“Doktrina at mga Tipan 19:1–24, Bahagi 2: ‘Ako, [si Jesucristo], ay Pinagdusahan ang mga Bagay na Ito para sa Lahat,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Doktrina at mga Tipan 19:1–24, Bahagi 2,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Lesson 32: Doktrina at mga Tipan 19
“Ako, [si Jesucristo], ay Pinagdusahan ang mga Bagay na Ito para sa Lahat”
Nagturo ang Panginoon ng mga dakilang katotohanan tungkol sa Kanyang Pagbabayad-sala kay Martin Harris sa Doktrina at mga Tipan 19 . Ang pagsisisi para sa ating mga kasalanan ay posible sa pamamagitan ni Jesucristo. Dahil sa Kanya at sa Kanyang maawain at mapagmahal na Pagbabayad-sala, maaari tayong maging malinis sa pamamagitan ng ating pagsisisi. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mas mapahalagahan ang kaloob na pagsisisi ng Tagapagligtas, na naging posible sa pamamagitan ng Kanyang dakilang nagbabayad-salang sakripisyo.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Mga katotohanan o mga maling pag-unawa?
Sa pagsisimula ng klase, tulungan ang mga estudyante na suriin ang nalalaman o pinaniniwalaan nila tungkol sa pagsisisi. Ang isang posibleng paraan para magawa ito ay anyayahan silang suriin ang mga sumusunod na pahayag. Maaari mong i-print ang bawat pahayag nang hiwalay at ipakita ang mga ito sa pisara. Pagkatapos ay maaaring hatiin ng mga estudyante ang mga pahayag sa mga kategorya ng Mga Katotohanan o Mga Maling Pag-unawa . Ang isa pang opsiyon ay mag-set up ng anonymous digital poll at anyayahan ang mga estudyante na sumagot.
Ang mga sumusunod bang pahayag ay mga katotohanan o mga maling pag-unawa ?
Ang pangunahing layunin ng pagsisisi ay parusahan ang mga makasalanan.
Ang mga hindi nagsisisi ay hindi magiging karapat-dapat na makabalik sa piling ng Diyos.
Kahit maaaring mahirap ito, sulit ang pagsisisi.
Ang pagsisisi ay kaloob ng Diyos.
Hindi talaga ako mamahalin ng Ama sa Langit hangga’t hindi ako nagsisisi.
Ang pagsisisi ay isang prosesong hindi nagdudulot ng pasakit o pighati.
Ang mga sumusunod na tanong ay maaaring makatulong bilang gabay sa talakayan tungkol sa mga sagot ng mga estudyante. Para sa mahahalagang bagay na makatutulong sa talakayan, tingnan sa Mga Paksa ng Ebanghelyo, “Pagsisisi ,” topics.ChurchofJesusChrist.org o sa “Walong Maling Pag-unawa Tungkol sa Pagsisisi ,” Liahona , Mar. 2016, 52–55.
Paalala: Huwag mag-ukol ng masyadong maraming oras sa talakayan; ikukumpara ng mga estudyante ang mga pahayag na ito sa mga turo ng Tagapagligtas kalaunan sa lesson.
Sabihin sa mga estudyante na isulat nang maikli sa kanilang study journal ang nadarama nila tungkol sa pagsisisi. Maaari mong hilingin sa kanila na isama ang kanilang mga ideya tungkol sa mga katotohanan at maling pag-unawa na tinalakay nila.
Sa Doktrina at mga Tipan 19 , tinugon ng Panginoon ang mga alalahanin ni Martin Harris tungkol sa posibilidad na mawala ang kanyang sakahan upang mabayaran ang pagpapalimbag ng Aklat ni Mormon. Itinuro ng Panginoon kay Martin ang tungkol sa pagsisisi at ang tungkol sa Kanyang dakilang nagbabayad-salang sakripisyo. Sa iyong pag-aaral ngayon, maaari mong isulat sa iyong study journal ang mga katotohanang natutuhan mo tungkol sa Tagapagligtas at ang pagpapala ng pagsisisi na ibinibigay Niya sa atin.
Ang Kanyang pagdurusa ay nagpapagaan ng ating pagdurusa
Para sa sumusunod na aktibidad sa pag-aaral, maaaring mag-aral ang mga estudyante sa maliliit na grupo. Hikayatin ang mga estudyante na maging mapitagan sa pag-aaral nila ng mga talatang ito.
