Lesson 201—Pagpili na Magmisyon: Mga Pagpapala ng Paglilingkod Bilang Missionary
“Lesson 201—Pagpili na Magmisyon: Mga Pagpapala ng Paglilingkod bilang Missionary,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Pagpili na Maglmisyon,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Lesson 201: Paghahanda ng Missionary
Pagpili na Magmisyon
Mga Pagpapala ng Paglilingkod Bilang Missionary
Ang isang paraan kung paano pinagpapala ng Ama sa Langit ang Kanyang mga anak ay sa pamamagitan ng gawaing misyonero. Pinagpapala Niya ang mga missionary sa kanilang paglilingkod at pagtuturo sa mga tao sa kanilang komunidad at sa buong mundo. Pinagpapala rin Niya ang mga tumatanggap ng mensahe ng ebanghelyo at paglilingkod na ibinibigay ng mga missionary. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na makadama ng hangaring paglingkuran ang Panginoon bilang Kanyang mga missionary.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Ang ating responsibilidad na maglingkod bilang mga missionary
Muling ipinagtibay ni Pangulong Russell M. Nelson ang tawag ng Panginoon na maglingkod bilang mga missionary:
Ngayon, muli kong pinagtitibay nang husto na hinihiling ng Panginoon sa bawat karapat-dapat at may kakayahang binatilyo na maghanda para sa at maglingkod sa misyon. Para sa mga lalaking Banal sa mga Huling araw, ang paglilingkod sa misyon ay isang responsibilidad ng priesthood. Kayong mga kalalakihan ay inireserba para sa panahong ito na nagaganap ang ipinangakong pagtitipon ng Israel. Kapag naglilingkod kayo sa misyon, may ginagampanan kayong malaking papel sa walang-katulad na panahong ito!
Para sa inyo na bata pa at may kakayahang mga sister, ang misyon ay isa ring maganda, ngunit opsyonal, na oportunidad. Mahal namin ang mga sister missionary at buong-puso namin silang tinatanggap. Ang iniaambag ninyo sa gawaing ito ay kahanga-hanga! Ipagdasal na malaman kung nais ng Panginoon na magmisyon kayo, at sasagot ang Espiritu Santo sa inyong puso’t isipan. (Russell M. Nelson, “Pangangaral ng Ebanghelyo ng Kapayapaan,” Liahona, Mayo 2022, 6)
Basahin ang pahayag kasama ang inyong kompanyon.
Talakayin kung ano ang tumimo sa inyo mula sa pahayag.
Maghandang ibahagi sa klase ang inyong mga ideya.
Personal na pagninilay
Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson:
Mahal na mga kaibigang kabataan, bawat isa sa inyo ay mahalaga sa Panginoon. Inireserba na Niya kayo sa panahong ito para tumulong na tipunin ang Israel. Ang desisyon ninyong magmisyon, proselyting man ito o service mission, ay magpapala sa inyo at sa maraming iba pa. (Russell M. Nelson, “Pangangaral ng Ebanghelyo ng Kapayapaan,” Liahona, Mayo 2022, 6–7)
Pag-isipan at isulat sa inyong study journal ang inyong mga sagot sa mga sumusunod na tanong:
Aling mga bahagi ng pahayag na ito ang pinakamakabuluhan sa iyo? Bakit?
Ano ang itinuro ni Pangulong Nelson na maaaring makaapekto sa iyong hangaring magmisyon?
Mga pagpapala ng paglilingkod bilang missionary
Bilang magkompanyon, saliksikin ang mga banal na kasulatan, mensahe sa pangkalahatang kumperensya, himno, o Gospel Library, at hanapin ang mga sumusunod:
Mga pagpapalang maibibigay ng Panginoon sa iba sa pamamagitan ng ating mga pagsisikap bilang missionary.
Mga pagpapalang maibibigay sa atin ng Panginoon sa pagmimisyon.
Aling mga pagpapala sa pisara ang natanggap ninyo o ng ibang kakilala ninyo sa pamamagitan ng gawaing misyonero?
Ano ang isang banal na kasulatan o pahayag na nabasa ninyo ang nakatulong sa pagpapatindi ng hangarin ninyong maglingkod sa Panginoon bilang missionary?
Sa palagay ninyo, paano makaiimpluwensya ang gawaing misyonero sa inyong ugnayan sa Panginoon? Bakit?