Seminary
Doktrina at mga Tipan 19: Buod


“Doktrina at mga Tipan 19: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 19,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 19

Doktrina at mga Tipan 19

Buod

Humiling si Martin Harris kay Propetang Joseph Smith ng paghahayag mula sa Panginoon nang matanto niya na baka mawala sa kanya ang kanyang sakahan upang magbayad para sa pagpapalimbag ng Aklat ni Mormon. Sa Doktrina at mga Tipan 19, isinalaysay ng Tagapagligtas kung paano Niya piniling sundin ang kalooban ng Ama sa Langit at kung paano Siya nagkaroon ng lakas na madaig ang lahat ng bagay. Pinayuhan ng Panginoon si Martin na magsisi at gawin ang sakripisyong kailangan upang mabayaran ang utang niya sa manlilimbag.

icon ng trainingTumuon kay Jesucristo: Ang pag-aaral tungkol kay Jesucristo ay makahihikayat sa atin na maging higit na katulad Niya. Ngunit ang pagiging katulad Niya ay nangyayari lamang kapag kumikilos tayo nang may pananampalataya, sa loob at labas ng klase. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang bahaging “Tulungan ang mga Mag-aaral na Magsikap nang Mabuti na Maging Higit na Katulad ni Jesucristo” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Maaari kang makakita ng halimbawa kung paano ito gawin sa lesson sa linggong ito na pinamagatang “Doktrina at mga Tipan 19:1–24, Bahagi 1.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya kung ano ang maaaring kailangang ihanda mo nang maaga para sa bawat lesson.

Doktrina at mga Tipan 19:1–24, Bahagi 1

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mapag-ibayo ang kanilang hangarin na tularan ang halimbawa ni Jesucristo sa pagsunod sa kalooban ng Ama sa Langit

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na mag-isip ng mga pagkakataon na natutukso ang mga kabataan na gawin ang gusto nila sa halip na ang nais ng Panginoon.

  • Nilalamang ipapakita: Pahayag mula kay Pangulong Ezra Taft Benson

Doktrina at mga Tipan 19:1–24, Bahagi 2

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mas mapahalagahan ang kaloob na pagsisisi ng Tagapagligtas, na naging posible sa pamamagitan ng Kanyang dakilang nagbabayad-salang sakripisyo

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na basahin ang Alma 36:12–21, at alamin kung bakit nakadama si Alma ng kapwa matinding dalamhati at kagila-gilalas na kagalakan sa kanyang pagsisisi.

  • Nilalamang ipapakita: Mga pahayag tungkol sa pagsisisi

  • Mga Materyal: Mga kalahating piraso ng papel

  • Video:Sapagkat Gayon na Lamang ang Pag-ibig ng Diyos sa Sangkatauhan” (4:48; panoorin mula sa time code na 1:56 hanggang 4:48)

  • Handout: “Si Jesucristo at ang Ating Pagsisisi”

Doktrina at mga Tipan 19:25–41

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na matularan ang halimbawa ng Tagapagligtas sa pagsasakripisyo ng anumang hilingin sa atin ng Ama sa Langit

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na itanong sa isang pinagkakatiwalaang miyembro ng Simbahan kung anong mga sakripisyo ang nagawa nila bilang disipulo ng Panginoon.

  • Nilalamang ipapakita: Mga prompt para sa isang aktibidad sa study journal

I-assess ang Iyong Pagkatuto 2

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maalala at masuri kung paano nakatulong sa kanilang espirituwal na pag-unlad ang kanilang mga karanasan sa pag-aaral ng Doktrina at mga Tipan.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pag-isipan ang isang lesson sa seminary kamakailan na partikular na nakaantig sa kanila. Maaari nilang pagnilayan ang anumang pagbabagong ginawa nila dahil sa lesson na iyon.

  • Mga Materyal: Maliliit na piraso ng papel

  • Mga Larawan: Nagpakita si Moroni kay Joseph Smith; sina Joseph Smith at Oliver Cowdery na isinasalin ang mga lamina; nakikita ng Tatlong Saksi ang mga lamina; isang diagram ng isang tao na may label ang kanyang isip at puso