Maaaring interesado ang mga estudyante na malaman na ang Doktrina at mga Tipan 19:16–19 ay ang tanging salaysay sa banal na kasulatan na kinapapalooban ng personal na paglalarawan ng Tagapagligtas sa Kanyang pagdurusa.
Basahin ang Doktrina at mga Tipan 19:15–20 at alamin ang nais ng Tagapagligtas na matutuhan mo tungkol sa Kanya at tungkol sa pagsisisi. Maaari mong ipagdasal at anyayahan ang Espiritu Santo na tulungan kang maunawaan kung ano ang nais ng Panginoon na malaman at madama mo mula sa mga talatang ito.
Ang Doktrina at mga Tipan 19:16–19 ay isang doctrinal mastery passage. Maaari mong sabihin sa mga estudyante na markahan ang mga doctrinal mastery passage sa natatanging paraan para madali nilang mahanap ang mga ito.
Kapag ibinahagi ng mga estudyante ang natututuhan nila, mapapalakas ng Espiritu Santo ang kanilang patotoo sa mga katotohanang iyon. Ang isang paraan para maibigay ang pagkakataong ito ay bigyan ang bawat grupo ng kalahating piraso ng papel. Sabihin sa mga grupo na isulat sa papel ang isang makabuluhang katotohanan na natutuhan nila tungkol sa pagsisisi o tungkol sa Tagapagligtas mula sa kanilang pag-aaral. Sabihin sa isang kinatawan mula sa bawat grupo na tumayo, basahin nang malakas ang kanilang katotohanan, at pagkatapos ay i-display ito sa pisara.
Sabihin sa mga grupo na ikumpara ang natutuhan ng klase mula sa mga talata sa mga katotohanan at maling pag-unawa na sinuri nila sa simula ng klase. Maaari nilang talakayin ang mga tanong na tulad ng mga sumusunod:
Paano makatutulong sa atin ang mga turo ng Tagapagligtas para mas madali nating matukoy ang mga katotohanan at maling pag-unawa tungkol sa pagsisisi?
Paano mo muling maisusulat nang tama ang mga maling pag-unawang ito upang maipakita ang mga katotohanan tungkol sa pagsisisi?
Bigyang-diin ang mga sumusunod na katotohanan: Kusang pinagdusahan ni Jesucristo ang Kanyang Pagbabayad-sala para sa lahat ng tao (talata 16, 19 ). Kung pipiliin nating huwag magsisi, daranasin natin ang parusa para sa ating mga kasalanan (talata 17 ).
Upang matulungan ang mga estudyante na madama ang kahalagahan ng mga katotohanang ito, maaari mong talakayin ang mga tanong na tulad ng mga sumusunod:
Paano naiimpluwensyahan ng sariling mga salita ng Tagapagligtas tungkol sa Kanyang Pagbabayad-sala ang nadarama mo tungkol sa Kanya? Bakit?
Paano naipapakita ng utos ng Panginoon na magsisi ang Kanyang pagmamahal sa atin?
Sa paanong paraan nadaragdagan ang ating hangaring magsisi kapag nauunawaan natin ang pagmamahal ng Tagapagligtas sa atin?
Ang kaloob na pagsisisi ng Tagapagligtas
Bigyan ang mga estudyante ng pagkakataong pag-isipan ang nadarama nila tungkol sa Tagapagligtas. Ang sumusunod ay tatlong magkakaibang paraan na magagawa mo ito. Maaari kang magbahagi ng video, maaari mong sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang mga pahayag mula sa mga lider ng Simbahan, o maaari ninyong sama-samang awitin ang isang himno bilang isang klase. Maaari mong gamitin ang isa o mahigit pa sa mga ito depende sa mga pangangailangan ng iyong mga estudyante at sa mga pahiwatig ng Espiritu Santo.
Maaari mong ipanood ang video na “For God So Loved the World ” (4:48), simula sa time code na 1:56. Ang video na ito ay matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org at makatutulong sa mga estudyante na mailarawan sa isipan kung ano ang handang pagdusahan ng Tagapagligtas upang bigyan tayo ng pagkakataong magsisi. Kung pipiliin mong ipanood ito, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ipahayag ang nadarama nila tungkol sa Tagapagligtas at sa kaloob na pagsisisi pagkatapos manood.
