pag-unawa?
Sa paanong paraan natin makikilala o malalaman ang isang bagay nang hindi ito nauunawaan?
Paano ito maiaangkop sa doctrinal mastery?
Isipin kunwari na may isang tao na talagang nangangailangan ng mensaheng nakapaloob sa passage na pinili mo. Gayunman, mayroon ka lamang 30 segundo para ipaliwanag sa kanya ang kahulugan ng passage. Gamitin ang susunod na ilang minuto para mas maunawaan ang nilalaman ng passage.
Maaari mong gamitin ang ilan sa mga sumusunod na estratehiya:
Basahin ang talata nang dahan-dahan.
Hanapin ang kahulugan ng mga salita o parirala na hindi mo nauunawaan.
Basahin ang section heading para malaman ang konteksto o pangyayari sa likod ng passage.
Tingnan ang mga footnote.
Gamitin ang resources sa Gospel Library.
Pag-aralan at ipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman
May mahalagang desisyon na kailangang gawin si Josie. Nauunawaan niya na ang desisyong ito ay maaaring magkaroon ng mabigat na epekto sa kanyang buhay at nais niyang hingin ang patnubay ng Diyos sa pamamagitan ng paghahayag. Nanalangin si Josie para magabayan ngunit sa pakiwari niya ay hindi pa siya nakatatanggap ng sagot. Iniisip niya kung tama ba ang paraang ginagawa niya sa paghahangad ng paghahayag.
Paano magagamit ni Josie ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman para tulungan siyang maunawaan kung paano tumanggap ng paghahayag?
Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw
Basahin ang talata 8 sa ilalim ng “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” sa Doctrinal Mastery Core Document (2023), at maghanap ng mga ideya tungkol sa paghiling sa patnubay ng Ama sa Langit kapag gumagawa ng mahirap na desisyon.
Paano maisasaalang-alang ni Josie ang kanyang pasiya sa konteksto ng plano ng kaligtasan?
Paano makatutulong na tingnan ang pasiya nang may walang-hanggang pananaw para makapag-anyaya ng paghahayag?
Kumilos nang may pananampalataya
Basahin ang talata 5 at 7 sa ilalim ng “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” sa Doctrinal Mastery Core Document (2023), at alamin ang mga katotohanan na makatutulong kay Josie na maghangad at makatanggap ng paghahayag mula sa Ama sa Langit.
Bakit kaya nadarama ni Josie na hindi siya nakatatanggap ng paghahayag? (Pansinin kung ano ang maaaring makatulong sa talata 7 para makaunawa si Josie.)
Ano ang ilang paraan na makakakilos si Josie nang may pananampalataya upang makatanggap ng paghahayag?
Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos
Ano ang ilang sources na ibinigay ng Diyos na maaaring pag-aralan ni Josie upang mas maunawaan kung paano maghangad, tumanggap, o makahiwatig ng paghahayag?
Ano pa ang natutuhan o nadama mo tungkol sa pagtanggap ng paghahayag na maibabahagi mo kay Josie?