Seminary
Doktrina at mga Tipan 20–22: Buod


“Doktrina at mga Tipan 20–22: Buod” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan, (2025)

“Doktrina at mga Tipan 20–22,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 20–22

Doktrina at mga Tipan 20–22

Buod

Hindi nagtagal matapos ilathala ang Aklat ni Mormon, itinatag ang Simbahan ng Tagapagligtas noong Abril 6, 1830, sa Fayette, New York. Ang mga paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 20–22 ay nagsasaad ng payo ng Panginoon para sa bagong tatag na Simbahan. Sa mga bahaging ito, matututo tayo ng mahalagang impormasyon, tulad ng mga kwalipikasyon para mabinyagan sa Simbahan ng Tagapagligtas, mga salita ng mga panalangin sa sakramento, at ang payo ng Panginoon sa Simbahan na tanggapin ang mga salita ng Kanyang Propeta “nang buong pagtitiis at pananampalataya” (Doktrina at mga Tipan 21:5).

icon ng training Hikayatin ang mga mag-aaral na ibahagi ang mga katotohanang natututuhan nila: Nais ng Panginoon na ang lahat—hindi lamang ang Kanyang mga propeta—ay magkaroon ng kapangyarihang bigkasin ang Kanyang salita. Iyan ang nais Niya para sa ating lahat, pati na sa mga taong tinuturuan mo (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 1:20–21). Ang isang paraan na matutulungan natin ang mga estudyante na magawa ito ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pag-uusap kung saan makakapagsanay sila na ipaliwanag ang ebanghelyo sa iba. Para sa higit pang mga detalye kung paano ito ginawa ng Tagapagligtas, tingnan sa bahaging “Hinikayat ng Tagapagligtas ang Iba na Ibahagi ang mga Katotohanang Natutuhan Nila” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Maaari ka ring makakita ng halimbawa kung paano ito gawin sa lesson sa linggong ito na may pamagat na Doktrina at mga Tipan 20:1–36.

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay ng mga ideya kung ano ang maaaring kailangang ihanda mo nang maaga para sa bawat lesson.

Doktrina at mga Tipan 20:1–36

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng Simbahan ng Tagapagligtas.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pag-isipan kung paano sila tutugon sa isang taong nagtanong kung bakit kailangang mapabilang sa isang simbahan.

  • Video:Ang Pangangailangan para sa Isang Simbahan” (15:42; panoorin mula sa time code na 0:00 hanggang 0:48)

  • Handout: “Bakit May Simbahan ang Tagapagligtas?”

Doktrina at mga Tipan 20:37, 68–79

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na masuri kung paano nila natutugunan ang mga inaasahan ng Panginoon sa mga miyembro ng Kanyang Simbahan.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na basahin ang Doktrina at mga Tipan 20:37, 68–79 at sabihin sa kanila na alamin ang mga tuntunin na inilaan ng Panginoon para sa mga taong gustong sumapi sa Kanyang Simbahan at sa mga taong kabilang sa Kanyang Simbahan.

  • Larawan: Isang tao sa araw ng kanyang binyag.

  • Handout: “Mga Turo tungkol sa Binyag at sa Sakramento sa Doktrina at mga Tipan 20

  • Nilalamang ipapakita: Mga tagubilin para masuri ng mga estudyante ang kanilang sarili sa katapusan ng lesson.

Doktrina at mga Tipan 21

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na sundin ang mga salita ng mga propeta ng Panginoon nang buong pagtitiis at pananampalataya.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na dumating na handang ibahagi kung paano sila o ang isang taong kilala nila na napagpala sa pagsunod sa propeta.

  • Video: Ang Propeta ng Diyos” (15:55; panoorin mula sa time code na 11:51 hanggang 12:17)

  • Item na dadalhin: Mga kopya ng Para sa Lakas ng mga Kabataan: Gabay sa Paggawa ng mga Pagpili (2022) para sa mga estudyante na posibleng walang digital access.