Seminary
Lesson 27: Doktrina at mga Tipan 18:1–13: “Tandaan na ang Kahalagahan ng mga Kaluluwa ay Dakila sa Paningin ng Diyos”


“Doktrina at mga Tipan 18:1–13: ‘Tandaan na ang Kahalagahan ng mga Kaluluwa ay Dakila sa Paningin ng Diyos,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 18:1–13,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Lesson 27: Doktrina at mga Tipan 18

Doktrina at mga Tipan 18:1–13

“Tandaan na ang Kahalagahan ng mga Kaluluwa ay Dakila sa Paningin ng Diyos”

si Jesus kasama ang mga bata mula sa iba’t ibang lahi sa mundo

Bilang tugon sa mga naunang lider ng Simbahan na naghahangad ng kalooban ng Panginoon kung paano itatag ang Kanyang Simbahan, nagbigay ang Panginoon ng paghahayag kina Joseph Smith, Oliver Cowdery, at David Whitmer na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 18. Itinuro ng Panginoon sa mga kalalakihang ito ang mahahalagang katotohanan tungkol sa kahalagahan ng ating mga kaluluwa. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na madama na ang kahalagahan ng kanilang mga kaluluwa ay dakila sa paningin ng Diyos.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang ating kahalagahan

Maaari mong simulan ang klase sa pagsulat sa pisara ng sumusunod na hindi kumpletong pahayag. Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng mga makatotohanang paraan para makumpleto ito. Itanong sa kanila kung bakit ganito ang maaaring madama ng mga kabataan.

Sa mundo kung saan tayo nabubuhay, maaari tayong matukso o mapilitan na ibatay ang ating kahalagahan sa _______________.

Bilang alternatibo, maaari mong isulat sa pisara ang mga sumusunod na salita: Hitsura, Mga Tagumpay, at Mga Ari-arian. Itanong sa mga estudyante kung bakit maaaring matukso o mapilitan ang ilang kabataan na ibatay ang kanilang kahalagahan sa mga bagay na ito. Itanong kung ano ang iba pang mga bagay na maaaring matukso ang mga kabataan na gamitin bilang batayan ng kanilang kahalagahan.

Pag-isipan sandali ang nadarama mo tungkol sa kahalagahan ng iyong sarili at kung bakit. Saan mo ibinabatay ang iyong kahalagahan? Sa pag-aaral mo ngayon, alamin ang mga katotohanan na makatutulong sa iyo na madama ang iyong kahalagahan sa paningin ng Diyos.

Itinuro ng Panginoon ang tungkol sa kahalagahan ng mga kaluluwa

Ang sumusunod na buod ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang konteksto ng mga talatang pag-aaralan nila sa Doktrina at mga Tipan 18.

Noong Hunyo 1829, sina Joseph Smith, Oliver Cowdery, at David Whitmer ay nakatanggap ng paghahayag na kilala bilang Doktrina at mga Tipan 18. Ang paghahayag ay tungkol sa pagtawag sa labindalawang Apostol sa mga huling araw at pagtatayo ng Simbahan. Dagdag pa sa mga tagubiling ito, nagbahagi ang Panginoon kina Oliver at David ng mga napakahalagang katotohanan tungkol sa ating kahalagahan.

icon ng doctrinal mastery Ang Doktrina at mga Tipan 18:10–11 ay isang doctrinal mastery passage. Maaari mong sabihin sa mga estudyante na markahan ang mga doctrinal mastery passage sa natatanging paraan para madali nilang mahanap ang mga ito.

Basahin ang Doktrina at mga Tipan 18:9–13 para malaman ang itinuro ng Panginoon tungkol sa kahalagahan natin sa Kanya.

  • Ano ang nagustuhan o natutuhan mo mula sa mga talatang ito?

Habang nagbabahagi ang mga estudyante, isulat sa pisara ang mga katotohanang natuklasan nila. Ito ang ilang katotohanan na maaaring matukoy nila:

Ang kahalagahan ng mga kaluluwa ay dakila sa paningin ng Diyos.

Napakahalaga ko kaya handang magdusa at mamatay si Jesus para makapagsisi ako.

