Lesson 199—Pagbabahagi ng Ebanghelyo Dahil sa Pagmamahal na Tulad ng kay Cristo: Pagmamahal sa Diyos at sa Kapwa
“Lesson 199—Pagbabahagi ng Ebanghelyo Dahil sa Pagmamahal na Tulad ng kay Cristo: Pagmamahal sa Diyos at sa Kapwa,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Pagbabahagi ng Ebanghelyo Dahil sa Pagmamahal na Tulad ng kay Cristo,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Lesson 199: Paghahanda ng Missionary
Pagbabahagi ng Ebanghelyo Dahil sa Pagmamahal na Tulad ng kay Cristo
Pagmamahal sa Diyos at sa Kapwa
Maraming dahilan kung bakit maaari nating piliing ibahagi ang ebanghelyo ni Jesucristo sa iba. Tumitindi ang hangarin nating ibahagi ang ebanghelyo habang natututuhan nating mahalin ang Diyos at ang mga tao sa paligid natin. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan kung paano sila mahihikayat ng kanilang pagmamahal sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, at sa ibang tao na ibahagi ang ebanghelyo.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Motibasyon na maglingkod
Bagama’t maraming dahilan upang paglingkuran ang iba, aling mga dahilan ang pinakamalamang na makatutulong sa atin na maging katulad ng Tagapagligtas? Bakit?
Ano ang ilang dahilan kung bakit maaaring piliin ng isang tao na ibahagi ang ebanghelyo sa isang kaibigan o piliing maglingkod bilang full-time missionary?
Aling mga dahilan ang pinakamalamang na makatutulong sa kanila na maging epektibo sa pagdadala sa iba sa Diyos?
Ang mga hangarin ng Diyos
Basahin ang isa o dalawa sa mga sumusunod na passage, at alamin ang itinuturo ng mga ito tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo:
Anong mga karanasan ang nakatulong sa iyo na madama ang pagmamahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo para sa iyo?
Paano makaiimpluwensya ang pag-unawa sa kung bakit tayo pinaglilingkuran ng Ama sa Langit at ni Jesucristo sa hangarin mong ibahagi sa iba ang ebanghelyo?
Ang pagmamahal ay makapaghihikayat sa atin na ibahagi ang ebanghelyo
Hindi nagtagal matapos Ipako sa Krus si Jesucristo, nangisda ang ilan sa Kanyang mga disipulo. Habang nangingisda sila, inanyayahan sila ng isang lalaking nasa dalampasigan na ihagis ang kanilang mga lambat sa kanang bahagi ng kanilang mga bangka. Matapos gawin ito at makahuli ng maraming isda, napagtanto ng mga disipulo na ang lalaki ay ang nabuhay na mag-uling Tagapagligtas. Nang dumating sila sa pampang, pinaglingkuran sila ni Jesus sa pamamagitan ng pagpapakain at pagtuturo sa kanila.
Ano ang natutuhan ninyo sa paraan kung paano ninais ni Jesus na ipakita ni Pedro ang kanyang pagmamahal?
Basahin ang sumusunod na pahayag ni Propetang Joseph Smith (1805–44), at alamin kung ano ang idinaragdag nito sa inyong pag-unawa sa mga paanyaya ni Jesus sa Juan 21.
Mapagmahal ang isa sa mga pangunahing katangian ng Diyos, at dapat itong ipakita ng mga taong naghahangad na maging mga anak ng Diyos. Ang isang taong puspos ng pag-ibig ng Diyos, ay hindi kuntentong pamilya lamang niya ang mapagpala, kundi ang buong mundo, sabik na mapagpala ang buong sangkatauhan. (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith [2007], 387)
Ano ang pinakamahalaga para sa inyo sa pahayag ni Joseph Smith?
Ano ang natutuhan ninyo mula sa Juan 21 at sa pahayag ni Joseph Smith na maaaring maghikayat sa inyo na ibahagi ang ebanghelyo o magmisyon?
Ano sa palagay ninyo ang mga epektibong paraan upang mapalalim ang ating pagmamahal sa Diyos? Upang mapalalim ang pagmamahal natin sa ibang tao?
Pagdaig sa pag-aatubiling ibahagi ang ebanghelyo
Bilang grupo, gumawa ng sitwasyon kung saan nag-aatubili ang isang binatilyo na maglingkod bilang full-time missionary o magbahagi ng ebanghelyo sa isang kaibigan. Pumili ng isang magsusulat ng sitwasyon sa isang papel. Tiyaking isama ang mga dahilan kung bakit nag-aatubili ang taong nasa sitwasyon.
Gamit ang natutuhan at nadama ninyo ngayon, sabihin sa isang tagasulat na isulat ang ibabahagi ng inyong grupo upang matulungan ang taong nasa sitwasyon. Magsama ng mga mungkahi sa kung ano ang magagawa ng tao para madagdagan ang kanyang pagmamahal sa Tagapagligtas at sa kanyang kapwa. Maaari ninyong isama ang isang bagay tungkol sa kung paano makatutulong ang pagdama ng pagmamahal ng Tagapagligtas para mapatindi ang hangarin ng taong ito na maglingkod.