4:48
Give thanks for the Lord Jesus Christ: His life, His atoning sacrifice, and His Resurrection. John 3:16
Mga Pahayag mula sa mga Lider ng Simbahan
Maaari mong paghiwalayin ang dalawang pahayag sa kasamang handout at bigyan ang bawat estudyante ng isa sa mga pahayag. Sabihin sa kanila na pag-aralan ito at isulat sa likod kung bakit mahalagang maunawaan ito ng isang teenager. Pagkatapos ay sabihin sa kanila na makipagpalitan ng papel sa isang estudyante na may isa pang pahayag at basahin ang pahayag na ito at kung ano ang isinulat ng isa pang estudyante.
Sinabi ni Elder Lynn G. Robbins ng Pitumpu:
Wala nang higit na panig sa atin kaysa sa Tagapagligtas. …
… Ang pagsisisi ay hindi Niya alternatibong plano sakali mang mabigo tayo. Pagsisisi ang Kanyang plano, batid na gagawin natin ito. (Lynn G. Robbins, “Hanggang sa Makapitongpung Pito ,”Liahona , Mayo 2018, 22)
Nagpatotoo si Pangulong Russell M. Nelson:
Tulad sa lahat ng bagay, si Jesucristo ang ating dakilang huwaran, “na Siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus” [Sa Mga Hebreo 12:2 ]. Isipin ninyo iyan! Para mapagtiisan Niya ang pinakamatinding karanasang tiniis sa lupa, nagtuon ang ating Tagapagligtas sa kagalakan !
At ano ang kagalakang inilagay sa harapan Niya? Tiyak na kabilang dito ang kagalakang linisin, pagalingin, at palakasin tayo; ang kagalakang pagbayaran ang mga kasalanan ng lahat ng magsisisi; ang kagalakang gawing posible na makabalik tayo—nang malinis at karapat-dapat—sa piling ng ating mga Magulang sa Langit at ng ating pamilya. (Russell M. Nelson, “Kagalakan at Espirituwal na Kaligtasan ,” Liahona , Nob. 2016, 83)
Mga himno tungkol sa Tagapagligtas
Kung gagamitin mo ang opsiyong ito, maaari mong hayaang magbahagi ang mga estudyante ng mga parirala tungkol sa Tagapagligtas mula sa iba’t ibang himno na nagtuturo ng tungkol sa Kanyang kaloob na pagsisisi. Depende sa mga pangangailangan at kakayahan ng iyong mga estudyante, maaari mong piliing kantahin ang ilan sa mga himno bilang isang klase. Maaari mong imungkahi sa mga estudyante na iugnay ang mga himnong ito sa Doktrina at mga Tipan 19:16–19 sa kanilang mga banal na kasulatan.
Bigyan ng oras ang mga estudyante na pagnilayan ang natutuhan at nadama nila. Maaari mo silang anyayahang isulat sa kanilang study journal ang mga saloobin at impresyon nila. Maaari mong sabihin sa mga estudyante na isipin kung paano nila mas lubos na maaanyayahan ang pagpapala ng pagsisisi ng Tagapagligtas sa kanilang buhay.
Maging sensitibo sa mga paramdam ng Espiritu. Maaari mo ring anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga patotoo sa isa’t isa.
Maaari mong tulungan ang mga estudyante na isaulo ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan sa lesson na ito at rebyuhin ang mga ito sa mga susunod na lesson. Ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan ay “Ako, [si Jesuscristo], ay pinagdusahan ang mga bagay na ito para sa lahat.” Ang mga ideya para sa mga aktibidad sa pagsasaulo ay nasa mga materyal sa appendix sa ilalim ng “Mga Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery.”