Maaaring makatulong na malaman na ang susunod na lesson (“Doktrina at mga Tipan 18:11–16”) ay mas nakatuon sa kagalakang nadarama ng Tagapagligtas kapag nagsisisi tayo.

  • Paano ipinapakita ng pagdurusa at pagkamatay ng Tagapagligtas para sa atin ang ating kahalagahan sa Kanya?

  • Paano maaaring makaapekto sa atin ang pagbatay ng ating kahalagahan sa pagmamahal sa atin ng Ama sa Langit at ng Tagapagligtas sa halip na sa mga makamundong label o titulo?

Palalimin ang iyong pag-unawa

icon ng handoutUpang matulungan ang mga estudyante na mapalalim ang kanilang pag-unawa sa mga katotohanan mula sa Doktrina at mga Tipan 18:10–11, maaari mong bigyan ang mga estudyante ng mga kopya ng kalakip na handout at anyayahan silang kumpletuhin ang isa o mahigit pa sa mga opsiyon sa pag-aaral. Ipakita ang mga opsiyong ito o ibigay ang mga ito bilang handout.

Pag-alaala sa ating kahalagahan sa Diyos

Piliin ang isa o ang lahat ng sumusunod na opsiyon para matulungan kang mas maunawaan at mapahalagahan ang iyong kahalagahan sa Diyos.

Opsiyon 1: Pag-aralan ang tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo at pagnilayan ang Kanyang pagmamahal sa iyo. Maaari mong basahin ang ilan sa mga sumusunod na talata: Isaias 53:3–5; Lucas 22:41–44; Juan 3:16–17; 1 Corinto 6:11, 19–20; Alma 7:7, 10–13. Maaari ka ring maghanap ng iba’t ibang talatang pag-aaralan.

Pag-isipang isulat ang mga cross-reference na gusto mong tandaan. Maaari mong isulat ang mga ito sa iyong mga banal na kasulatan sa tabi ng Doktrina at mga Tipan 18:10–11, isulat ang mga ito sa iyong study journal, o gamitin ang iyong Gospel Library app para gumawa ng mga tag o link.

Opsiyon 2: Pag-aralan ang itinuro ng mga lider ng Simbahan tungkol sa ating kahalagahan sa Diyos. Gamitin ang Gospel Library o iba pang resources para maghanap ng mga kaugnay na pahayag o mensahe. Maaari kang maghanap ng mga katagang tulad ng “kahalagahan o halaga” o “pagmamahal o pag-ibig ng Diyos” para matulungan kang makahanap ng resources. Ang sumusunod na pahayag ni Sister Joy D. Jones, dating Primary General President, ay isang halimbawa ng maaari mong mahanap.

Sister Joy D. Jones

Ipaliliwanag ko sa inyo ang pangangailangang masabi ang pagkakaiba ng dalawang mahalagang salita: halaga at pagkamarapat. Hindi sila magkapareho. Ang ibig sabihin ng espirituwal na halaga ay pahalagahan ang ating sarili ayon sa pagpapahalaga sa atin ng Ama sa Langit, hindi ayon sa pagpapahalaga sa atin ng mundo. Tukoy na ang ating halaga bago pa tayo pumarito sa mundong ito. “Ang pag-ibig ng Diyos ay walang hanggan at mananatili magpakailanman.”

Sa kabilang dako, ang pagkamarapat ay nakakamtan sa pamamagitan ng pagsunod. Kung nagkasala tayo, hindi tayo gaanong karapat-dapat, ngunit hindi kailanman nababawasan ang ating halaga! Patuloy tayong nagsisisi at nagsisikap na maging katulad ni Jesus nang hindi tayo nawawalan ng halaga. Tulad ng itinuro ni Pangulong Brigham Young: “Ang pinakamaliit at pinakaabang espiritu ngayon sa lupa … ay singhalaga ng mga daigdig.” Anuman ang mangyari, palagi tayong may halaga sa paningin ng ating Ama sa Langit. (Joy D. Jones, “Halagang Hindi Masusukat,” Liahona, Nob. 2017, 14)

