Ang pagninilay at pag-assess sa ating espirituwal na pagkatuto ay makatutulong sa atin na mas mapalapit sa Tagapagligtas. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maalaala at masuri kung paano nakatulong sa kanilang espirituwal na pag-unlad ang kanilang mga karanasan sa pag-aaral ng Doktrina at mga Tipan.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
I-assess ang iyong pagkatuto
Gaano kabilis ang progreso mo sa aktibidad na ito?
Bakit mahalagang suriin ang iyong progreso? Paano ito makakaapekto sa hangarin mong patuloy na magsanay?
Paano nakaapekto ang natutuhan mo sa Doktrina at mga Tipan sa nadarama mo tungkol sa ebanghelyo?
Paano nakaimpluwensya ang patuloy na pagsisikap sa paglipas ng panahon sa iyong espirituwal na pag-unlad at pananampalataya kay Jesucristo?
Kung hindi mo nadarama na umuunlad ka sa espirituwal na paraan, anong maliliit na pagbabago ang maaari mong gawin sa mga bagay na regular mong ginagawa?
Pagpapaliwanag ng paglabas ng Aklat ni Mormon
Kunwari ay may isa tao na naging interesado sa paniniwala mo sa Aklat ni Mormon at humiling sa iyo na tulungan siyang maunawaan kung ano ang Aklat ni Mormon at saan ito nanggaling. Paano mo ito ipapaliwanag?
Maaari mong gawin ang ilan sa mga sumusunod sa iyong pagpapaliwanag:
Sa sarili mong mga salita, ikuwento sa kanya kung paano lumabas ang Aklat ni Mormon. (Maaari kang makahanap ng mga banal na kasulatan na tutulong sa iyo o mga makasaysayang salaysay na maaari mo ibuod.)
Gumamit ng mga larawan na makatutulong sa iyo na magpaliwanag.
Ibahagi ang iyong nadarama o karanasan sa Aklat ni Mormon.
Pagdama sa dakilang kahalagahan ng iyong kaluluwa sa Diyos
Sa isang lesson kamakailan, inanyayahan kang pagnilayan nang mas mabuti ang iyong kahalagahan sa paningin ng Diyos. Maaaring nakagawa ka ng paalala na regular mong makikita (tulad ng poster o phone background), mas nagtuon sa panalangin, gumugol ng oras sa pagsusulat sa journal, pinag-aralan ang iyong patriarchal blessing, o may iba ka pang ginawa.
Ano ang ginawa mo para matulungan kang mas pagnilayan pa ang iyong kahalagahan sa Diyos?
Anong mga pagkakaiba ang napansin mo kamakailan sa kung paano tinutukoy ng mundo ang kahalagahan at kung paano tinutukoy ng Diyos ang kahalagahan?
Ano ang natutuhan mo kamakailan na nagpatibay o nagpaibayo sa iyong tiwala na dakila ang kahalagahan mo sa paningin ng Diyos?
Pagtanggap ng personal na paghahayag
Pumili ng ilan sa mga pahayag na ito at kumpletuhin ang mga ito sa iyong journal. Maaari kang makadama ng impresyon na isulat ang iba pang mga naisip at impresyon mo. Tiyaking gawin ito.
Ang pinakamahalagang bagay na natutuhan ko kamakailan tungkol sa paghahayag mula sa Ama sa Langit ay …
Kabilang sa ilang bagay na pinagsikapan kong gawin kamakailan para makatanggap ng paghahayag sa pamamagitan ng Espiritu Santo ay …
Ang isang bagay na tila nakaapekto sa kakayahan kong tumanggap ng paghahayag ay …
Ang isang karanasan ko kamakailan na ayaw kong makalimutan ay …
Gusto kong patuloy na dagdagan ang kakayahan kong tumanggap ng paghahayag mula sa Diyos dahil …
Upang lalo pang madagdagan ang kakayahan kong tumanggap ng paghahayag mula sa Diyos, nangangako akong …