Nagpatotoo si Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan:
Tiniis ng ating Tagapagligtas at Manunubos ang hindi maunawaang pagdurusa upang maging sakripisyo para sa mga kasalanan ng lahat ng mortal na magsisisi. Inialay ng nagbabayad-salang sakripisyong ito ang sukdulang kabutihan, ang dalisay na korderong walang bahid-dungis para sa sukdulang kasamaan, ang mga kasalanan ng buong sanlibutan. Binuksan nito ang pintuan para malinis ang bawat isa sa atin sa ating personal na mga kasalanan upang muli tayong tanggapin sa kinaroroonan ng ating Diyos Amang Walang Hanggan. Ang bukas na pintuang ito ay para sa lahat ng anak ng Diyos. …
Dama at alam ng ating Tagapagligtas ang mga tukso, paghihirap, pasakit, at pagdurusang dinaranas natin, sapagkat kusang-loob Niyang dinanas ang lahat ng ito bilang bahagi ng Kanyang Pagbabayad-sala. … Dapat tandaan ng lahat ng nagdaranas ng anumang klase ng mga kahinaan sa mundo na ang ating Tagapagligtas ay nagdanas din ng gayong uri ng pasakit, at na sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala, binibigyan Niya ang bawat isa sa atin ng lakas na makayanan ito. (Dallin H. Oaks, “Ano ang Nagawa ng Ating Tagapagligtas para sa Atin? ,” Liahona , Mayo 2021, 76–77)
Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson:
Itinuturing ng maraming tao na parusa ang pagsisisi—isang bagay na dapat iwasan maliban sa pinakamatitinding sitwasyon. Ngunit ang pakiramdan na pinaparusahan tayo ay galing kay Satanas. Tinatangka niyang hadlangan tayo na umasa kay Jesucristo, na nakatayong nakaunat ang mga kamay, umaasa at handa tayong pagalingin, patawarin, linisin, palakasin, dalisayin, at pabanalin. …
Wala nang mas nagpapalaya, mas nagpapabanal, o mas mahalaga sa ating indibiduwal na pag-unlad kaysa sa regular at araw-araw na pagtutuon sa pagsisisi. Ang pagsisisi ay hindi ginagawa nang isang beses lang, ito ay isang proseso. Ito ay susi sa kaligayahan at kapayapaan ng isipan. Kapag nilakipan ng pananampalataya, ang pagsisisi ay nagiging daan para magamit natin ang kapangyarihan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo. (Russell M. Nelson, “Maaari Tayong Gumawa nang Mas Mahusay at Maging Mas Mahusay ,” Liahona , Mayo 2019, 67).
Sinabi ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol:
Kung minsan sa ating pagsisisi, sa araw-araw nating pagsisikap na maging higit na katulad ni Cristo, paulit-ulit tayong [nahihirapan sa iyon at iyon ding kasalanan]. … Huwag panghinaan ng loob. Kung kayo ay nagpupursigi at nagsisikap na magsisi, nasa proseso kayo ng pagsisisi. (Neil L. Andersen, “Magsisi … Upang Mapagaling Ko Kayo ,” Liahona , Nob. 2009, 41)
Ang ibig sabihin ng manliit ay umiwas o umatras sa paggawa ng isang bagay, kadalasan kapag ito ay mahirap o masakit.
Video: “Christ Suffered for All” (2:20)
Pinatotohanan ni Pangulong M. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol ang pagsunod ng Tagapagligtas sa kalooban ng Ama na isagawa ang Kanyang Pagbabayad-sala.
2:3
(D&C 19:16-19) Elder M. Russell Ballard teaches how Christ suffered for all.
Video: “Where Justice, Love, and Mercy Meet” (5:36)
Ikinuwento ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol ang tungkol sa dalawang magkapatid na lalaki na umakyat sa mapanganib na gilid ng bangin. Inihalintulad niya ang mga nakapagliligtas na ginawa ng isang kapatid sa nakapagliligtas na mga gawain ni Cristo sa pagsasagawa ng Pagbabayad-sala.
5:36
Two brothers attempt to climb a sheer canyon wall without any safety ropes or harnesses.Read Elder Holland's full conference address: https://www.lds.org/general-conference/2015/04/where-justice-love-and-mercy-meet?lang=eng&_r=1add
Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pag-aralan ang lahat o ang isang bahagi ng “Tutulungan Kayo ni Jesucristo ” (Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Paggawa ng mga Pagpili [2022], 6–9).
Maaari mong sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang natutuhan nila sa maliliit na grupo; pagkatapos ay maaaring magbahagi sa klase ang isang kinatawan ng grupo. Bilang alternatibo, maaaring ipakita ng mga estudyante ang mga makabuluhang katotohanan sa pamamagitan ng pagdrowing, pagsulat ng tula, o paggawa ng meme na ibabahagi sa social media.
Basahin ang Doktrina at mga Tipan 19:18–19 at talakayin kung paano ginamit ng Panginoon ang simbolo ng pag-inom ng “mapait na saro” upang ilarawan ang Kanyang pagdurusa sa Kanyang Pagbabayad-sala. Maaari mong gamitin ang mga sumusunod na tanong upang makatulong na gabayan ang talakayan.
Ano ang ilang mapait na sitwasyon na kinakaharap ng mga tao ngayon?
Anong mga aral ang matututuhan natin sa halimbawa ng Tagapagligtas?
Paano maaaring iangkop ang halimbawang ito sa ating buhay?