Matapos ang sapat na oras, bigyan ang mga estudyante ng pagkakataong ibahagi ang kanilang natutuhan. Maaari muna silang magbahagi nang magkaka-partner, at pagkatapos ay maaaring magbahagi sa klase ang mga nakahandang estudyante.

icon ng training Lumikha ng kapaligiran kung saan iginagalang ang lahat at alam nila na pinahahalagahan ang kanilang mga kontribusyon: Humanap ng mga pagkakataong pasalamatan ang mga estudyante para sa kanilang mga sagot at ipaalam sa kanila na pinahahalagahan mo ang mga paraan ng pakikibahagi nila. Para sa karagdagang training kung paano ipahahayag ang pagpapahalaga, tingnan ang training na may pamagat na “Lumikha ng ligtas na kapaligiran kung saan iginagalang ang lahat at alam nilang pinahahalagahan ang kanilang kontribusyon.” Ang training na ito ay matatagpuan sa Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro.

Maaaring makatulong sa klase kung may listahan ng paboritong resources ng mga kaklase sa pisara. Maaaring kopyahin ng mga estudyante ang listahang ito para magamit bilang personal na sanggunian.

Iugnay ito sa iyong buhay

Ang pagbabahagi ng mga makabagong kuwento o karanasan ay makatutulong sa mga estudyante na madama ang kanilang kahalagahan sa Diyos. Bago sabihin sa mga estudyante na talakayin ang sumusunod na tanong, maaari mong ibahagi ang sarili mong halimbawa kung paano mo nadama ang iyong kahalagahan sa Diyos. Maaari mo ring ipanood ang video na “The Hope of God’s Light” (6:46), na matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org, at sabihin sa mga estudyante na alamin kung paano nalaman ng isang tao ang kanyang kahalagahan sa paningin ng Diyos.

  • Anong mga karanasan sa buhay mo o sa buhay ng iba ang nakatulong sa iyo na madama na ang kahalagahan ng iyong kaluluwa ay dakila sa paningin ng Diyos?

Sabihin sa mga estudyante na gumawa ng isang bagay para mas mapagnilayan ang kanilang kahalagahan sa paningin ng Diyos sa susunod na isa o dalawang linggo. Bigyan sila ng oras sa klase para ihanda ang gagawin nila. Ang sumusunod na listahan ay may kasamang mga ideya na maibabahagi mo. Ang lesson na “I-assess ang Iyong Pagkatuto 2” ay magpa-follow up sa mga karanasan ng mga estudyante sa aktibidad na ito.

Alamin kung paano mo pagninilayan ang iyong kahalagahan sa paningin ng Diyos sa susunod na ilang linggo. Narito ang ilang paraan para magawa mo ito:

  • Gumawa ng paalala at ilagay ito sa isang lugar kung saan mo ito regular na makikita. Maaaring ito ay isang poster o smartphone background na may larawan at siguro kahit mga salita mula sa mga banal na kasulatan.

  • Manalangin tuwing umaga at gabi para mas malinaw na maunawaan kung paano ka pinahahalagahan ng iyong Ama sa Langit.

  • Magplano ng regular na oras para pagnilayan sa iyong journal ang iyong kahalagahan.

  • Mag-ukol ng oras sa maraming pagkakataon na basahin at pag-aralan nang mas malaliman ang iyong patriarchal blessing. Isipin kung paano mo ito magagawa sa ibang paraan para maunawaan mo talaga ang nais ng Ama sa Langit na malaman at madama mo tungkol sa iyong sarili.

Magpatotoo tungkol sa pagmamahal ng Diyos at sa walang hanggang kahalagahan ng bawat estudyante, na makikita sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas.

Isaulo

Maaari mong tulungan ang mga estudyante na isaulo ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan sa lesson na ito at rebyuhin ang mga ito sa mga susunod na lesson. Ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Doktrina at mga Tipan 18:10–11 ay “Ang kahalagahan ng mga kaluluwa ay dakila sa paningin ng Diyos.” Ang mga ideya para sa mga aktibidad sa pagsasaulo ay nasa mga materyal sa appendix sa ilalim ng “Mga Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery.”